"Finals na next week"
Lunch break namin ngayon at magkakasama kami dito sa bandang mga puno sa campus namin, mahangin kase dito at madalas dito rin tumatambay ang mga tropa.
Magkakasama kami ng mga kaibigan ko at nasa kabilang table si Jyryll kasama ang mga tropa niya, puro sila lalaki kaya nag-aalangan pa akong lumapit.
"Nakapag-review na ba kayo?" tanong ko.
"Hindi pa nga eh" sagot ni Lia "Dinig ko mahirap daw ang exam natin kay ma'am Salazar, Carl"
Napatingin naman si Nash dito "Buti pa kayo kay ma'am Salazar, medyo mabait pa 'yon"
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay may tumabi sa akin, nagulat pa ako dahil si Jyryll ito dala ang lunch niya.
"Anong ginagawa mo dito, Jy?" tanong ng pinsan niya.
"Kumakain, bawal?" pabalang na sagot ng isa habang hindi nililingon ang pinsan.
Tumingin ako sa mga tropa niya "Iniwan mo sila do'n"
"Kaya naman nila mabuhay nang wala ako, malalaki na sila"
Bilib din ako sa kakulitan ng isang 'to. Tahimik kami ng kumain habang ang mga kaibigan ko ay nagkwekwentuhan. Nakikitawa na lang kami kapag may joke sila.
"I'll buy drinks" paalam niya sa'kin "What do you want, babe?"
Dinig ko na naibuga ni Athena ang iniinom niya kaya naiilang akong tumingin kay Jyryll "Coffee nalang, love"
Lalong naubo si Athena at sumabay si Wyatt. Hinalikan ako sa pisngi ni Jy bago umalis habang makahulugan ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin.
May mga gulat, may mga nakangisi. Tawang tawa ako dahil hindi ko mawari kung alam na ba nila na may relas'yon kami.
"B-bakit ganiyan kayo makatitig?" tanong ko, kinakabahan.
"Babe? Love?" natatawang tanong ni Nash.
Umakto naman si Lia na kumuha ng phone at nag dial "Hello babe? Oo, kumain na'
ko. Ano? I love you? I love you too"Nagtawanan sila habang napapikit na lang ako sa inis at hiya. Diyos ko, ano ba naman 'tong mga 'to.
"Okay, fine" sabi ko "Kami na, last week lang"
Nagpalakpakan naman sila, nakakahiya dahil nagsitinginan ang mga tao, pati na rin ang mga kaibigan ni Jyryll.
"Kumusta?" sabik na tanong ni Nash.
Parang ang saya niya ngayon, last month lang ay umiiyak siya dahil sa problema niya pero ngayon parang ang sigla niya.
"Okay lang" sagot ko at napangiti "Jy is sweet and caring. Bonus na 'yong pagiging pogi niya"
"This is for real, right?" natatawang tanong ni Wyatt "Hindi na 'to fake?"
"This is for real"
Napalingon kami kay Jyryll na naglalakad papalapit. Inabot niya sa akin ang ices coffee ko habang sumimsim sa soft drinks niya.
Tumawa naman si Wyatt "You better take care of her"
"Why?" tanong ni Jy "You'll take her from me?"
Hindi ko masabing mag-aaway sila dahil pagkatapos iyon sabihin ni Jyryll ay nagtawanan sila. Napangiti na lang ako dahil ay hindi ko sila mapatigil mag-away noon pero ngayon ay parang nagkakasundo na sila.
"Magreview tayo sa weekends?" aya sa akin ni Jy.
"Sama kami!" sabi naman ni Lia.
Tumango tango si Nash "Sama! Sama!"
Jyryll sighed and just nodded, I could see that he wanted us to spend time together alone but it is not a big deal when my friends came with us.
Kinahapunan no'n ay pauwi na kami nang tumawag si mama sa akin. Agad ko naman sinagot ito habang hinihintay ni Jy ang stop light.
"Ma?" bungad ko dito.
"Hello, anak" sagot niya "May emergency ang lola mo, ang mama ng tatay mo, pumunta muna kami ng probinsiya. Ayos lang ba sa'yo na maiwan mag-isa sa bahay?"
"Ano pong nangyare kay lola?" tanong ko.
Tumahimik siya sandali "Inatake siya sa puso" sagot niya "Pero huwag kang mag-alala, papunta na kami doon, kaya mo ba diyan?"
"Kila Jyryll po muna siguro ako, ma" sagot ko "Ingat po kayo ha"
"Ikaw rin, 'nak" saad niya "I love you"
"Love you" sagot ko.
Nang mapatay ko ang tawag agad kong sinabi kay Jyryll na sa bahay muna kami dahil kukuha ako ng gamit.
"Tara sa kwarto, kukuha lang ako ng ilang damit" sabi ko.
Tumango naman siya at sumunod sa akin, medyo kinakabahan pa ako dahil baka hindi malinis ang kwarto ko. Pagpasok doon ay laking pasalamat ko dahil hindi naman ito mukhang dugyot.
"So dito ka natutulog?" tanong niya.
Natawa ako "Obvious ba?"
Nakaupo lang siya sa harap ng study table ko habang naghahanap ako ng mga gamit ko na pwede dalhin sa condo ni Jy.
"Sure kang okay lang tayo sa condo mo?" tanong ko.
Tumango siya "Saka nakapaglinis na rin ako do'n dahil do'n ako nag-e-stay para makapag review ng maayos"
"Okay" ngumiti ako.
Tapos na ako mag-ayos ng mga damit ko at isusunod ko na sana 'yong mga gamit ko sa study table ay nakita kong tulog doon si Jyryll. Natawa pa ako dahil sa tangkad niya ay tingin ko hindi siya komportable dahil medyo maliit ang lamesa ko.
Tinapik ko siya upang gisingin "Babe, dito ka muna sa kama. Gisingin na lang kita kapag aalis na"
At first ang hirap niya palipatin pero kusa na rin siyang tumayo at humiga sa kama, agad din siyang nakatulog at siguro dahil iyon sa pagod.
Kahit natapos na ako sa lahat ay hindi ko pa ginising si Jy dahil nakakakonsensya naman, parang pagod na pagod siya at napakahimbing ng tulog. Tumabi nalang ako sa kaniya at sumandal sa head board.
Habang nag-e-scroll ako sa phone ko ay ramdam ko ang yakap sa akin ni Jyryll at napansin kong gising na ito.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong niya "Anong oras na?"
Tinignan ko ang phone ko "It's already 7 pm and I thought you were tired so I didn't want to wake you up"
Hindi siya sumagot ay siniksik niya ang mukha niya sa bewang ko. Humiga ako ng maayos at pinantayan siya. He was closing his eyes and trying to rest more as I just stare at him.
We look so peace just like this, I just hope that this will last forever.
"Stop staring" sabi niya, hindi pa rin binubuksan ang mga mata.
Tumawa ako "I am not"
But I still do...
He opened his eyes and he saw that I was still staring at him. He slowly brought his lips to mine and he softly kissed me, I closed my eyes and responded with his kiss.
Eventually, he let go and hug me tight, I was now facing his chest.
"I love you, Ryne"
Unti unting kumorba ang ngiti sa mga labi ko sabay sabing "Mahal rin kita, Jy"
![](https://img.wattpad.com/cover/365290068-288-k723546.jpg)
YOU ARE READING
You're Losing Me
RomanceRyne and Jyryll, two people who aren't romantically involved, decide to pretend to be a couple for reasons of their own. As they play out their fake relationship over months, they start to develop real feelings for each other. Eventually, they hav...