Kabanata 8

5 1 0
                                    

"Finally, finally, finally" paulit ulit na sabi ni Lia "Tapos na ang paghihirap natin sa exam!"

Nandidito kami sa tapat ng classroom namin, nakatambay. Tapos na kase mid terms namin at may kalahating araw pa kami para tumambay kung saan.

"Tara gala?" aya ni Carl.

"Sure! Saan ba?" tanong naman ni Nash.

Nag-isip isip kami "What if sa Love Cafè?" sabi ni Lia.

"Saan 'yon?" tanong ko.

"Basta tara" sagot naman niya.

Hinila niya si Athena at tumakbo sila na agad namang sinundan ni Nash at Carl. Nagtinginan kami ni Wyatt, hinawakan niya ang kamay ko ay tumakbo rin kami.

Nakakatuwa dahil mukha kaming mga batang nagtatakbuhan ngayon. Noon pa kami ganito, since highschool. Sa totoo lang magkakaklase kami kase irregular student kaming lahat.

"Nakakapagod kayo" sabi ko nang makaakyat kami sa cafè.

Rooftop iyong cafè at nasa third floor sya. Ang ganda ng view dahil kita ang city.

"Ang ganda" sabi ko nang nakalapit sa balcony.

"Ang ganda nga..." dinig ko si Wyatt sa tabi ko.

Bago pa man ako magsalita at lumingon kay Wyatt ay narinig ko si Lia.

"Hoy! Mamaya na kayo mag-moment diyan!" sigaw nito na nasa kalayuan "Order muna kayo!"

Natawa nalang kami ni Wyatt at sumunod sa loob. May mga tables naman sa loob pero mas maganda pa rin sa labas.

Umorder kami ni Wyatt ng usual drinks namin, salted caramel sa akin at matcha naman sa kanya. Sinamahan na rin namin ng sandwiches and fries.

Tinikman ko iyong drink ko "Ano ba yan... mas sanay na ako sa ginawang drink sa akin ni Jy"

Nang masabi ko iyon at bigla akong natigilan at napatingin kay Wyatt. Napatigil siya sa pagkain ngunit agad rin namang ngumiti.

"Masarap ba 'yong gawa niya?" tanong nito.

Napakagat ako ng labi "Uh... oo" sagot ko "W-wyatt, I'm sorry"

"No, Ryne. It's fine" saad niya "I know na nasanay ka lang masyado dahil lagi mong kasama si Jy"

Hindi... patawad kase pakiramdam ko kay hindi na kita kayang gustuhin kahit gustuhin ko...

Gusto ko iyon sabihin sa kaniya. Ayaw ko nang umasa pa siya sa wala pero... ayaw ko rin siyang masaktan.

"Ryne? Wyatt?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita si Jyryll. Ano ba yan! Pinag-uusapan lang namin bigla-bigla siyang susulpot.

"J-jy" utal kong tawag "Kanina pa kayo diyan?"

"Ah... hindi naman" sagot niya.

"What are you doing here? And who is she?" tanong ni Wyatt.

Napalingon si Wyatt kay Patricia na nasa tabi niya "Uh... this is Pat, at nandito kami para i-try itong bagong cafè, bago lang daw kase ito"

Tumango si Wyatt "Okay, punta na kayo sa loob"

It sounded more a command instead of a suggestion. Nag-iinit na naman ang sagutan nitong dalawa, kaya ayaw ko nang nasa iisang lugar sila eh.

Nang makaalis sila ay humarap ako kay Wyatt "Wyatt..." tawag ko dito "Huwag mo na siyang bastusin, he is our senior rin kaya"

Hindi siya nagsalita at kumain nalang. Maya maya ay pumunta akong banyo ngunit pagkalabas ko ay nasa tapat ng pinto si Jy.

Akala ko ay papasok siya doon ngunit nang aalis na sana ako kay hinawakan niya ang kamay ko.

You're Losing MeWhere stories live. Discover now