Kabanata 2

21 2 0
                                    

"Good evening ma"

Humalik ako dito sa pisngi at saka nagmano, nagluluto siya.

"Uh... ma, papaalam po sana ako na may pupuntahan akong birthday ng..." hindi ko alam ang sasabihin  ko "...ng boyfriend ko po"

"Boyfriend?" natatawang tanong niya "Kailan ka pa nagkaboyfriend? Ni wala ka ngang pinapakilalang manliligaw eh"

"Eh... please po ma" pagpupumilit ko.

Gusto ko ring pumunta dahil never pa akong nainvite sa mga ganiyan. Sumasama lang ako kay mama kapag may family gatherings or birthdays pero hindi pa ako pumupunta mag isa.

"Ipakilala mo muna 'yong boyfriend mo na yan sa akin. Tutal, sabado naman bukas, bakit hindi mo siya ayain kumain dito ng tanghalian?" sabi ni mama.

"Ano?!" gulat na sabi ko "Kailangan pa talaga 'yon ma?"

"Ay oo, aber" sagot niya "Bukas ha. Oh magbihis kana at kakain na"

I couldn't process everything... ipapakilala ko si Jyryll bilang boyfriend ko. Kung gusto ko siyang tulungan gagawin ko ito.

Tinawagan ko siya nun at sinabihan. Nung una ay gulat pa siya dahil bakit daw 'boyfriend' ang paalam ko.

Dumating siya kinabukasan na may dalang mga prutas at bulaklak.

"Hi, good morning!" bati ni mama sa kanya.

"Good morning po, tita" magalang na sabi ni Jy.

"Ah, ma. Si Jyryll po" pakilala ko "Love, this is mama and my little sister, Rhena"

"Hi, Rhena" lumuhod si Jyryll para makapantay nito "You're so cute"

"Thank you" Rhena giggled.

cute.

We sat down the table and we ate.

"So Jyryll, gaano na kayo katagal ng anak ko?" tanong nito.

We looked at each other, hindi alam ang sasabihin.

"Uh... 2 months palang po" sagot niya.

"Hmm... bago palang" saad naman ni mama "Malapit na daw ang birthday mo at gusto mong ayain ang anak ko?"

"Yes po, sa sabado po sana kase po 2 days and 1 night po 'yon sa beach" sagot ni Jyryll.

"Wala ka pang nasasabi sa akin na ganiyan" gulat na sabi ko.

"Sasabihin ko palang sana" hinawakan nito ang kamay ko "And tita, I want to invite you rin po para masaya. The more the marrier, they say"

"Oh really?" nakangiting saad ni mama "Okay lang iyon sayo, Ryne?"

"H-huh?" gulat na saad ko, hindi alam ang sasabihin.

"Love, it is okay kung isasama natin sila tita for them to have fun naman" sabi ni Jy.

"Uh... sure" lumingon ako kina mama "You guys may come, ma"

After we ate, Jyryll and I went to our garden. May malawak kase na garden si mama na puno ng mga iba't ibang bulaklak. I was stunned when he held my hand.

"We need to practice na" he said.

I scoff "I don't need practice, ang dali lang ng mga kailangan nating gawin. We just need to pretend"

"Talaga?" tanong niya.

"Talaga" agaot ko.

"Even though someone asked us to kiss?"

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Hindi ako makaimik, ano ba dapat ang isasagot ko.

"See?" saad nito "We do need to practice"

You're Losing MeWhere stories live. Discover now