"Girl, stop it na"
Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko at tuluyang ininom ang 15th shot ko. Iritadong iritado talaga ako sa mukha ng lalaking 'yon, nasira ang maganda kong gabi.
"Girl, if you drink more, Jyryll will kill me" sabi ni Lia.
Sinamaan ko ito ng tingin "Kasalanan mo rin, you invited that guy" sabay turo sa tukmol.
"Ryne" pagpapakalma ni Wyatt na nasa tabi ko na.
"You're so cold to him" sagot naman ni Lia "Kausapin mo na kase"
Inirapan ko siya at nagsalin ulit ng alak sa baso bago inumin. Ramdam ko na ang pagkahilo kaya nahiga ako sa likuran ni Wyatt.
"Ryne naman-" he was getting frustrated "Mapapatay kami ni Jy, binilin ka niya sa amin tapos ganito ka niya susunduin"
"I miss my man!" sigaw ko pa.
Tinatawanan lang ako ni Nash, Carl, at Athena, habang si Lia at Wyatt ay na-e-stress na sa akin. Kita ko naman na lumapit sa akin ang isang tukmol kaya umusong pa ako para sumiksik kay Wyatt na takang takang tumingin sa akin.
"Ilayo mo ako d'yan, dimunyo yan!" sabi ko pa.
Kumunot ang nuo ng isa "Seriously, what happened to her?"
"Nasapian ng Black Label" pabalang na sagot ni Lia "Tatawagan ko na nga 'yong sundo niyan!"
Kita kong lumabas si Lia at lumapit sa akin ng bahagya si Lucius kaya tumalon ako sa likod ni Wyatt para magtago, hindi ko rin alam kung bakit ganito ang asta ko ngayong gabi.
"Ryne, ano ba?" Lucius is getting impatient "I just need a word with you"
"Anong 'a word'? Nakailang salita ka na!" pamimilosopo ko.
Napahawak siya sa sintido niya at hinimas iyon "God, 5 years lang ako nawala, ganiyan ka na"
"Lang?!" natawa ako "'Yang lang mo, iniyakan ko yan ng isang taon!"
Ramdam ko ang mabigat na hanging dito sa pwesto namin, dapat na talaga akong tumahimik "Punyeta 'yang 5 years na 'yan, dami kong problema na hindi mo alam, kaya 'wag mong ma-lang lang 'yang 5 years at baka isako kita!"
Ramdam ko ring lumuluha na ako, umalis si Wyatt sa harap ko at nagkaroon ng pagkakataon si Lucius para makalapit sa akin.
"Ryne... I'm sorry, okay?" sabi niya at pinunasan ang luna ko "Nagkamali si kuya, sorry"
"Nawalan ako ng tatay kasama na rin ang pagkawala mo! Para akong nawalan ng kakampi noong mga oras na iyon!" iyak ko pa.
"Sorry..." dinig kong bulong niya.
Umaagos ang mga luha ko, aaminin ko. Noong nagparamdam ulit siya sa akin ay bumalik lahat ng sakit, dahil isang taon ako umasa na sana magparamdam ulit siya, na sana kausapin niya ako ngunit walang nangyare.
Pilit niyang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya nang may humila sa kaniya patalikod.
"Ryne" tawag sa akin ni Jyryll "What happened?"
Hindi ako nagsalita at niyakap nalang siya para pakalmahin ang sarili ko.
"Excuse me? Sino ka?" dinig kong tanong ni Lucius.
"Her boyfriend"
"Mahal" tawag ko dito "Uwi na"
He nodded and carry me this his car as Lia followed us with my things. Instead of putting me in the front seat, he made me lay down at the back as Lia help him.
YOU ARE READING
You're Losing Me
Roman d'amourRyne and Jyryll, two people who aren't romantically involved, decide to pretend to be a couple for reasons of their own. As they play out their fake relationship over months, they start to develop real feelings for each other. Eventually, they hav...