Kabanata 6

5 1 0
                                    

"Bakit?"

Ramdam ko ang pagkadismaya niya. Hindi ko rin alam kung bakit. Umayos ako ng upo at tumitig na lang sa kanya.

"Okay naman tayo, 'di ba? Bakit tayo titigil?" tanong pa niya.

"I mean, we can be just friends... I can help you talk with tita and tito" sagot ko "I just feel guilty na nagsisinungaling tayo"

He sigh "Bakit parang biglaan?" tanong niya.

"Minsan kase nakakaguilty habang iniisip na ang alam nila tayo kahit hindi naman talaga" sambit ko.

"Do you really want us just to be... friends?" tanong pa niya.

I nodded "Friends, to get to know more each other" sagot ko.

"Okay" he nodded "Just give me a month. A month to get ready para sabihin sa mga taong nakakaalam na hindi talaga tayo"

Akala ko pa naman, a month para masulit pa kung ano meron tayo.

"Sure" sagot ko at inayos ang mga gamit ko.

"Uwi ka na?" tanong niya.

"Yep, it's almost late" sagot ko.

He insisted na ihatid ako, hindi na rin ako promotesta. Lumipas ang ilang linggo at nalalapit na iyong pag-amin namin.

Nagbabasa ako ng isa sa mga paborito kong libro habang lumapit sa akin si Wyatt. Aalis na sana ako nang hawakan niya ako.

"Akala ko ba okay tayo?" tanong niya.

"Hindi. Hindi tayo okay, Wyatt" sagot ko "Pinagsalitaan mo ng masama si Jy kahit wala kang alam. Oo, sinabi niya sa akin iyong mga masasakit na sinabi mo sa kanya. Wala ka namang alam eh, kaya huwag mo siyang husgahan"

I just blurted it out, na‐trigger lang siguro ako.

Binitawan niya ako "I'm sorry, okay? Nag-aalala lang naman ako sayo"

I scoffed, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga sinasabi niya o ano.

"Pwede ba tayong mag-usap sa mas pribadong lugar?" tanong niya.

"At para saan?" tanong ko.

"Importante lang" sagot niya.

Umayon na lang ako sa gusto niya at pumunta sa tagong parte ng eskuwelahan.

Hindi ko alam kung bakit niya ako kakausapin ngunit may tiwala pa rin naman ako sa kanya kaya alam kong wala siyang gagawing masama.

"Ano ba 'yon?" tanong ko.

"Gusto kita"

Nagulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Huh?" nagtataka kong sambit.

"Oo, Ryne. Gusto kita una palang. Kaya lang naman naging kami ni Jen kase... kase gusto kitang pagselosin" sagot niya.

Umiling-iling ako "Dalawang taon? Dalawang taon para lang pagselosin ako?" tanong ko "Si Jy..."

"Alam ko lahat. Alam kong hindi kayo... alam kong- Alam kong peke lahat 'yon, Ryne" sabi niya "Narinig ko kayo isang beses"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Umalis nalang ako at hindi siya pinansin buong araw. Uwian na at hinihintay ko ngayon dito si Jyryll. Bukas na kami aamin na walang kami pero... gusto ko siya.

Gusto ko lang naman mag simula kami ulit bilang magkaibigan muna at saka ako aamin. Ayoko ng pagpapanggap...

"Ryne"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Jyryll. Hindi siya mukhang okay, ang lungkot niya tignan.

"Oh? Okay ka lang?" tanong ko.

Tumango sya "Okay lang"  sagot niya "Tara na, late na"

Aalis na sana siya nang pigilan ko siya "Uh... Jy" tawag ko "May gusto sana akong sabihin"

"Actually, ako rin" sagot niya.

"Talaga? Ikaw muna" sabi ko.

"No, you first" pakikipagtalo niya..

Umiling ako "Hindi na, ikaw na"

He waited for a second before saying "Umamin sa akin si Patricia"

"Hmm?" onti onting nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Gusto raw niya ako" sagot niya.

Agad kong binawi ang mga ngiti ko "Wow! Ang galing... what a coincidence" saad ko "Umamin din sa akin si Wyatt"

"T-talaga?" tanong niya "Wow, this is our chance na"

"Yeah... our chance" sagot ko.

We lost our chance, Jy...

"Tara na, hinatid na kita" sabi niya.

"Sure" sagot ko.

Akala ko ay ihahatid lang niya ako sa sakayan ngunit umabot na kami sa tapat ng bahay bago siya nagpaalam.

"So, dito nalang?" tanong ko.

"Yeah... dito nalang" sagot niya "Thank you, Ryne, for everything"

"Thank you rin" sabi ko "Our plan worked, pareho tayong nagwagi sa nais ng isa't isa"

Tumango siya "Hindi na ako hahanapan ng girlfriend nila mommy at gusto ka rin ni Wyatt. Isn't it perfect?"

"It is..." sagot ko.

Umalis na siya at pumasok ako sa loob. Pagkasara ko ng pinto ay napaupo na lang ako at naiyak, akala ko tama na. Akala ko gusto niya rin ako... mali pala pag-aakala ko.

"Anak?"

Napaangat ang tingin ko kay mama at agad naman itong lumapit sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya "Anong nangyare?"

"Wala na kami ni Jyryll, ma" pilit akong ngumiti "I mean, hindi naman naging kami"

"Ano? Hindi kita maintindihan, n'ak" sabi nito.

"Nagpapanggap lang pong kami the whole time"  sagot ko "Pero ma, kapag nakausap niyo po si Jy, please huwag nyo pong sabihin na ganito epekto nito sa akin.

"Gusto mo siya?" tanong niya.

Tumango ako "Sobra ma"

Sobrang gusto ko siya.

"May importante lang po sana kaming sasabihin tita"

Nandirito kami sa bahay nila Jyryll ngayon. Kasama na namin sila tito't tita, buti nalang at hindi sila busy ngayon.

"Ano ba iyon anak? Mukha kayong seryoso" sabi ni tita.

"Tita, we're here to tell you po na..." I hesitated "...hindi po totoo ang relasiyon namin ni Jy"

"Ano?" sabay na sabi nila ni tito.

"We really apologize po for lying. Jyryll was just too afraid po na hanapan niyo siya ng babaeng hindi niya naman mahal kaya as his friend" friend "I just helped him po"

"Wait" parang hinihingal si tita Jessica "It is too much to process, I'm sorry mga anak"

"Mom... we're so sorry for lying" sabi ni Jyryll.

Tumingin naman sa amin ng diretso si tita "So you don't like each other?"

"I-" sasagot na sana ako ng putulin ako ni Jy.

"Just friends, mom"

Just Friends... tama.

Kaibigan mo nga lang pala ako.

You're Losing MeWhere stories live. Discover now