I woke up in the middle of the night when I felt someone is staring at me.
(Eyy English)At di nga ako nagkamali kasi merong anino sa bintana.
Nagsitaasan ang mga buhok ko sa batok nang gusto nitong buksan ang bintana.
Akyat Bahay?
Pumunta ako sa kusina para ihanda ang sarili ko para sa kung ano mang mangyayari.
Tatalikod na sana ako nang may naramdaman akong likido na dumadaloy sa tainga ko pababa sa leeg ko.
Tinignan ko ito at para akong natanggalan nang tinik sa nakita ko.
Dugo?, di lang dugo meron pang mga uod.
Gusto kong sumuka pero hindi ko magawa,gusto kong pumunta sa banyo para tanggalin ang nasa tainga at leeg ko pero hindi ko magawa.
Para akong naparalyzed na ewan, tinignan ko ang paligid ngunit gayun nalang din ang gulat ko nang may tao sa harapan ko,hindi ko makita ang mukha nya.
Balot na balot sya nang itim na damit.
Gusto ko syang bangasan sa mukha sa totoo lang.
Pero di ko magawa.
Mas lumapit sya sakin at habang palapit sya nang palapit nasusuka ako sa amoy nya,parang di lang nakaligo nang ilang taon bhe?
Nahihirapan akong huminga.
Nag blured nadin ang paningin ko.
Gusto ko pa syang titigan nang mabuti para makilala ko pa nang maayos.
Pero huli na ang lahat.
Bigla ako nitong hinampas sa ulo nang kung ano man.
"AHHH!!"hingal na hingal ako at pawis na pawis gumising.
Tinignan ko ang paligid maayos walang kulang.Pumunta ako sa bintana kung nakasara ba nang maayos.
Nakahinga ako nang maluwag nang napagtantong panaginip lang pala ang lahat.
Tinignan ko naman ang orasan at 4:33 am palang.
Masyado pang maaga.
Hinawakan ko naman ang tainga at leeg ko.
Para syang totoo yung amoy nya totoong totoo.
May naamoy naman akong familiar na amoy.
Para akong binuhusan nang malamig na tubig,kasi kaamoy sya nang tao sa panaginip ko.
Nanggaling sa pinto.
Dahan dahan akong pumunta sa pinto habang kinakabahan.
May dala na din akong kutsilo,habang palapit ako nang palapit mas lalong tumatapang ang amoy.
Dahan dahan kong pinihit ang pinto.
Pagkabukas ko nang pinto parang nasusuka ako,tinignan ko ang paligid wala namang tao.
Dun kulang gustong matawa kasi may suka sa diaper nang baby sa basurahan,sinong tangengot na maglalagay dito nyan. Sa harapan pa talaga ng pintuan ko a.
May mga uod pa o.
Eww.
Ako na ang nag presinta na itapon kung saan mang pwedeng itapon.Nakakahiya naman sa nagtapon lang dito nang diaper nang anak nya.
Mamaya mapagkamalan pakong may anak na e.
Pagkatapos kong itapon ang basuharan ako narin ang naglinis ng mga kalat sa labas nang pintuan ko.