Nagising ako sa mahihinang tapik nang katabi ko.
Binuksan ko nang dahan dahan ang mga mata ko at namangha sa nakita ko.
Ang ganda nya at ang lawak,sa labas palang rinig na ang tugtugan.
"You like it?" Tumango tango naman ako na hindi tumitingin sakanya, meron ding malaking fountain sa labas na umiilaw ilaw.
Madami naring mga taong pumapasok sa loob.
"Let's go inside, di lang ang labas ang maganda" sabi nya habang tumatawa tango lang ako nang tango.
Binuksan ko na ang pintuan nang kotse,inantay ko pa si Justine kasi may kausap sya na diko kilala.
Guard siguro sya dito.
Para naman akong batang paslit na nawawala kasi diko talaga mapigilan ang excitement ko linga doon linga dito.
Ang ganda talaga,parang di totoo.
"Babe" dun ko lang tinanggal ang tingin ko sa kahit saan nang tinawag nako ni justine.
"Wait"
Pagkapasok namin sa loob grabe ang nganga nang bunganga ko totoo nga ang sinabi nya mas maganda sa loob.
Nilibot ko naman ang tingin ko at napangiwi kasi madaming naglalaplapan.
Really? In front of my innocent gorgeous eyes??
"HAHAHAH you will get use to it" umasim naman bigla ang itsura ko na lalo nyang ikinatawa.
So ang sinasabi mo araw araw kotong makikita?
Nuu!!
"Babe?" Kakamuni muni mo yan hades.
"Ay sorry bakit?" Tumawa naman sya kaya sinuklian ko ng irap.Buang.
"Tara na magpapalit na tayo" seryoso talaga sya?,akala ko biro lang.
Wala nakong nagawa kasi hinila nya na ako papasok sa diko malamang room.
Akala ko kwarto puro locker lang pala ang laki kasi e tapos may limang cr.
May binigay naman sya sakin, ito na siguro ang uniform ko.
"Try mo dali!maganda yan" para naman syang bulateng inasinan sa sobrang kulit nya.
Tinulak nya naman ako sa isang cr kaya wala nakong nagawa kundi mag palit.
Nagtagal pako sa cr kasi diko alam kung maganda ba tignan ang suot ko.
"Babe bilisan mo na Jan,magpapalit kalang naman nang damit e" inirapan ko nalang sya kahit di nya ko nakikita.
Wala nakong nagawa kundi lumabas na.
Napanganga naman sya.Sabi na e pangit.
"Omg!!" Tili nya diputa naman o ang sakit sa tainga parang nabasag eardrums ko dun a.
"Hoy magtigil ka nga para kang may bulate sa pwet ah" ang kulit nya kasi e.
"Ang hot mo dyan daddeh" daddeh mo mukha mo,mukha na siguro akong tanga sa suot nato.
Akmang papasok na sana ako sa pinasukan kong cr nang bigla nya akong hinila papunta sa malaking salamin.
At duon ko lang nakita ang kabuoan ko.Woahh.
Bagay sakin.
"Ang ganda" sabi ko nang di mapakaniwala.Tinignan ko naman na may nakalagay na staff at sa baba non ay ang pangalan ko.
Gusto kong kagatin yung staff titignan ko lang kung tunay na ginto.
Tumalikod nako para tignan kung maganda din ang likod.