Nandito ako ngayun kasama si justine sa VIP room.Kaming dalawa lang kasi ginagamot nya ang sugat ko.
"Jusko babe nasugatan ang facelak mo,mababawasan ang kapogandahan mo nyan" sabi nya at mariing dinikit ang yelo sa sugat ko.
"Aray naman" daing ko at napapikit nalang habang inaalala ang nangyari kanina sa cr.
"Btw nasan na yung lalake?" Tanong ko kasi ang pagkakaalam ko lang kinuha sya nang mga guard kasama na ang walang hiyang babaeng yun.
"Pinadala ko sa hospital" tumango nalang ako kasi di ako makasagot nang maayos.
Binigay nya naman sakin ang yelo kasi napapagod nadaw sya.
E sandali lang naman nya hinawakan ang yelo wala panga sa 5 minutes yun e.
"Nagtanong daw ang nurse Kay papi zack ko kung anong nangyari" inirapan ko nalang sya,harot talaga kahit kailan.May katandaan narin si kuya Zack e mga nasa 40 o 42 kaya papi ang tawag nya tapos malaki daw ang biceps gusto nya daw mag pa headlock.
Tumango ako para ipahiwatig sakanya kung ano ang sinagot ni kuya zack, pag igagalaw ko kasi ang bunganga ko parang nagkakakuryente may pumipitik nalang bigla bigla.
"Napagtulungan daw nang mga tambay sa gilid kasi daw yayamanin"tumango nalang ako, pwede narin.
Makaraan and ilang minuto chineck ko ang sugat ko kung pipitik parin pag mag sasalita ako.
"a e i o u"di na gaanong masakit.
At shemay may nakalimutan ako.
Yung trabaho ko sa caffe di pa pala ako nag reresign dun.
" Justine samahan moko after class punta tayo sa dati Kong trabaho tulungan moko kung anong idadahilan ko kung bakit di ako pumasok nang ilang araw"expert kasi sya pag dating dito e kaya minsan nakakaalis sya nang bahay nila nang di nalalaman nang tatay nya.
"Sabihin mo nalang na may nahanap kang trabaho at malaki ang sweldo mo dun"ehh di naman madaling gawin yun e.
"Samahan mo nako,mamaya di ako makaalis nang buhay dun e" pagpupumilit ko sakanya.
Bumuntong hininga naman sya.
Pagod na pagod? E wala nga syang ginawa kundi makipag usap sa mga new crush nya daw kuno.
"Tignan ko bukas kasi diba umuwi na si dad?" Tumango naman ako.
"Baka kasi may biglaang meeting di kita masamahan" oo nga pala nakalimutan ko business man pala ang tatay nito.Pano to?baka di pa ko nakakatapak sa loob nang caffe puro ratatat na agad ang naririnig ko.
"Sige,ako nalang ty, ha sorry sa abala"tumango nalang sya at itanapik ang balikat ko.
" O sya mag palit kana para mahatid na kita mukhang pagod kana e"tumango nalang ako at di na nagsalita.
Parang nadrain lahat nang energy ko,tapos tinatamad pakong tumayo.
Tumayo nako at pumunta sa locker kung saan nakalagay ang damit ko.
Pagkatapos kong makuha ang damit ko dumeretso nako sa cr para makapag palit.
Pagkatapos kong magpalit lumabas nako at wala na si justine, siguro nag palit na din.
Nilagay ko na ang uniform ko sa locker at kinuha ko na din ang bag ko at nilock.
Nilagay ko muna sa upuan ang bag ko at dumeretso sa malaking salamin para tignan ang mukha ko.
Pangit na nga ko papangitan pa lalo.