CHAPTER 13

8 0 0
                                    

VILLA FONRER

"I said stop! You should not say things like that!" Galit ang balik dito ni lolo.

"Why? May natamaan ba ako?" Angil ni Cloud na parang naghahamon.

Buong pagkatao ko ang natamaan.

Natigilan nang maramdaman ang kamay ni Sophia sa braso.

"Let's go, Moon."

Napatingin ako nang diretso sa mga mata niya, ang titig ay kagaya kanina mula sa pagbaba ng sasakyan.

Pumasok ang tanong sa isip. Ano ang nasa isipan nito ngayon?

Unang tumayo at sumunod ako.

"Sophia, I will be honest with you. Moon is a well-known womanizer. He's not good at business, maybe he's good at his painting."

Natulos ang mga paa sa kinatatayuan. Parehas ang katabi dahil sa sinabing iyon ni Cloud. Tumitig ako sa mukha ni Sophia at malaman ang kanina pang tanong ng isip. Pero ang mga sumunod na narinig ay hindi ko na nagawang alisin ang paningin sa babaeng nagsalita.

"I know."

Katahimikan ang sumunod.

"I was not mistaken when I chose Moon over you. I know from the start what he is like," kalmadong sabi.

Lumipat ang titig nito galing kay Cloud papunta sa akin.

"Let's go," mahinang sabi at bumaling kay lolo. "Thank you for everything, we need to leave."

Pagkatapos ng pagbibigay galang kay lolo ay awtomatikong humawak sa kamay ko si Sophia. Napasunod na parang amo ang katawan sa babaeng parang walang kaguluhan sa paligid ang anyo. Naglakad papalayo mula sa lahat. Hanggang makalayo sakay ng sasakyan ay hindi pa rin nawawala sa loob ang mga sanhi ng pangyayari. Itinigil sa isang tabi ang sasakyan at pinakalma muna ang katawan at isipan. Isinubsob ang ulo sa manibela at huminga ng malalalim.

Ganito ang nangyayari kapag nagpipigil ng emosyon sa pinaghalong galit at sakit na nararamdaman na parang sasabog sa loob.

Mahabang sandali muna ang pinalipas bago napakalma ang lahat. Nang huminahon ang lakas ng tibok ng puso ay isinandig ang ulo sa likod. Paglingon sa katabi ay prenteng nakaupo at nakatingin sa labas.

"Tungkol sa sinabi mo--"

"Totoo ang sinabi ko kanina."

Napatitig ako sa kanya nang matagal, ganoon din siya sa akin. "You knew all along?"

"Does it matter?"

"Yes, it is."

"I don't care about it." Ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. "Umuwi na tayo."

May umuusbong na pakiramdam sa puso habang nagmamaneho.

Pagdating sa parking lot apartment ay hindi gumalaw para bumaba, parang nasa malayo ang isip dahil sa malayo ang tanaw.

Parang nahuhulaan ang dumadaloy sa isip nito ngayon. "Kung alam mong mahina ako una pa lang, bakit ako ang pinili mo?" May galit dahil baka ang plano nito ay paikutin ako sa palad.

Lumingon at tumitig ng diretso habang malamlam ang ipinapahayag ng mga mata. "Wala akong sinabing mahina ka," habang nagkunot-noo ang makinis na noo.

"Pero bakit ako pinili mo, Sophia Ken?" Mas galit dahil hindi maintindihan ang gusto nito iparating.

"Will you let me sleep beside you?"

"Are you that desperate to sleep with me?"

"Yes."

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon