CHAPTER 12

129 11 0
                                    

ART GALLERY

Mahigit dalawang linggo ang lumipas. Ngayon ay Disyembre.

Mula sa tawag para sa pagkuha ng reservation papuntang Greece kinabukasan ay sunod nakatanggap ng mensahe galing sa lalaking hindi nagparamdam pagkatapos ng dinner kasama ang magulang nito.

Family tradition, dinner at Tagaytay, later. Let's go together.

Itinago ang cellphone at tumitig sa harapan.

"Poor."

Bulong ni Frances habang nakatitig din sa oil painting. Ayon sa nakikita ay madilim ang kalangitan at ang sa sentro ay isang buwan na nakasilip habang napapalibutan ng mga kumikislap na bituwin.

"Poor?" Tanong ko.

Si Georgina ang sumagot at itinuro ang buwan. "Masyadong malamlam, hindi ganyan ang buwan kapag hindi natatakpan ng ulap."

Ang taong bihasa sa paintings.

"Gusto mo ba kunin ito?" Tanong ni Frances.

Para sa akin? "What makes you say na gusto ko 'yan?" Tanong ko pabalik.

"Kanina mo pa kasi tinititigan." Tumalikod at pumunta sa sunod na larawan.

Am I?

Narito kaming tatlo sa gallery. Maraming tao dahil sa mga bagong dating na art works galing sa iba't ibang artist. Kabilang na si Georgina.

Sumunod ako sa tabi ni Frances. "May nagustuhan ka na ba bilhin?" Tanong ko.

"Mayroon kaso may nauna ng nakakuha."

"Ano iyon?" Habang tinitigan ko ang larawan ng American Indian.

"The Moon in the Night."

Napatingin ako sa kanya. "That painting? Sino ang nauna sa iyo?"

"Ikaw."

Nonsense. "You can have it. I'm not interested."

"But your heart has an interest in it."

"You speak unnecessarily, Frances."

"Maybe."

"Hindi ba Moon ang first name ng napangasawa mo?" Tanong ni Georgina.

"Hindi ka talaga nahuhuli sa balita," anas ko.

"Ex ko kasi ang pinsan niya."

"Who?"

"Rain Fonrer."

"Really? Ilang araw?"

"Four days."

Nonsense.

"Malapit ng umabot si Jade," sabi ni Frances habang kinukuhanan ng larawan ang free standing sculpture. Agad napatingin dito si Georgina.

"Umabot sa alin?" Tanong ko.

"One hundred ex-boyfriends, ang pustahan nilang dalawa ni Georgina."

"Insecure talaga," rinig na bulong ng isa.

Another nonsense.

💛💛💛

AT WORK

"You failed me again, Moon."

Inilayo ang paningin sa matandang lolo.

"Maybe, I expect too much from you."

Napayuko dahil sa kahihiyang naramdaman.

"Are you doing your best for the past weeks?"

Walang sagot ang nais sabihin dahil totoo ang lahat ng akusa. Parang alikabok na kung saan ang hihip ng hangin ay doon napupunta. Mahina sa negosyo, o marahil dahil sa kapabayaan ng isang katulad ko? Hindi maabilidad kagaya ng iba.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon