THE BEACH
Wala sa sariling napatitig sa mga nakikita.
Ang lahat ng tensyon ay hindi akalain lalabas ngayon. Nakaharap sa mga nilalang na nakikita lang sa telebisyon.
Pero ang babaeng gustong protektahan ay lumayo at humarap sa mga iyon.
Ang takot ay napalis at napalitan ng kakaibang paghanga pero hindi makapaniwalang nasasaksihan. Nakikita ngayon ang kayang gawin ng isang katulad ni Sophia. Lalong luminaw sa alaala ang kaparehas ng nakita sa nakaraang auction, kung paano gumalaw ang mga taong iyon. At si Sophia ay kahalintulad ngayon ng mga nakakatakot na ligaw na hayop sa gubat.
Isang wrestling. Ang isang Sophia Ken ay nakikipag-wrestling sa dalawang malalaking hayop. Habang ang isang itim na itim ay mabagal naglalakad sa paligid at nakababa ang buntot.
Naghalo-halo ang pakiramdam nang umibabaw sa unahan ng isip ang totoong pagkatao ng napangasawa. Ang galaw nito ngayon na malayo sa nakikita noon.
Natapos ang laban. Bumalik ang asawa sa tabi, punit ang ilang parte ng bulaklaking damit at sira-sira na ang sombrero. Habang ang tatlong nilalang ay lumapit, mabagal ang paglapit na may mukhang parang mananakmal.
"I have never seen them for a year."
Hindi na ako sa mga hayop nakatingin dahil nalipat sa babaeng tuluyang pinunit ang suot nitong damit saka tinanggal at itinapon sa malapit na basurahan.
Nawala doon agad ang pansin nang may dumikit sa tagiliran at dumaan ang kaba nang nasa tabi na mismo ang ulo ng malaking hayop. Pati ang isa pa ay lumapit, sa paraang inaamoy ang katawan ko.
Napatda ng iniwan ako ni Sophia, pumasok ito sa nakabukas na pinto. Susunod na sana at ihahakbang ang paa ng may umangil sa bandang likod.
"Panther," boses ni Sophia.
Bumalik at ang tanging maninipis na saplot ang tumatakip sa mga pribadong parte. Ang maputi at makinis na kutis ay nasisilayan ngayon ng malapit at malaya.
Ipinikit ang mga mata, sa kabila ng panganib ay nagkaroon ng iglap na pagbabago sa temperatura ng katawan. Waring nahihipnotismo at magiging halimaw ang loob sa walang dahilan.
Naramdaman ang kamay ng asawa ng humawak sa braso.
"He is a rare leopard. He is still not tame to us, unlike those two Cheetahs. Are you scared?"
Iminulat ang mga mata. "Nabigla lang." Sunod ay napalunok.
Hinila ang braso ko papasok ng pinto. Mas sa mga nakikita pilit inilalagay ang buong konsentrasyon. Napansin, organisado ang loob, malawak at malaki. Mataas ang ceiling na maaring umabot ng tatlo o apat na palapag. Sa unang palapag ay may ilang lagusan habang nakahilera sa magkabilang gilid mula sa ikalawang palapag at pataas pa ang mga pinto para sa bawat silid, marami kung bibilangin.
"My room is at door number eleven. Let's go upstairs."
"If that black cat is not tamed, safe ba dito?" Ang pumasok na tanong habang papunta sa hagdan.
"You are safe as long as I'm around."
Naalala ang galawan ng asawa. "Then, hindi ako pwede maglakad ng mag-isa?"
"Yes, just stay with me," may naglalarong ngiti sa labi.
Nakatitig na ako doon at inalis agad ang pansin. Ang sinabi nitong silid ay nasa ikatlong palapag. Nang makapasok sa silid ay inaasahang may makikitang gamit na makakapagtukoy sa kabilang pagkatao at gawain ng babae, pero ang nagpakita sa harapan ay isang normal pero marangyang silid at walang higaan.
BINABASA MO ANG
BOOK 2 - SERENITY
Romance"About your condition, no man will ever agree on that unless you make love with them first." - Moon Fonrer In the Black Diamond group, the one with the most unpredictable character and the scariest in combat is Sophia Ken, one of the three Martial...