HOTEL
Pinuntahan ang ibinigay na papel ng kaibigan.
Habang naghihintay sa lobby ng hotel ay napadako ang pansin sa malapit na television. Ang mundo ay tumutok nang makita ang mukhang nakatatak na sa isipan. Nakasuot ito ng puting telang gown na bumabakat sa katawan. Nakatayo na parang modelo. Nakakaakit sa paningin at kung nasa tabi ko sana ay baka hindi na naman mapigilan hapitin ang katawan at ipaloob sa mga bisig at hagkan ang mga labing nag-aanyaya mahalikan ko.
Naputol ang pagtitig sa kaanyuan ni Sophia dahil ang hindi inaasahan ay ang pagyakap at paghalik dito ng isang foreigner. Kita ang ngiti ng mga labi mula rito habang nakatitig sa humalik. Mas lalong gumanda habang nakangiti.
Nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan sa nakita.
"Moon Fonrer?"
Lumingon sa nagsalita. "I am," nang bahagyang nahanap ang boses. Lumingon sa tinititigan at nawala na roon ang nakita.
Humarap sa pakay na kliyente at nakipag-usap. Sa dako ng pag-iisip ay hindi nawala ang tumatak na imahe.
Ang nagpalubag loob ay ang resulta ng pag-uusap. Ang pagkakaroon ng pagkakataon makasali sa malaking gaganaping painting exhibit.
Ang gawain noon ay babalikan na ngayon.
💛💛💛
AIRPORT
Natapos ang tatlong araw.
Ginawang sulitin ang oras ng magkasama. Nagsusuot ito ng disguises para hindi makilala lalo nang hinatid ako sa airport. Naalala ang huling pag-uusap.
"I am in love, Sophia. I know this is true, I never felt this before."
Napangiti sa anyo ng mukha ni Deo nang sabihin iyon.
Pagkatapak ng mga paa sa airport ng sariling bansa ay tinawagan agad si Lenie sa boutique. "How's the business?"
"Sophia! Buti napatawag ka!"
Muntik ng mabitawan ang cellphone na hawak habang napadaan sa mga christmas decors.
"Bakit?" Mahinahong tanong.
"Naku, madami naghahanap sa 'yo at nagre-request ng appointments. Medias, managers, models, politicians. Lahat ko muna tinanggihan, hindi kita makontak kaya ganun. Kahit sa agency nabalitaan ko mas marami ang naghahanap sa 'yo doon. Okay lang ba yung ginawa ko?"
"Oo hayaan mo lang sila."
"Salamat naman."
"Tatawag ako ulit o tumawag ka kung may importante pang aasikasuhin d'yan. Salamat Lenie." Itinigil ang tawag.
Kinuha mula sa bag at isinuot ang malaking eyeglasses na walang grado. Ito ang ginamit sa Greece habang namamasyal kasama si Deo. Itinaas din ang buhok at basta na lamang itinali.
Sa ayos ay wala nga nakapansin hanggang makalabas ng terminal at sumakay sa taxi. Nagdesisyon umuwi ng condo. Pagkauwi sa unit ay hindi na nagpahinga, nagpalit lang ng damit at pumunta ng agency. Palihim pumasok nang walang nakakapansin habang suot pa rin ang disguises dahil siguradong kilala na ang mukha sa publiko.
Ito ang isa sa consequences na tinutukoy.
Narinig ang pagtunog ng cellphone. Message mula kay Lenie.
Sophia, nakalimutan kong sabihin pinapasabi pala ng Daddy mo tumawag ka raw sa kanya kapag natanggap mo ang message na ito.
Isa pang consequence.
Lunch break kaya wala masyadong empleyadong nadaanan pero ang naabutan sa loob ng private office ay kompleto ang mga assistant. Lahat ay nakatingin sa pagdating ko.
BINABASA MO ANG
BOOK 2 - SERENITY
Romance"About your condition, no man will ever agree on that unless you make love with them first." - Moon Fonrer In the Black Diamond group, the one with the most unpredictable character and the scariest in combat is Sophia Ken, one of the three Martial...