CHAPTER 28

10 0 0
                                    

FAMILY HOUSE

Habang papalapit ay mas lalong nababanaag ang reaksyon mayroon sa mga mata nito.

"Are you okay?" Tanong ko.

"Hindi mo yata narinig ang sinabi ko kanina," malamig ang boses.

Nagtatampo na. "I'm sorry, excited lang ako," sa mahinahong kong sabi.

Tumingin ito sa pupuntahan ko sana.

"Ano pala ang sasabihin mo?" Tanong ko.

"In our private time. Punta muna tayo sa parents mo."

Inilahad ko ang kaliwang palad. Ang malamig nitong titig ay nawala. Hinawakan iyon ng mahigpit.

"Ipapakilala kita sa isa sa espesyal na tao sa buhay ko," sabi ko.

Kunot noo. "Who?" Tumitig sa direksyong iyon.

"You will know."

Nag-umpisang maglakad sa normal na hakbang. Bago marating ang isang panig ng bakuran, napansin na kami ng mga magulang at si Deo. Masayang anyo ang ipinakita ko dahil iyon ang nararamdaman ngayon.

Pero ang kahawak kamay na asawa ay natigilan. Hanggang makalapit kami sa kanila.

"Welcome home," salubong ko para kay Deo ng may matamis na ngiti kahit hindi pa alam ang naging reaksyon ng mga magulang.

"You surprise me, my love," agad na sabi ni Deo.

"What about?"

"You did not tell me you're married!"

Nawala sa isip. "I forgot."

"You lazy woman! I should be invited."

Binigyan ko siya muli ng ngiti.

"Sophia," tawag ng ina. Hinarap ko siya at binigyan ng yakap at halik sa pisngi.

Ganoon din para sa ama. Nakangiti ang ina samantalang ang ama ay tama lang.

So, good mood ang paligid.

Nakangiti sa amin si Deo habang naka-cross arm, ramdam ko naman ang mas paghigpit ng kamay ni Moon sa kamay ko.

"Deo, this is Moon, my husband. Moon, my brother Deo."

Mabilis inilahad ng kapatid ang kamay kay Moon. "Nice to meet you."

"Your brother?" Puno ng amazement ang tono.

"Yes, he is."

"I thought he's a Fly..."

Sobrang maliit na bulong na hindi talaga maririnig pero malakas ang pandinig.

Hindi ko mapigilan tumawa, lahat tuloy sila ay tumingin sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Why are you laughing, my love? You are kind of weird."

"Don't mind me, I'm just too happy." Ngumiti na lamang at pinigilan ang pagtawa. Isa sa nagpapasiya sa akin ay ang makasama ang pamilya sa oras na ito at ang mas nagpapasaya ay si Moon.

"I will not be surprise magkakilala na kayo," sabi ni Roi Ken, sa pormal na pananalita pero napapansin ang kakaibang sigla.

"Yes, Dad," sagot ko

"Paano mo nalaman?"

"Noong highschool, pumunta siya sa akin."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Sabi ni Deo, baka kasi magalit ka."

"Hey! Speak english, people, I'm still here," singit ni Deo.

"We are complete, I think we should celebrate. This is a Christmas gift for all of us. I'm happy the two of you already know each other and there are no long phrases for that," singit ng ina.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon