CHAPTER 16

12 1 0
                                    

DIRECTOR'S OFFICE

Pagkatapos pa ng ilang sandali ay formal ng na-dismiss ang apela ng kabilang panig. Piniling umalis dahil napansin ang pagtatangka sana ng iba lumapit para makipag-usap. Nang makalabas ay naglakad patungo sa opisina ng ama. Nakasunod ang isang secretary sa pagpasok sa loob. Prenteng umupo sa couch para maghintay.

Dahil hindi pa tapos ang pakay dito.

Hindi nagtagal sa paghihintay nang pumasok ang inaasahan. Itinabi ang pinagkakaabalahan mula sa electronic tablet. Pagkalabas ng matandang secretary ay saka ito humarap at umupo sa katapat na upuan. Nagkaroon ng awkwardness sa loob dahil sa titig nitong waring nanunuri pero tinatapatan ko ng mahinahong anyo.

Baka galit dahil sa pakikialam sa negosyo nitong hindi pa man ipinapasa sa akin. Kung alam lang nito na mula pa noon ay pakialamera na ang anak nito.

"Please take care of your mother after I am gone."

Napalitan ang iniisip, iba pala ang gustong sabihin. "Why should I?" Seryoso kong tanong.

"Bakit hindi? I am serious right now, Sophia."

"Ako rin. Maaalagaan ko pa ba si Mommy kung aatakihin siya sa puso kapag nalaman niya ang sakit mo na itinago mo pala at sinasarili mo ang paghihirap ng walang karamay?"

Hindi nakaimik sa direkta kong mga salita para sa kanya.

Sinabi ko pa ang nais, "I'm not losing hope for you. What I was asking is for you to accept my proposal."

Matagal bago sagutin. "Kung alam mo ang sakit ko, siguro nalaman mo rin ang kondisyong wala ng pag-asa? Stop saying the word hope. I'm not after hope but practicality." Marahas na humugot ng hangin. "Death is at my front, facing me. I accepted it months ago."

"No, you're still not."

"Do not presume things."

"I am not," sabi ko.

"Noon pa sinabi sa akin ni Froiland ang lahat ng koneksyon mo sa kompanya. I am not worried what I will left behind," may pagsusuko sa boses nito.

Pero hindi ako titigil. "Our family is important to you. What purposes ang pagbenta mo ng ilang shares? It is because you do want to live for us. Spending millions for your illness and hiding it from us is an absolute way for you to hope for additional years to live. I'm saying this because this is my observation. If I'm wrong then send me again outside," sinabi ko ng malinaw.

Tumayo at nagpalakad-lakad sa harapan.

Pinagmasdan ko ang katawan ng ama, halata ang pagbawas ng timbang at ang galaw na hindi ipinapahalata pero siguradong nanghihina. Wala na ang dating sigla at magandang kutis. Maaaring ang buhok nito ngayon ay wig na lamang dahil sa nakakalbong ulo mula sa pagpapagamot.

"What reason do you want me to live? You should be happy, no father will control you and--"

"I know you're not controlling me. I think the right word is protecting."

Naghintay ipagpatuloy nito ang sinasabi pero hindi dumating dahil nakatitig lang.

Kaya ako ang nagsalita ng nais pang sabihin, "My life is exhausting but peaceful. Actually, I'm grateful to be your daughter."

Napalitan ang anyo ng titig at may nagpakitang emosyon, na mula noon ay hindi ipinapakita. Marahil dahil sa sakit ay naging malambot ang puso at baka dahil na rin sa mga sinabi ko.

Nakakita ng pagkakataon. "Please accept the medication, Dad. There's no harm in trying again. Please do it for Mom and me," may pleading galing sa totoong damdamin.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon