CHAPTER 2

311 7 0
                                    

BOUTIQUE

"Miss Ken, your father wants you to be in his office right now."

Pinutol ang linyang nagkokonekta sa matandang secretary ng ama. Lumabas ng opisina at lumapit sa sariling assistant. "Lenie, ikaw muna bahala dito."

"No problem Sophia, kakayanin." Ngumiti at kitang-kita ang mapuputing ngipin sa kabila ng kayumangging kulay.

"Hindi ko alam kung makakabalik ako mamaya," dadgdag ko pa.

"Paano pala ang meeting mo sa talent manager?" Bigla itong nag-alala.

"Cancel it. Kapag wala pa ako before an hour." Tumalikod dito at lumabas ng shop. Pagkalabas ay diretso sumakay sa yellow porsche.

Takaw pansin. Naisip, sa sunod iba na ang gagamitin. Regalo mula sa ina, para hindi magtampo ay ginamit na.

Pinuntahan ang kompanya ng ama sa Ayala.

Ang secretary nito ay magalang na humarap. "Kanina pa kayo hinihintay ng inyong ama, Miss Ken." Bahagyang nakayuko habang nagsasalita.

Tumuloy sa loob at naabutan nakaupo sa harapan ng lamesa habang nagbabasa ng mga papeles. Sa edad na fifty-five ay hindi masasabi iyon, parang nasa forties ang kaharap.

"Dad." Yumuko bilang pagbibigay galang dito at nakasanayan. Ang kinalakihan nito sa lahing Japanese at ang kalahati ay Pilipino pero mas lamang ang kultura dito sa klase ng pananalita habang ang disiplina ng paggalang ay sa Hapon. Isa itong business tycoon, kabilang sa iba't ibang shipping lines at may malaking stock sa market.

"How's your date with the son of Mr. Chui?" Hindi nagbigay ng tingin.

"It was boring. I nearly sleep while eating," rude ang sariling tono. Mula sa mga papeles nito ay lumipat ang paningin papunta sa akin.

"What did you say?" Ipinakita ang totoong seryoso.

"I'm just kidding, Dad. I mean, I have a lot of fun with that date, he's full of common sense and responsibility," ginawang convincing ang lahat ng makikita sa mukhang ito.

"This is not a time for jokes, Sophia. You will not gain respect if you act like that. Don't show that to me again."

"Yes, Dad. I'm sorry."

Ibinalik ang tingin sa binabasa. "About the son of Mr. Chui, don't date him again. I forbid you. He's not the right man for you."

Katulad ng isang ruler magbigay ng utos.

"I thought he was the one you like, for me?" Naalala ang utos nito noon.

"Not anymore."

"So the marriage plan will be canceled?"

"Precisely, you should go now."

Pinapunta dito para sabihan huwag na makipag-date sa boring na taong pinagkasundo kami last week.

Nonsense. "What makes you change your mind?" Tanong ko para malaman ang pagbabago ng isip nito.

Kaysa sagutin ang tanong ay mas nagtuon sa phone line nito. "Call the board for an urgent meeting, thirty minutes." Pagkatapos ay nagpatuloy sa gawain nito kanina.

Ginawang hindi umalis sa kinatatayuan at napansin nito iyon.

"What do you need?" Ang tono ay mukhang nakakaabala sa oras mayroon ito.

"I raised a question, and you are not answering it," sa natural na hinahon ng tono.

Itinaas ang paningin mula sa ginagawa. "When I said you should go it means you need to go at that door and close it. Did I teach you like that?" Sa mahinahon din na tono ng may diin ang bawat salita.

BOOK 2 - SERENITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon