Chapter 9

592 15 0
                                    

SPENCER LEWIS

"Ashley, hindi pwede." bilang respeto sa kanya, sa baby nya, at sa baby daddy nya.

Doon naman sya nag start humagulgol. "How many times do I have to tell you ba na ikaw nga lang love ko?" sabay pag hampas sa mga braso ko. "Parang wala tayong pinagsamahan ah. Di mo ba ako minahal, Kai?" hindi rin ako maka imik. Paano ko ba 'to ipapa-intindi sa kanya?

Hinayaan ko muna sya umiyak. Niyakap ko syang mahigpit at sinusubukan ko syang i-console sa lahat ng makakakaya ko. Nung huminto na sya sa pag iyak ng malakas, inilayo ko syang bahagya sa akin at pinunasan ko yung mga luha nya sa mukha.

"Ashley, you know you'll always have a special place in my heart." panimula ko. "But things have changed now. Magkakaroon ka na ng baby and it's only fair na bigyan mo yung lalaki mo ng chance maging ama sa magiging anak nyo." pinunasan ko ulit yung mga tumutulong luha sa mukha nya.

"I love you, Ashley. And that will never change. You were my first love, my first everything." naiiyak ako kasi ngayon ko lang to sasabihin sa kanya. Matagal ko na rin naman kinikimkim to. "Nasaktan ako sa ginawa mo, nasasaktan parin ako until now. Kung pwede lang akuin ko yang dinadala mo eh, why not? Kaya lang may ibang tatay yan eh. You know I wasn't raised that way. Hindi ko kayang sikmurain na agawin yung role nya sa sarili nyang anak lalo na't willing syang akuin yan." nag tremble nanaman yung lips nya.

"Kai.." at umiyak nanaman sya. "I'm so sorry. Kahit naman anong explain ko I know I was at fault. Hindi excuse yung lasing ako or what." nanginginig na gumapos sa batok ko ang mga braso nya. "He has nothing, Kai. Hindi nya naman ako kayang buhayin. Sa akin sya umaasa in terms of everything. Nauubos na savings ko kasi binubuhay nya rin yung family nya. I feel like sinadya nya to gawin kasi para may sumuporta sa kanya at sa pamilya nya. Di ko nga alam saan yun napulot ni Dea." huminto sya saglit. "Please, maniwala ka naman sa akin." pinatakan nya ng halik yung labi ko.

"I was thinking of aborting this thing. Eto lang naman yung reason bakit kumakapit sya sa akin na para syang parasite eh." nagulat ako sa mga sinasabi nya.

"Ash, ano ka ba. Walang kasalanan yung bata." pinag sabihan ko sya. Kawawa naman yung magiging baby nya kung ganon.

"I don't want this. Hindi ako ready lalo na hindi na kita kasama sa buhay ko." tumingin sya sa akin na tila nag mamakaawa. "Help me, Kai. Please, help me." at this point, awang awa na ako sa kanya. 

"Oh sige, pag usapan natin yan mamaya. Nag drive ka ba?" umiling sya. "Hindi, hinatid ako ng driver ko." tumango naman ako sa kanya. "Sama ka sa amin ni Erin mamaya. Bibilhan ko kasi sya ng car. Si Dea kasi umandar nanaman yung ubo sa utak. Kita namang may sakit yung nanay nung tao tapos biglang babawiin yung bigay na sasakyan." inis kong sambit. Kahit naman pera ko pinambili nya noon. Kapal talaga.

"I'd love to. Pero daan tayo sa bahay ko after. Need ko kumuha ng mga damit ko." napansin kong natigil sya. "On second thought, we can ditch school naman today since kaka-start pa lang ng school year. Pwede ko kayong i-excuse ni Erin." napaupo sya ng tuiwd sa kandungan ko. "What do you think, baby?" pwede rin. Para iwas muna kay Liz at Dea. 

Pinilit nya pa ako ng ilang beses. Syempre sino ba naman ako para tumanggi. Charot. Pumayag rin ako sa suggestion nya. Minessage ko si Erin at hinintay ko reply nya. Alam ko kasi nag tuturo yun sa mga oras na 'to.

Habang nag hihintay ako ng reply ni Erin, biglang kinalabit ako nii Ashley. "What is it, Ash?" tanong ko sa kanya.

Nag pout muna sya bago sya sumagot. "The baby wants to eat Jollibee. Me, I am the baby. I am your baby. I want to eat chicken, spaghetti, fries, and I want coke." kyot naman. pakurot nga sa kili-kili.

"Okay, order ako. Bilhan ko na rin si Erin ah para kain muna tayong tatlo dito bago tayo umalis. What else do you want?" napa isip ulit sya. "I only want those for now and gusto ko rin sana a-ano..." tila nahihiya sya sa sasabihin nya. Tinaasan ko sya ng kilay. "I w-want your cuddles and kisses sana." umiwas sya bigla ng tingin at bakas naman sa mukha nyang namumula. Napatawa ako ng mahina.

In Her EyesWhere stories live. Discover now