Chapter 17

417 7 0
                                    

ERIN MORADA

Nang tumunog na ang aking alarm, naisipan kong itext ang Kai Kai ko. Hindi naman sila nag tagal sa inuman kagabi dahil sinabihan ko sya na umuwi na. Di naman sya pumalya mag update sa akin. Napaka masunurin talaga.

My Kaira:

Good morning, my baby Kai Kai.
I can't wait to see you later 😘

Binaba ko na ang phone ko at gumayak na. Nag luto muna ako ng agahan namin ni mama at matapos naming kumain, nag sipag ligo na kami at naisipan naming umalis na.

Totoo ngang mag tatanong sila Ashley kung saan kami pupunta. Alam naman ni mama na sasamahan ko si Kai. Sya na ang sumagot kay Ashley. "Ahh, mga iha, doon muna kami ni Erin sa aking pinsan. Matagal na kasi nila kaming pinapabisita sa kanila. Medyo maganda na rin naman pakiramdam ko kaya sabi ko ay doon na muna kami ng ilang linggo."

Mukha pa ngang di naniniwala si Ashley pero nag pasundo kami sa tito ko gamit ang kanyang L300 na van. Buti pinapasok sya dito sa village. Alam na rin ni Kai ang gagawin nya mamaya matapos silang mag usap ni Ashley. Sya naman ang susundo sa akin.

Napag usapan namin na hindi ako mag dadala ng sasakyan.

Sya naman ay mag papa-hatid at sundo sa kanilang family driver. May binili syang bagong sasakyan na ako ang gagamit papuntang trabaho at pauwi ng condo. Pag tatanungin ako nila Ashley, sasabihin ko na lang na nakihiram ako ng masasakyan sa lugar ng tito ko.

Nag video call kami ni Kai habang bumibili sya ng bagong sasakyan. Gusto nya kasi bilhin kung ano gusto ko. Sabi nya kasi ako ang madalas na gagamit nito habang magkasama kami sa penthouse nya. Buti at naisipan nyang ibang brand ang bilhin. Masyado kasing obvious kapag sa usual brands nya sya bibili. Edi nabisto kami.

Nakakaasar nga kasi kami naman na pero kailangan muna namin itago. Naiintindihan ko naman ang situation namin. Pero nakakaasar parin.

Isang oras sa byahe namin, nakatanggap na ako ng mga text mula kay Kai.

My Kaira:

Good morning po, mahal na reyna
ng buhay ko 👸🏻

Natapos na po ako mag breakfast
and mag shower.

On the way na rin po ako to meet
with Ash.

Ingat po kayo ni mama dyan.
I'll see you later, love ❤️

Ang aga aga pa pero pinapakilig nanaman ako. Hindi ko na sya nireplyan. Alam nya naman na bumabyahe ako. Sana maging maayos ang pag uusap nila ni Ashley.

Grabeng assurance ang binigay sa akin ni Kai, label. Malamang, hiningi ko sa kanya. Pero ayos na rin yun, at least may label kami bago ko sinuko ang perlas ko. Sabi nga ni Mama Leni, "Hindi ako natatakot, hindi ako kinakabahan.." and I feel the same. Kung may mabuo, edi buuhin. Ganoon ko sya ka-mahal. Handa ako bumuo ng pamilya kasama sya.

Wala syang kawala sa akin kung may mabuo. At hindi naman rin ako kakawala sa kanya. Ano sya? Matapos kong mag pigil ng ilang taon? No way, I'll make sure na hindi kami makakawala sa isa't isa. Alam nya naman na may putotoy sya at may perlas ako. Matalino kaya sya.

Ilang oras pa at nakarating na kami sa bahay nila Tita. Tuwang tuwa sila na makita kami ni mama. Ang akala nga nila ay doon din ako maninirahan panandalian. Pero agad namang nag sabi si mama na sasamahan ko ang aking partner.

Hinayaan ko na mag usap sila mama habang nagluluto sila ng pang tanghalian namin. Hindi na rin nila ako pinatulong at pinag pahinga na lang ako sa sala.

In Her EyesWhere stories live. Discover now