Chapter 21

537 6 0
                                    

ERIN MORADA

4:30am nung tumunog alarm ko. Inagahan ko talaga kasi gusto ko na makasama si Kai. Hindi ko yata kakayanin kung di kami magka ayos.

Naligo na ako at inayos ko na ulit yung mga gamit ko. Naisipan ko na lang na dalhin si mama. Medyo may kalayuan kasi ospital dito. Alam ko namang di sya pababayaan nila tita pero para sa peace of mind ko na lang din.

Naisipan ko ulit itext si Kai. Di ko naman inaasahan na maka reply sya sa mga text ko kasi masyado pang maaga at baka may tama pa yung babaeng yon.

My Kaira:

Good morning, baby.

I hope you'll have a great day!

Uuwi na po kami ni mama dyan.

Mag usap po tayo mamaya ha.

Sorry po ulit, baby.

Ayusin natin yung gusot na 'to.

I don't think kakayanin ko na hindi tayo magka ayos

Kaka-start pa lang natin, baby.

Promise po babawasan ko na yung pag susungit ko sayo

Hindi na rin po kita pag tataasan ng boses.

I love you, Kai Kai.

See you soon po 😘

Nung nakuntento na ako sa mga pinag sesend ko sa kanya, bumaba na ako sa kusina para mag handa ng agahan.

Sakto nung pag baba ko gising na rin pala sila mama at tita. "Good morning po, ma at tita." bati ko sa kanila. Binati rin naman nila ako pabalik.

"Nak, ang aga mo masyado ah. Matulog ka pa kaya?" sabi ni mama sa akin. Umiling ako sa kanya. "Uuwi na po tayo, ma. Uwi na po tayo kay Kai." nginitian ko sya.

"Mahal na mahal mo talaga yun si Spencer, ano?" tanong ni tita na may pang aasar sa tono.

Natawa naman si mama. "Nako, Imelda, kung alam mo lang." patutsada ni mama.

Habang naghahanda ako sa lamesa at mag hain ng mga niluto nila mama, nag kwento si mama kay tita tungkol kay Kai. Nakita ko naman na tuwang tuwa si tita, kumikislap ba naman mga mata nya.

"Erin, alam mo, tuwang tuwa kami ng mga tita, tito, at mga pinsan mo. Magaan sa pakiramdam kasama si Spencer. Nakikita na namin na magiging parte sya ng buhay nating lahat. Sana maayos nyo yung away nyo kahapon ha." sabi ni tita.

"Ikaw daw bukambibig nya kahapon kila Rex nung namalengke sila. Sinigurado nila na bilhin yung mga gusto nyo ng mama mo. Nag tanong rin sya ng mga paboritong pagkain namin kaya naparami yung binili nila." dagdag pa nya.

Napangiti naman ako sa mga sinabi ni tita. Alam ko naman na sinsero sya sa pinapakita at pinag sasabi nya sa akin. Ako lang talaga yung may pagka praning. Sino ba naman kasi hindi mag aalala kung maraming umaaligid sa baby ko.

Kung pwede ko nga lang ipag sigawan sa lahat na akin sya, ginawa ko na. Kaya lang, di pa pwede. Kahit mga co-teachers ko at mga estudyante may gusto rin sa kanya. Nakaka selos talaga.

Maka ipon lang talaga ako ng sapat, idadaan ko sya sa santong paspasan. Luluhod na lang ako sa harap ng pamilya nya para mag sorry na tinali ko na anak nila sa akin.

Matapos namin kumain, pinaligo ko na si mama. Ako na nag hugas ng mga pinag kainan namin at ako na rin nag ayos ng mga gamit ni mama.

Nag paalam na ako kila tita na aalis na kami. Excited na excited na ako mayakap si Kai Kai ko. Jusko, isang gabi pa lang kami nawalay sa isa't isa, sobrang pangungulila na nararamdaman ko.

In Her EyesWhere stories live. Discover now