Chapter 22

350 9 0
                                    

ERIN MORADA

Lumipas ang isang linggo nang walang paramdam si Kai. Hindi maikakaila na lubos akong nag aalala sa kanya, pati na rin sila mama at sila tita.

Ganon ba talaga sya ka-galit sa akin? Ni hindi ko sya nakikita sa school grounds. Sinubukan kong tanungin mga kaibigan nya pero wala rin silang balita kung nasaan si Kai.

Bago pa man ako makauwi sa condo ni Kai, may natanggap akong email na may meeting daw sa darating na Lunes. Buti naman at pinag paliban muna nila. Pagod na pagod na kasi ako and di rin maganda pakiramdam ko.

Nag umpisa na akong mag ligpit ng mga gamit ko para makauwi na ako sa bahay namin ni Kai. Kumalat na sa buong admin ng condo nya na asawa nya ako. Minsan nga tinatawag nila akong Mrs. Lewis.

Makabalik lang talaga si Kai, itatali ko na sya. Not going to lie, sa isang linggo na wala si Kai, lumala yung pag ooverthink ko. What if naka pikot sya ng ibang babae? Nasobrahan pa naman yun sa bait, mamaya matali sya ng iba. Kainis.

I went out of my office and made sure to lock my door. Okay naman yung security ng buong campus kaya lang kasi may confidential papers akong nasa opisina. Mahirap na.

Pagka baba ko naman, saktong palabas na rin sa common faculty room ang mga teachers, specifically ang mga teachers ni Kai kasama si Ashley.

Nagka tinginan kami ni Ashley ng mga ilang minuto bago ko nilihis yung tingin ko. Nginitian ko lang sila at nag patuloy ako sa pag lalakad.

Habang nag lalakad ako papuntang parking, narinig kong nag uusap si Liz at si Gemma, parehong teacher ni Kai. "I want to know what happened to Spencer. I'm actually worried about her." sabi ni Liz. "Yeah, I am too." pag sang-ayon nung isa. "But I'm sure she's fine. Ashley already explained to us--" di ko na masyado marinig pinag sasabi nila dahil nag madali na rin ako mag lakad.

So ganon? Bakit parang ako lang ang walang alam? Padabog kong binuksan yung pinto ng sasakyan. Pina andar ko muna ang makina nito para hindi ako mainitan. Di ko maintindihan pero lately, ang bilis ko mamawis. Konting init lang, pawis ako kaagad.

Sinubukan kong tawagan ulit si Kai ng ilang beses pero hindi talaga nag riring telepono nya. Bwisit! Nasaan na ba kasi yung babaeng yun?

Nag breakdown akong saglit sa sasakyan ko, buti na lang at tinted ito. Inayos ko muna sarili ko bago ako mag drive. Naisipan kong daanan ang coffee shop ni Kai at ang kanyang bar. Baka sakaling doon lang pala sya nag sstay.

Sa kasamaang palad, napag alaman kong hindi na rin pala sya nag pupunta doon. Huling punta nya sa coffee shop ay nung kami yung magkasama at huling punta nya sa bar nya ay yung nag inuman sila nung mga kaibigan nya.

Pinayagan pa nga ako pumasok sa mga opisina nya dahil kilala naman nila ako. At totoo nga, sobrang ayos ng mga gamit nya doon na para bang wala talagang pumapasok doon.

Nag take out na lang ako ng pagkain namin nila mama. Tutal Biyernes naman at bukas maaga kaming aalis para sa appointment namin sa pag kuha ng passport. Igagala ko na lang sila mama bukas pagkatapos.

Nag drive na ulit ako pauwi sa condo. Sinubukan kong ayusin yung mukha ko para hindi na rin mag alala sila mama. Nakapag park na ako at sumakay na sa private elevator namin.

Pag dating ko sa bahay, nakita kong nag uusap si mama at si tita sa may sala. Mukhang si Kai yung pinag uusapan nila. Tumikhim ako nang may kalakasan para malaman nilang nakarating na ako.

"Good evening po, ma at tita." pumunta ako sa gawi nila para mag mano. "Mag bihis lang po ako at mag hahain na po ako ng hapunan natin."

"Ginabi ka yata, nak?" tanong ni mama. "Ah, opo. Nag punta pa po kasi ako sa coffee shop at bar ni Kai." nahihiyang sambit ko.

In Her EyesWhere stories live. Discover now