Chapter 19

433 6 0
                                    

ERIN MORADA

Hindi ko alam kung bakit ko sya sinigawan. Malamang, sa akin lang naman sya dapat mag paalam pag may lakad sya at alam nya 'yon.

Umandar nanaman topak at toyo ko.

Naramdaman ko na biglang tumamlay si Kai sa tabi ko. Maliban sa selosa ako, isa rin akong dakilang pikon. Kaya hindi nila ako inaasar dito dahil alam nila kung paano ako magalit.

Nang maramdaman kong pinag tinginan na kami nila tita ay iniwas ko yung tingin ko at naisipan kong tignan na lang yung plato ko. Nakakahiya at alam kong napahiya ko pa si Kai.

Nilunok ko na yung pride ko at manghihingi na sana ako ng tawad pero inalis ni Kai yung pagkaka dantay ng hita ko sa hita nya. Tangina naman kasi, Erin.

Nakita ko sa gilid ng aking paningin na pinag patuloy nya yung pag subo nya ng pagkain nya pero kita ko rin kung paano nag taas baba ang kanyang kaliwang binti. Mukha pa syang paiyak na.

Nung mag sasalita na sana ako ay bigla syang nag paalam kila mama na iihi daw sya. Ako na sana sasama sa kanya para makausap ko sya pero inunahan ako ni tita at inutusan nya si Ella na samahan daw si Kai.

Sisigaw na sana ulit ako pero naramdaman ko yung pag hawak ni mama sa kaliwang kamay ko. Narinig ko yung pag aya ni Ella kay Kai na bili daw sila ng coke at pringles. Alam kong paborito ni Kai ang mga iyon kaya naintindihan ko ang pag kislap ng mga mata nya. Excited na excited ang baby ko kaya napangiti ako saglit.

Agad din akong sumimangot nung naalala ko na makakasama ni Ella si Kai. Sigurado ako doon sila sa may malayong tindahan bibili. Alam ko kasi yung bilihan na tinutukoy ni Ella. Medyo may kalayuan nga 'yon.

Nag halo ang hiya, selos, at inis sa sistema ko ngayon kaya napa higpit akong hawak sa kamay ni mama. Bumulong na lang rin si tita na hayaan ko na daw muna sila Kai at Ella.

Nilingon ko sila. Kita naman yung pinto ng CR mula dito sa kinauupuan namin. Nung nakalabas na si Kai, kita kong nag sasalita si Ella na may malaking ngiti at nakita ko rin ang pag nguso ni Kai habang pumapadyak yung kanang paa nya.

Agad ko naman syang tinext.

My Kaira:

Wait for me, Kai. Ako na lang sasama sayo.

Pabalikin  mo si Ella dito, please.

Hindi nya kinuha yung phone nya sa kanyang bulsa at patuloy lang silang lumakad palabas ng bahay.

Ah, ganon pala ha? Sige, walk well kayo ni Ella sa initan.

"Erin, bakit ka naman nasigaw?" tanong nila mama sa akin. "Alam mo ba sabi nila Ashley, hindi pa yan naka tikim ng sigaw kahit kanino."

Hindi ko kaya sumagot kasi nagi-guilty ako. Totoo naman, never kong narinig na pinag taasan sya ng boses ni Ashley.

Nakaramdam ako ng takot. Baka iwan nya ako. Ang kapal naman kasi ng mukha ko na sigawan baby ko.

"Masyado kang selosa, Erin. Matuto ka naman sana pumreno. Ang bait ni Spencer, wag mo na pakawalan yun." sabi ni tita sa akin.

Hindi pa rin ako umiimik.

"Hayaan mo, nak. Pag balik nila, kausapin mo na lang sya. Napapakiusapan naman sya eh." sabi ni mama habang naka hawak parin kamay nya sa kamay ko.

Kahit wala na akong gana kumain, pinag patuloy ko na lang isubo yung mga pagkain na pinag sandok pa ni Kai para sa akin.

Tinext ko nanaman si Kai. Gusto ko sumunod sa kanila.

My Kaira:

Baby, where are you?

In Her EyesWhere stories live. Discover now