Chapter 14

417 6 0
                                    

ERIN MORADA

Kinabukasan nung paalis na sana ako papuntang palengke para bumili ng bigas at mauulam ni mama, sakto namang huminto ang isang pamilyar na Van. Napahinto rin ako sa paglalakad ko noong bumukas ang pinto nito.

Bumungad ang isang nakangiting Kai. "Hey, Erin. Where are you going?" kahit gulat ako ay nasagot ko rin ito ng matino "Ano, sa palengke lang. May bibilhin lang ako para sa bahay." mukhang naguguluhan sya sa kung anong sinabi ko. Di nya ba alam kung ano yung palengke?

"P-pelengkey?" cute. Sarap ibulsa. "Ah, I mean market. Market in Tagalog is Pa-leng-ke" hindi ko nagawang tawanan si Kai kasi hindi nya naman kasalanan na ganoon ang pag bigkas nya. Di naman sya fluent sa Tagalog eh.

"Oh, right. Do you mind if I join you? I was going to fetch you kasi po eh. May lakad tayo nila Ashley." saan nanaman kaya kami pupunta? Wala na akong pera pang gala. "Oh no, the gastos is on me, Erin. Don't worry. I got you guys." hala, nasabi ko ba ng malakas yun? Nakakahiya naman.

"Come on, ride na po ikaw sa van, please." mukha namang hindi nanaman ako makaka hindi kaya sumakay na rin ako. Tinuro ko na lang sa driver nya kung saan yung palengke na pupuntahan ko.

Nang makarating kami ay sabi ko na ako na lang bababa. Pero nag pumilit sya na sasama sya. Gusto nya daw ma-experience ang wet market. Sabi nya kasi sa grocery sila bumibili ni Ashley. Yayamanin talaga.

Buti naman at nakahanap kami ng mapaparadahan ng van nya na malapit lang sa bungad ng palengke. Sumunod rin sa amin yung driver nya.

Una kong pinuntahan ay sa may bigasan. Yung mumurahin lang naman sana bibilhin ko. Pero nag suggest kasi yung driver ni Kai na masarap daw na klase ng bigas. Nag tanong naman si Kai sa nag titinda kung ilang buwan yung tinatagal ng mga bigas.

Bibili na sana ako ng limang kilo sa napili kong bigas nang pigilan nya ako. "Kuya, I'll buy six sacks of that rice." sambit nya sa tindero. "Ano ho yun, iha? Pasensya na hindi ako marunong mag ingles." napa kamot sa batok yung tindero. Nag salita na lang yung driver ni Kai at agad rin itong binayaran ni Kai. Ang dami naman? Ilang baranggay ba papakainin nya?

"Don't buy rice na ha. You and Joyce can have those. Three sacks each po kayo." napa nganga na lang ako. Ganito ba sya mag show ng care sa mga bagong friends nya? Tatanong ko sana sya pero nauna na sya mag lakad. Saan naman yun pupunta?

Yung driver nya ay pinasok muna ang mga sako ng bigas. Kailangan ko sya habulin baka ma-kidnap sya dito. Mukha pa naman syang expensive, baka kung mapaano pa 'to.

"Kai, saglit lang. Saan ka pupunta? Balik ka dito, baka mawala ka." malilintikan ako ni Ashley ng wala sa oras sa pinag gagawa nitong babaeng to.

Napahinto naman sya at umikot paharap sa akin. Lumakad ako ng mabilis papunta sa kanya. "Where to next? I want to buy fruits, vegetables, and meat. All kinds of meat. And seafoods too." nang tumingin ako sa suot nya, mukhang mapapalaban to sa basa sa loob ng bilihan ng seafoods ah. Naka puti pa namang sapatos.

"Are you sure you want to go there?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya na parang siguradong sigurado sya sa desisyon nya. "Okay, let's wait for your driver and then we'll go there." ngumisi naman syang parang excited sa gagawin namin.

Nang makabalik na ang driver nya, kinausap nya ito sa kung anong gusto nyang bilhin. Hinayaan ko na lang sya dahil ayaw kong maging killjoy.

Nasa prutasan pa lang kami pero mukhang mamamakyaw to ng mga paninda. Paano ba naman kasi, lahat ng prutas na pamilyar sya ay tig apat na box ang binibili. Yung mangga naman eh apat na crates ang binili. Yung di pa dinidisplay ng mga tindera ang pinipili nya. Chinecheck naman namin ng driver nya kung maayos yung mga prutas.

In Her EyesWhere stories live. Discover now