Chapter 16

372 4 0
                                    

ERIN MORADA

Huling araw na ng hell week ng mga estudyante habang kaming mga guro ay nag uumpisa pa lang ang hell week dahil sa pag checheck ng mga papel at pag eencode ng mga grado.

Sobrang nakaka stress sa pag gawa pa lang ng exams. Deserve ko magkaroon ng break. What if yayain ko si Kai mag short vacation? Hmm. Baka di sya payagan ni Ashley, wag na lang.

Dahil maaga ako nagising at Biyernes naman, naisipan kong tulungan mag hain ang mga kasambahay namin nila Kai.

Nilutuan ko naman na rin ng agahan si mama bago pa ako pumunta sa main house.

Sa sobrang focused ko sa pag latag ng mga plato at utensils, hindi ko man lang napansin na pababa na pala sya mula sa kwarto nya sa itaas ng bahay.

Ginulat ba naman ako at muntik ko pang mabitawan ang plato. Bubugahan ko na sana ng apoy kaya lang di ko rin sya matiis.

Lalo na nung nilalambing nya ako para pumayag akong ilagay ang wallet at phone nya sa bag ko. Ang sarap sunggaban ng halik.

Napaka rupok ko pag dating sa kanya.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na aminin sa kanya na namimiss ko na sya at ang moments naming kaming dalawa lang, walang Toni at Ashley.

Gustong gusto ko rin yung pag trato nya sa akin. Pinapag sandukan nya ako ng pagkain at ipinag titimpla ng kape. Mas lalo akong nabubusog pag ganoon eh. Tsaka yung mga maliliit na bagay na ginagawa nya for me. Kilig na kilig na ako deep inside kahit na iniirapan ko sya o di kaya sinasamaan ko sya ng tingin.

Payapa kaming kumakain ni Kai ng almusal. Nakakahiya man pero nag lakas loob akong hawakan yung kamay nya. Sa tuwing nakikita nyang hirap akong sumubo, sya na mismo ang sumusubo sa akin ng pagkain ko at sya na rin ang humahawak ng baso ko para maka inom ako ng kape.

Ayokong pangunahan ang tadhana pero naiimagine ko na na ganito kami habang buhay kasama ang magiging mga anak namin. Oo, mga anak. Gusto ko marami. Mahirap maging only child. Handa akong isuko ang bataan ko para kay Kai. Sana kami na lang, sana sya na ang para sa akin.

Kung iniisip nyo na si Dea ang nakasira ng bataan ko, dyan kayo nag kakamali. Hanggang doon lang sya sa labas kahit na ilang beses sya nag pupumilit. Kahit na hindi ko gusto pero I had to suck it up and pretend na gustong gusto ko ginagawa nya. It wass part of the agreement. Disgusting, right?

Takot naman sya sa commitment. Magaling lang lumandi. Trying hard magka daddy vibes si kumag eh. Walang wala naman sa itsura ni Kai.

Nagulat ako nung narinig kong may pababa na mga yapak. Sila Ashley at Toni pala, nakita ko ang pilyang ngiti sa labi ni Kai. May nalaman siguro ito at may binabalak gawin. Bago pa nila kami mahuli, ako na mismo ang bumitaw sa kamay ni Kai.

Hindi rin naka ligtas si Kai sa pag mamaktol ni Ashley dahil sa pwesto namin sa dining table. Tss. Isa isa lang, beh. Gusto mo sayo lahat eh. I rolled my eyes mentally at Ashley. She's being ridiculous and unreasonable na kasi. Pumili ka ng isa, hindi yung gahaman ka.

Sinubukan ko na lang mag focus ako sa kinakain ko pero nung narinig ko yung pangalan ko sa usapan nila ni Toni ay agad kong sinipa ang binti ni Kai. Kung saan saan nanaman ako nadadamay.

Nilinaw ko na si mama ang kasama ko kagabi at hindi si Toni. Mahirap na, baka isipin pa ni Kai na sobrang interesado ako sa pinsan nya. Kay Kai lang ako interesado.

Natapos kaming kumain, inaya ako ni Kai na sumabay sa kanya. Sabi nya pa nga ride me daw, sure. It'll be my honor. Papayag na sana ako nang biglang sumingit si Ashley.

No, ayoko sumabay kay Toni. Marunong naman ako mag maneho at may sasakyan na rin naman ako kaya tinanggihan ko nang may galang ang suhestion ni Ashley.

Nang makalabas ako sa may garahe, nakita ko namang sumunod sa akin si Kai. Napag usapan naming sabay kami magla-lunch. Ginawa kong pang pain ang wallet at phone nya sa bag ko. Pero alam ko naman na papayag sya kahit wala ang mga gamit nya sa akin.

In Her EyesWhere stories live. Discover now