Chapter 12

449 7 0
                                    

SPENCER LEWIS

Tahimik parin kami sa may sala kahit ilang  minuto na ang lumipas magmula noong pag pasok namin ni Erin sa aking pamamahay.

Hindi maipinta ang pagmumukha nila Toni at Ashley. Sinubukan ko ulit basagin ang katahimikan. "So, can any of you tell me what's happening?" sabay taas ng kabila kong kilay sa kanila.

Sa isip isip ko ay natatawa ako. Pero syempre dapat maging seryoso ako kasi baka sabihin nila ginagago ko sila eh. Ayaw ko naman dumating yung panahon na di na nila ako seryosohin lalo na medyo lumalambot na ako ngayon sa mga tao na naka paligid sa akin.

Nakita kong binibigyan ni Ashley ng masamang tingin si Erin sa tabi ko kaya naman nag paalam na si Erin na pupunta na daw sya sa guest house.

"Oh, so nobody wants to talk now, huh?" sorry Ashley at Toni. Kailangan ko 'tong gawin. Layag na kasi kayo mga beh.

"Fine, if no one's willing to talk, I'm afraid I might have to go and live somewhere for the meantime. I can't believe I'm being betrayed by my supposedly "fiance" and cousin." agad akong tumayo at umakyat na papuntang kwarto ko.

Sa totoo lang, nakakamiss mamuhay mag isa. Buti na lang naalala ko may penthouse pala ako na bili sa akin nila mommy. Yung isang unit ko kasi si Dea ang nakatira doon. Hindi rin naman alam nila Toni kung saan yun kaya magkakaroon ako ng me time na walang nang gugulo.

Nag simula na ako mag pack ng mga dadalhin kong mga damit. Di ko naman masyado kailangan maraming dalhin dahil sa pag kakatanda ko eh meron naman ako doong mga damit. Kung kukulangin edi bibili na lang ako ng panibago.

Bago pa man ako bumaba, ni-lock ko muna ang aking kwarto. Alam ko namang hindi sila papasok dito ng walang pahintulot ko pero sinarado ko na rin ito para sure. Kung may kailanganin man sila Erin eh pwede naman nila ipabukas 'to sa kasambahay namin dahil alam nila ang code. Sila lang ang sinabihan ko ng code gawa ng kailangan nila linisan itong kwarto ko kahit wala ako.

Pagkarating ko sa baba, nadatnan ko parin sila Ashley kung paano ko sila iniwan kanina. Ang diperensya lang ay tahimik na umiiyak si Ashley habang si Toni naman ay sinusubukan na patahanin si Ashley.

I cleared my throat to get their attention. Sabay naman silang napatingin sa gawi ko at kita ko kung paano lumayo si Toni kay Ashley.

Akmang tatayo na sana si Ashley mula sa sofa pero inangat ko ang aking kanang kamay upang patigilin sya na kinaiyak nya lalo. Nag papadyak mga paa nya habang lumalakas ang pag iyak nya. Luh kala mo di nakipag tukaan kay Toni.

Iniwan ko muna yung suitcase ko sa may front door at dumirecho sa kwarto ng aming mga house help. Pinaalam ko sa kanila kung anong nangyayari at syempre hinabilin ko na bantayan lagi sila Ashley, Toni, Erin, at kanyang mama.

Sunod kong pinuntahan ay sila Erin. Nasa kanya rin naman yung phone at wallet ko at kailangan ko yun makuha dahil pansamantala akong lilipat.

"Ahh, magandang gabi po, Ma'am." bati ko sa mama ni Erin at nag mano ako sa kanya. "Mag papaalam lang po sana ako na aalis po ako ng ilang linggo. Pero wag po kayo mag alala dahil nag habilin naman po ako sa mga kasambahay natin na wag kayo pabayaan."

"Mag iingat ka, anak, ha. Mukhang may importanteng inutos sa'yo ang mommy mo. Maraming salamat nga pala sa pag tulong sa amin ni Erin." nginitian ko yung mama ni Erin. "Walang anuman po, Ma'am." hinawakan nya ang aking mga balikat. "Ano ka ba, anak. Mama na lang ang itawag mo sa akin." ngumiti sya. "Mas boto ako sayo, 'nak, kaysa dun sa Dea."

Nag usap pa kami ng ilang minuto bago ko tinanong kung nasaan si Erin para personal na rin akong makapag paalam sa kanya. Pinayagan naman akong umakyat sa second floor ng guest house para puntahan si Erin.

In Her EyesWhere stories live. Discover now