Chapter 23

376 14 0
                                    

SPENCER LEWIS

The plane landed at the airport at nagpasundo ako agad kay Kuya Elliot. Minabuti kong doon muna uuwi sa family house namin. Nag pahinga lang ako ng saglit at tinawagan ko na ulit si mama.

Pinaalam ko na sa kanya na nandito na ako sa bahay at bukas tutulungan nya ako na isurpresa si Erin. Sinabi rin ni mama na sila bahala ni tita mag distract kay Erin. Ngayon ko na sana gagawin kaya lang baka maabutan kami ni Erin na mag ayos doon sa condo ko. Edi hindi na surpresa 'yon diba.

Naisipan ko nalang kitain mga kaibigan ko. Nag punta ulit kami sa bar ko at doon nag happy happy.

Nang pauwi na ulit ako, bigla namang nag text si Erin.

My Wifey 💕:

TANGINA MO

NASAAN KA NA?

SABI KO SAYO DIBA UMUWI KA NA DITO?!

INIINIS MO TALAGA AKO

WAG MO KO SAGARIN, KAI.

KONTI NA LANG PASENSYA KO SAYO.

SINASABI KO SAYO AKO KAKALADKAD SAYO PAUWI DITO.

HIWALAYAN MO NA YANG MGA BABAE MO

BAKA BIGWASAN KO YAN SILA

Ang kulet naman nito ni Erin. Wala nga akong ibang babae. Pero naiintindihan ko naman. Dalawang buwan din akong nawala. Kung ano ano kasi iniisip. Loyal nga ako eh.

Hello po, magandang baby ko.

Wala po akong ibang babae.

Ikaw lang po nag iisang babae sa iniibig ko.

I love you po, my baby.

Mahal na mahal kita, Erin.

Hindi na rin naman sya nag reply. Sakto rin at nakarating na kami sa bahay. Medyo may tama na ako pero hindi ako ganun ka-lasing. Nag kwentuhan lang naman kami nila Toni. May sasabihin pa sana sya sa akin kaya lang may kasama kasi kaming ibang tao kaya sabi nya next time nya na lang sasabihin. Tungkol daw ito sa kanila ni Ashley.

Kikitain ko na lang sya ulit. Ang importante ay magawa ko muna kung anong pakay ko dito. Makakahintay naman daw sya.

Kinabukasan nung nagising ako, agad akong naligo at kumain. Nag text naman na rin si mama na naka alis na si Erin papunta sa school.

Nag madali akong nag pahatid kay Kuya Elliot sa condo ko. Pag pasok ko sa condo ay agad akong binati ng mga guwardya. Sabi pa nila ay binabantayan daw nila yung asawa ko ng mabuti. 'Ha? Di pa naman kami kasal ah.' pinag kibit balikat ko na lang ito at nag pasalamat sa kanila.

Nang makarating ako sa penthouse ko, agad sumalubong sa akin si mama at si tita. Masayang masaya daw sila na nakabalik na ako.

Nag kwento si mama ng kung anong mga nangyari sa loob ng dalawang buwan. Kumirot yung puso ko nang malaman na nagkasakit pala si Erin. Sana nabantayan ko man lang sya.

Nag umpisa na kami mag ayos sa may pool area ko. Nag hire na rin ako ng mga mag luluto at mag aayos. Bale kami lang nila mama ang nag susupervise sa kanila ngayon.

Nang matapos na sila mag ayos, agad ko naman silang binayaran at pinasalamatan. Yung private chef naman ay hinayaan ko na mag prep sa kusina ko.

"Ma, pauwiin mo na po si Erin." sabi ko.

In Her EyesWhere stories live. Discover now