Chapter 1

3 0 0
                                    

Ophelia

"Maria Ophelia..."

Napabuntong hininga ako nang marinig ang muli na namang paghikbi ng Nanay ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan din ang pag-iyak ko. Pero segurado akong namumula na rin ang mga mata ko.

"Nay naman ih!" inabot ko ang kamay niya, "Sinasabi ko na nga ba! Dapat si Dalia nalang ang maghahatid sakin dito sa airport."

Tuluyan ng nagcrack ang boses ko at sumabay na rin sa pag-iyak ni Nanay.

"K-kung malakas pa sana ang Nanay ay ako nalang sana ang mag-aabroad." hagulhul niya.

"Ano ba Nay! Ang drama naman! Inaatake ka na nga ng athritis, mag-aabroad ka pa?" kutyaw sa kaniya ng kapatid ko.

Pinisil ko gamit ng parehong kamay ang pisngi ni Dalia. Sumama ang mukha nito habang nagpipigil din ng luha.

"Mag-aral kang mabuti ha? Wag munang magboboyfriend!" paalala ko, "Kapag nalaman kong may boyfriend ka ay uuwi talaga ako pabalik dito sa Pilipinas para kurutin yang singit mo." sermon ko pa sakaniya.

Umismid ang mukha niya, "Ayaw ko namang magaya sayo na matandang dalaga, ate!" hirit niya.

Pinalo siya ni Nanay sa braso, "Yang bibig mo talaga, Dalia!" saway niya.

"Bente-otso palang ako noh, anong matandang dalaga ka dyan?"

"May punto ang kapatid mo anak." gatong ni Nanay na siyang kinagulat ko, "Maghanap ka na rin ng lovelife doon sa Espanya. Mag-enjoy ka doon at wag din puro trabaho ha?"

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Sabay kaming tumawang tatlo.

"Opo 'nay!" yumakap ako sa braso niya, "Bibigyan pa kita ng isang dosenang foreigner na apo." biro ko pa.

Pero magandang ideya din iyon. Tumawa ako sa naisip.

"Ate hanapan mo rin ako ha?" bulong pa sa akin ni Dalia.

Narinig ito ni Nanay kaya nahampas na naman siya sa pwet. "Nay naman!" sigaw niya.

"Halika nga dito, Maria Ophelia." inabot niya ang kamay ko at kinulong ako sa yakap niya.

I will miss my mother's hug.

"Oy sali ako!" hiyaw ni Dalia at sumali din sa yakapan namin.

We squeezed each other to a hug. Mamimiss ko talaga sila. Parang ayaw ko na tuloy umalis.

Pero kailangan. Kahit ano mang lungkot ang kinukwento nila tungkol sa pagiging OFW ay titiisin ko, para sa pag-aaral ni Dalia at sa gamot ni Nanay. Para sa pamilya ko.

Sabay kaming bumitaw sa pagkakayakap namin ng marinig ang anunsyo ng flight ko.

Eto na talaga yun. Aalis na 'ko.

"Ate, sendan mo ko ng picture ha? Hanapan mo ko ng gwapong espanyol!"

Napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"Mag-ingat ka anak. Mahal na mahal kita."

"I love you, ate."

"Mahal na mahal ko din kayo."

Ang we held each other for the last time.

Kinuha ko ang maleta at isa kong bag. Kumaway ako sakanila sa panghuling beses at tumalikod na paalis.

Kagat ko ang labi habang tahimik na umiiyak. Habang lumalayo ay dinig ko ang iyak nilang dalawa.

Hanggang sa makaupo sa loob ng eroplano ay hindi parin humuhupa ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

Bid For Maria Ophelia (Overseas Series #1)Where stories live. Discover now