Ophelia
"Her vitals are fine, and the effects of the drug completely wore off."
Bumaling ang doctora kay Ephraim pagkatapos niyang tingnan ang kalagayan ko.
Ng magising ako sa sumunod na araw ay may dinalang doctor si Ephraim para e check ako. Ang sabi ni manang Belle ay nag-alala daw siya dahil hindi ako nagising kinagabihan, kaya kumuha siya kaagad ng doctor nang malamang gising na ako.
"Her body just needed some rest that's why she slept for the whole day." dagdag pa ng doctor. "She's fine now and it's best for her to move around and get some fresh air." ngumiti ang doctora sa akin.
"Thank you, doc." ngiti ko pabalik sakanya.
"Si, de nada, señorita." she replied and looked back to Ephraim, "Extracurricular activities are not yet allowed!" may pagbabanta sa boses niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko naintindihan. Seguro bawal akong magpagod masyado. Bumaling ang tingin ko kay Ephraim na namumula ang mukha. Maging ang tenga niya ay namumula din.
Para na siyang kamatis. Normal ba yan? Sobrang bilis niyang mamula.
Mabilis na umiwas ang tingin niya nang magtama ang mga mata namin. Tumalikod siya at may binulong na kung ano na siyang ikinatawa ng doctora.
After saying a few things to Ephraim, the doctor left waving hand at me. Kumaway din ako pabalik sakanya.
Ibinaba ko ang mga paa mula sa kama at itinayo ang sarili. Tama nga ang doctora, bumalik na ang lakas ko. Nang lumingon ako sa pintuan ay nanlaki ang mga mata ko.
Nakahilig si Ephraim sa pintuan habang sinusubaybayan ang ginagawa ko.
A-ang bilis naman niyang makabalik? Umalis ba talaga siya?
"Let's have breakfast." aniya at naglakad papalapit sa pwesto ko.
Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Nais akong alalayan.
"A-ayos na 'ko-" natigilan ako, "I-i mean, I can walk b-by.... myself." kinagat ko ang labi.
"It's fine, I can understand tagalog." he said, "And por favor, let me assist you, cielo mío."
His gaze soften, offering his hand for the second time. Doon na lamang ako tumingin, dahil masyadong nakakahipnotismo ang mga kulay abo niyang mga mata.
"It's fine." ulit na naman niya. Ilang beses na ba niyang nasabi ang mga katagang iyon? Mula noong gabing niligtas niya ko hanggang ngayon.
"I won't hurt you, cielo mío." punong-puno ng sinseridad ang boses niya.
Tinanggap ko ang kamay niya. Nag-aasang isa nga siyang mabuting tao gaya ng sabi ni manang Belle.
Kita ko ang tila pagkinang ng mga mata niya habang tumitingin sa mga kamay namin. Gumawa ng isang napakagandang ngiti ang mapupula niyang labi na para bang may magandang nanyari sa buhay niya.
Hindi ko siya maintindihan. "Let's go?" abot hanggang tenga ang ngiti niya.
Nakakahawa iyon kaya napangiti rin ako. Sobrang gwapo niya!
Kung si Dalia ang naririto ay segurado nagtitili na iyon. Pero magkaibang-magka-iba ang personalidad namin.
Napayuko lamang ako.
The whole time we were walking towards the dining area, my eyes were glued on our hands. Nanliit ang kamay ko sa laki ng kamay niya. Nakakatakot ding tumabi sa kanya dahil sobrang tangkad niya kesa sakin. Abot hanggang dibdib niya lamang ako.