Ophelia
"Para kanino po 'yan, Manang Belle?"
Tumabi ako sakaniya. Kakababa ko lang galing sa aking kwarto nang makita ko siyang may inaayos na lunch box.
Nalibang ko ang sarili sa pagvi-video call kay Nanay Lilith. Kaso ayaw ko namang magtaka siya na parang palagi akong tumatawag. Kaya kahit na gusto ko pa siyang makausap ay binaba ko na lamang.
Ang tangi kong trabaho dito sa bahay ay tulungang makatulog si Ephraim. At dahil wala siya dito, wala akong magawa. Tumutulong ako minsan kina Manang, pero pinapatigil din nila ako.
I feel guilty and embarass. Parang free loader na ako dito sa mansyon.
"Para kay Ephraim ito." sagot ni Manang na ikinagulat ko, "Ipapahatid sa kaniyang opisina." she added.
Tapos na ba ang trabaho niya? Kailan ba siya uuwi?
"Nakabalik na po siya ng Barcelona, Manang?" kyuryuso kong tanong.
"Noong nakaraang araw pa, kaso ay kailangan niya muna daw manatili sa kompanya niya." she answered, "Marami daw kailangang asikasuhin."
I couldn't stop myself to pout. Parang may kung anong inis akong naramdaman nang marinig ang sinabi niya.
Ang sabi niya'y uuwi siya agad...
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip. Itigil mo yan, Maria Ophelia! Sino ka ba para maramdaman yun?!
"Ikaw po ba ang maghahatid niyan, Manang?" lapit ko sakaniya.
Patuloy niyang inaayos ang lunchbox, "May dadating na mga materyales para sa kwartong pinapaayos ni Ephraim. Kailangan kong maiayos ang mga 'yon." sagot niya, "Ipapahatid ko na lamang ito sa kaniyang driver."
Nagliwanag ang mga mata ko nang may maisip.
"Pwede po bang ako nalang ang maghatid, Manang?" my hands are clasped tightly on my lap as I wait for her answer.
Gulat siyang tumingin sa akin. "Bakit naman? Gusto mo ba siyang makita?" diretso niyang saad.
Umawang ang mga labi ko. Hindi alam kung ano ang isasagot.
Nakagat ko ang ibabang labi nang marinig ang malakas niyang pagtawa.
"Manang naman! Tinutukso ako!" I pouted.
She chuckled, "Paniguradong gusto ka rin non makita! Oh siya, ikaw na ang maghatid nito sakaniya."
I rejoiced in my mind. Wala naman kasi akong magawa dito sa mansyon. Kahit ito nalang ay makatulong ako.
At seguradong hindi ko naman siya makikita. Mag-aabot lang naman ako. Seguradong busy yun.
"Magbibihis ka pa ba?" ani Manang at tiningnan ang suot ko.
I looked decent. Pero isang malaking kompanya panigurado ang pupuntahan ko.
"Ayos naman po ang suot ko, Manang." I surveyed myself.
"Maayos nga, pero nakapangbahay ka." aniya, "Pamunta ka na sa iyong kwarto at magbihis. Suotin mo iyong binili kong dress para sayo." she pushed me to go.
I sighed as I walk back to my room. Dumiretso ako sa walk in closet at kinuha doon ang sinabi ni Manang. She bought it for me two days ago. It's a mint green sun dress.
Hindi umabot ang haba non sa aking tuhod, exposing a little of my thighs and it hugs my body.
"Hindi ba masyadong revealing, Manang?" nahihiya kong tanong ng makababa na.
Si Dalia ang mahilig magsuot ng ganitong klaseng mga damit. I'm more comfortable with tshirt and jeans.
"Ano ka ba! Uso iyan dito. Tsaka ang ganda mo kayang bata ka!" she tucked my hair behind my ear.