Chapter 8

2 0 0
                                    

Ophelia

Ang sabi ni Manang Belle ay pahinga daw ni Ephraim ngayong araw.

Hindi ko maialis ang ngiti sa labi ko pagkatapos marinig iyon.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso si Ephraim sa kaniyang opisina. May tatapusin lang daw siya.

Hindi talaga seguro niya maiiwasang hindi magtrabaho kahit na rest day niya. He's a CEO afterall.

Inabala ko naman ang sarili sa pagbabasa ng isang philosophy book na hiniram ko sa library ng mansyon. Kahit na labag sa loob ko ay wala akong ibang ginagawa kundi 'yon lang. Habang komportableng naka-upo sa malaking sofa.

Mas lalong naging strikto si Manang Belle at iba pang mga kasambahay sa pagtulong ko sa kanila. Narito daw kasi si Ephraim sa bahay kaya mas lalong hindi pwede.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"That one's such a big sigh." tawa ni Ephraim.

Napaayos ako ng upo. Napausog ako nang kaunti ng tumabi siya sa akin.

"I have a gift for you." masigla niyang saad, "Close your eyes!" he exclaimed excitedly.

"Ha?" nagtataka kong bulalas.

"Close your eyes and give me your hand, cielo mío."

Jusko! Hindi ako makatanggi sa ngiti niya!

Inilahad ko ang aking kaliwang kamay sabay pikit ng mga mata.

I flinched the moment his hand touched the tip of my fingers. Nanigas ang katawan ko ng hawakan niya iyon ng buo. Sumalubong ang kilay ko nang maramdaman ang paglagay niya ng kung ano sa ibabaw ng palad ko.

"Now, open them."

Kagat labi kong binuksan ang mga mata. Sandaling nagsalubong ang mga mata namin saka ko ito ibinaba papunta sa aking kamay.

My mouth hanged open and my eyes glowed upon seeing it.

A cellphone!

"A-anong..." bumalik ang tingin ko kay Ephraim, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Call them, cielo mío." he pointed at the phone, "I know you miss your family." napakalambing ng boses niya. "That phone is yours now. Since I haven't found your phone, yet."

Mabilis akong tumango sa kaniya. Hindi ko na pinatagal pa at mabilis na tumawag. Afraid that the opportunity might be taken away from me.

Hindi sumagot si Dalia sa unang tawag. Muli akong tumawag habang nanginginig ang mga kamay

"Hello? Sino po 'to?" boses iyon ni Dalia.

Kusang kumawala ang mga luha ko

"D-dalia M-mae." I cried.

"A-ate?" gulat na untag niya. "Oh my god! Nanay! Si Ate! Tumatawag si Ate!"

Mas lalo akong napaiyak nang marinig ang boses ni Nanay sa kabilang linya.

"Maria Ophelia? Anak? Ikaw ba talaga 'to?" natatarantang aniya.

Napatawa ako. "Nay! Na miss kita!" I exclaimed.

"Jusko po! Ang anak ko nga! Maria Ophelia!" I missed her voice calling my name. "Magdadalawang linggo kang hindi tumawag! Nag-alala ako sayong bata ka! Anong nangyari sayo? Ba't hindi namin macontact ang telepono mo? Ba't iba itong numero mo?!" walang preno niyang sabi.

"Nagkaproblema lang po 'nay. Maayos po ako dito, wag po kayong mag-alala. Ikukwento ko po sa inyo sa susunod." paliwamag ko. "Na miss ko po kayo Nay!" my voice broke.

Bid For Maria Ophelia (Overseas Series #1)Where stories live. Discover now