Ophelia
Bumalikwas ako ng bangon ng may maramdaman akong dumampi sa leeg ko.
Malinaw kong nakikita ang paligid. Maliban sa malakas na sinag ng araw ay klarong klaro na ang paningin ko. Sa sobrang liwanag at linis ng kwarto kung nasaan ako ay para bang nasa langit na 'ko. Kaya naman kinusot ko ang mga mata at sinampal ang pisngi.
"Ay naku, iha!" napaigtad ako ng makarinig ng sigaw sa gilid ko. "Ba't mo naman sinampal ang sarili mo? Kakagaling mo lang, sinasaktan mo pa ang katawan mo, jusko." may pag-aalala sa boses niya.
Gusto kong magtanong. Pero parang hindi pa bumabalik ang lakas ng katawan ko. Maging ang boses ko ay hindi ko mailabas.
The old lady gently wiped my arm with a smile. Ang ngiti niya ang tila nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nararamdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.
Ibig sabihin ba non, buhay pa 'ko? Panaginip lang ba lahat ng nangyari, o ito ang panaginip lang?
"Ay, jusko po. Ba't ka naman umiiyak?" her gaze softened as she wiped my tears away.
Muling bumalik ang boses ko nang tuluyan kong hinayaan ang sarili kong humagulhol sa iyak.
Lumapit pa sa akin ang matandang babae at mahigpit akong niyakap.
Buhay nga 'ko! Buhay pa 'ko! Makikita ko pa si Nanay at Dalia!
Mas lumakas ang pag-iyak ko. Hinawakan ko ang dibdib at hinampas hampas iyon habang palakas ng palakas ang aking pag-iyak.
Sobrang saya ko. Ang saya, saya ko! Nakaligtas ako!
"B-buhay ako! Buhay po 'ko!" dama ko ang sipon na sumisilip na sa ilong ko dahil sa kaiiyak.
Dahil seguro sa malakas kong iyak ay napaiyak na din ang matandang babae. "Oo, iha. Ligtas ka na, wag kang mag-aalala." her words made me cry more.
It felt so assuring. I feel so safe.
"Wag kang mag-alala, aalagaan ka namin dito. Seguradong aalagaan ka niya."
Humina ang pag-iyak ko dahil may bigla akong napagtanto.
"N-nasa Pilipinas na po ba 'ko?" gumaralgal ang boses ko.
Nagtaka ang matanda dahil sa tanong ko, "Nasa Espanya ka parin, iha. Wala ka bang maalala?"
Dahil sa tanong niya ay hinalungkat ko ang mga ala-ala ko. Tanging naalala ko lang ay mula sa paglapag ko sa airport hanggang sa noong nakatayo ako sa isang stage.
Ang mga pangyayari simula doon ay blur na. Anong nangyari sakin pagkatapos non? Paano ako nakaligtas?
Nasaan ba 'ko?
"Nasaan po ako? Pilipino po kayo? Paano ako nakapunta dito? Ilang oras po akong walang malay? Paano po ako nakaligtas? Ano po bang nangyari?"
I was out of breath after letting out those consecutive questions.
The old lady, maybe in her sixties - after looking at her thoroughly, reached my head and caressed my hair gently.
Parang guminhawa ang puso ko at kumalma ang buong pagkatao ko sa ginawa niya. I remembered how my mother comforted me. Ganoon ang feeling niyon.
Miss ko na si Nanay at Dalia!
"Dalawang araw kang walang malay. Kung ano man ang nangyari sa iyo bago ka dinala ni Ephraim dito ay wala akong ideya. Ang importante ay ligtas ka na at malayo sa kapahamakan." she answered, "At oo, Pilipino ako, nagtatrabaho ako sa mga Vulkari bilang mayordoma." dagdag pa niya.
Marami pa akong katanungan, "S-sino po si Ephraim?" pero iyon ang unang lumabas sa bibig ko.
Siya ba ang nagligtas sakin?
"Nasa ibaba siya at nag-uumagahan. Tamang-tama at kailangan mo na ring kumain." Aniya at tumayo pagkatapos na umalis sa kama, "Kaya mo bang maglakad? O ipapahatid ko na lamang ang pagkain mo dito?"
Ginalaw ko ang mga paa ko. Hindi man ganoon ka lakas ay kahit papaano ay may pwersa na ang mga iyon. Kaya ko na segurong maglakad. Ayaw ko ring magpabigat at magpahatid ng pagkain dito na parang isang prinsesa dahil hindi naman ako ganon.
At maliban sa mga rason na iyon. Gusto ko ng malaman kung sino ang Ephraim na nagligtas sa 'kin.
"K-kaya ko po." Sagot ko.
"Segurado ka ba? Wag mong pilitin ang sarili mo."
I kept on insisting na kaya ko kaya pinagbigyan niya ko sa gusto ko.
Inalalayan ako ni Manang Maribelle. O mas gusto niyang tawagin siyang Manang Belle. Pagkababa ko sa kama hanggang sa paglabas sa kwarto ay kinuwento niya sa akin ang istroya kung paano siya nakarating sa Spain.
Hindi parin ganoon ka buo ang huwisyo ko kaya hindi ko pa na intindihan lahat. Ang tanging nakuha ko lang sa kwento niya ay ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa pangalang Ephraim at apilyedong Vulkari. Yun daw ang naging alaga niya, na ngayon ay amo na niya.
"Hinay-hinay lang." paalala niya ng makarating kami sa hagdan.
Hindi ko man natitingnan ang kabuuan ng bahay, o mansyon na siyang dapat itawag dito, ay alam kong napakagara nito at napakalaki. Halatang mayaman ang may ari. Para itong mga sinang-unang bahay na nakikita ko sa internet.
"Oh, ayon siya." turo niya sa lalaking nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. "Ephraim! Gising na siya." she announced.
Nanginig ang binti ko ng tuluyang makita ang mukha ng lalaki pagkatapos niyang ibaba ang binabasang magazine. Nakasuot ito ng salamin at nakasuklay ang buhok niya patalikod.
Nang ibaba niya ang suot na salamin ay tuluyan ng bumigay ang mga binti ko. Seeing his bare face made me remember some things.
"Mí cielo!"
At ang pamilyar na pagtawag na iyon ay nagpabalik ng mga memoryang nakalimutan ko.
"Fuck, cielo mío! Stop grinding!"
"Please! Parang-awa mo na! It hurts!"
Oh my god!
My mouth hanged open after remembering those lost memories. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang lalaking tinutukoy ni manang Belle na Ephraim.
He held my arms and tried to help me stand up. Pero naitulak ko siya. Hindi gaanong kalakas iyon dahil nanghihina pa nga ako. Pero nawalan seguro siya ng balanse kaya siya natumba.
"Ay, ano ba 'yan!" Manang Belle exclaimed, "Tumayo ka dyan, Ephraim! Tulungan mo kong itayo itong si Ophelia dahil hindi na 'ko makayuko ng maayos!" pinalo nito ang braso ng lalaki.
He was shocked with my reaction. Pero tumayo parin siya para alalayan ako. But still, I pushed him away.
Segurado akong pulang-pula ang mukha ko dahil sa mga naalala. Nakakahiya! Hindi ako iyon! Impisibleng nagawa ko 'yon!
"It's fine, cielo mío. You're safe, I won't hurt you." pang-aalo niya sa akin habang sinusubukang makalapit sakin.
Umiling ako, hindi ko alam kung bakit, "A-ayaw k-ko s-sayo." tuluyan na 'kong umiyak.