Ophelia
"Don't look at me with such disgust, cielo mío." saway ni Epraim ng sandaling bumukas ang mga mata niya at tumingin sa akin.
Hindi ko maiwasang tingnan siya nang ganoon pagkatapos marinig ang mga sinabi niya.
Alam ko'ng malaki ang utang ko sakaniya, pero hindi ako ganoong klaseng babae!
"Stop whatever you're thingking, Maria Ophelia." matigas niyang sabi sa pangalan ko. May kaunting galit akong naririnig sa boses niya.
Pagod niyang inangat ang sarili gamit ang isang kamay. Tumingin siya sa akin habang nilalabanan ang antok ng kaniyang mga mata.
"My words are literally what they meant to be. No dirty thoughts." paliwanag niya.
Pumanatag ang pagtingin ko sakanya, "P-paano po ba kita matutulangan matulog, Sir-"
Natigil ako nang tingnan niya ako ng masama. Bawal ko pala siyang tawaging ganon. Bigla kasi akong nasanay!
"Come here." he waved his hand.
Alangan man ay sumunod parin ako. I can't feel any danger around him. Malaki ang tiwala ko sa intwisyon ko. Pero ngayon ay nagtataka ako kung bakit hindi ako nito binabalaan tuwing malapit ako kay Ephraim.
Nang makalapit sa gilid ng kama ay pinanood ko siyang isinandal ang dalawang unan sa headboard.
"Sit here." utos niya at tinapik ang pwestong inayos.
Kaagad naman akong sumunod. Sumampa ako sa kama at umupo sa tabi niya. Ginawa kong sandalan ang inayos niyang mga unan.
"Close your legs, cielo mío." he pointed.
"Huh?" kahit na nalilito ay sinunod ko naman.
I closed and straighten my legs tightly. Mahaba ang bistida ko. Pero noong umupo na ako ay umangat iyon.
Nanlaki ang mga mata ko nang humarang sa paningin ko ang puting unan na pinatong ni Ephraim sa mga binti ko.
"There," aniya na siyang ikinabaling ko sa kaniya, "C-can I lay my head there?"
Matapang man niyang sinabi 'yon, halata naman sa namumula niyang tenga ang hiya.
Kinagat ko ang labi at umiwas ng tingin. Masaya ako na hindi niya nakalimutang humingi ng permiso, pero nakakahiya!
"Well..." nabalik ang tingin ko sakaniya nang marinig ang pilit niyang pagtawa, "It's fine, cielo mío. I just tried my luck." kamot-batok niyang sabi.
"A-ano...." nautal ko.
"It's fine, cielo mío." he yawned and moved.
Hihiga na sana siya sa gilid nang abutin ko ang dulo ng damit niya.
"I-i'm fine with it, si- " natigil ako, "I mean, Ephraim." I bit my lip trying to supress my embarrassment.
"A-are you sure?" gulat na aniya.
Mahina akong tumango at inayos ang unan sa kandungan ko.
He let out a fake cough and laid his head there. Iniwas ko ang tingin papunta sa pinto ng veranda noong tumama ang mga mata namin.
Pinatong niya ang parehong kamay sa kaniyang tyan. And his legs are completely straighten.
Mabuti nalang at malaki ang kama dito sa kwartong tinutuluyan ko.
Nang makaramdam ng pangangawit sa aking leeg ay sinilip ko si Ephraim.
Nakahinga ako nang matagpuang nakapikit na ang mga mata nito. Nanatili akong nakatitig sa napaka-amo niyang mukha.