Ophelia
"A-ayaw k-ko s-sayo." tumulo ang mga luha ko.
Kita ko kung paano nag-iba ang kalmado niyang ekspresyon. Napanganga siya at para bang nabagsakan siya ng langit at lupa.
Saka siya natumba sa sahig.
"Ay, jusko!" bulalas na naman ni manang Belle.
May tinawag siyang tao gamit ang lenggwaheng espanyol at yun ang tumulong sakin patayo.
Hindi ko naalis ang tingin kay Ephraim na naestatwa dahil sa sinabi ko. Naintindihan niya ba 'yon? Nakakaintindi ba siya ng tagalog?
Sa reaksyon niya ay mukhang oo.
Nakalahad ang kamay niya sa pwesto ko at nakabagsak parin ang labi dahil sa gulat.
"Ay jusko po! Ephraim ano ba!" Sa kaniya naman pumunta si Manang Belle. Sinubukan niyang alalayan si Ephraim.
But he's too heay for her to help.
Nakatulala lang siya sa akin. Ng paluin siya ni manang ay saka siya natauhan at tumayo nang walang kahirap-hirap. Pero nakanganga parin ang mga labi.
Bakit ganoon ang reaksyon niya?
"I'm fine, Nanay." aniya kay Manang Belle na pinagpagan ang polo niya.
Lalapit pa sana siya sakin pero natigilan siya ng umatras ako.
He tried stepping closer again. Tuluyan na 'kong nagtago sa likod ng babaeng tumulong sa akin na tumayo.
"Gods, she's scared of me!" gulat parin niyang bulalas, "Mí cielo is scared of me, nanay Belle!" pagsusumbong niya sa matanda.
I can hear frustration in his voice.
"Wag mo muna kasing ipilit! Eh ayaw nga sayo." pinalo siya nito sa braso at tinawanan.
Pumunta sa pwesto ko si Manang at iniwan si Ephraim na nakabuka parin ang bibig. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kilos niya.
Ako ba ang tinutukoy niyang, shelo miyo? Yun ba yun? Spanish ba yun ng pangalan ko? Ano bang ibig sabihin non?
"Halika na, anak. Kumain ka na doon." iginaya ako ni manang Belle papunta sa mahabang mesa.
Ng makalapit ako ay doon ko palang napansin na maliban sa marmol ito, ginto ang gilid ng engrandeng mesa. Ganoon din ang mga bangko na nakapaligid dito. Totoo ba 'to?
Nilingon ko si Ephraim na parang estatwa paring nakatayo doon habang nakatingin sa gawi ko.
Nakakahiya namang umupo dito habang nandodoon siya. Hindi ba siya ang may-ari ng bahay na 'to?
"Ano bang ginagawa mo dyan, Ephraim? Halika na dito at kakain na itong si Ophelia."
Napansin seguro ni Manang ang pagtingin ko kay Ephraim.
Umiwas ako ng tingin nang maglakad na siya papalapit sa amin, at pamunta doon sa inuupan niya kanina.
Manang Belle and the other lady helped me sit on the chair next to Ephraim. Umusog ako ng kaunti. Kahit na napakalaki ng mesang ito at malawak din ang gap namin ay naiilang parin ako na lumapit sa kaniya.
"Nanay, what am I going to do?" parang bata niyang baling kay manang belle na ngayon ay umupo sa kabilang side ko ng mesa.
Inalalayan pa ng isang katulong si manang na umupo.
"Hayaan mo muna, Ephraim. Maging pasensyoso ka." payo sakaniya ng matanda.
"God knows how I've been patient, Nanay." nakalabi pa niyang pagmamaktol.
Pabulong iyon pero narinig ko parin. Ano ba'ng pinag-uusapan nila?
Ephraim gestured his hand and the foods immediately appeared in front of us.
"Kaya mo bang kumain mag-isa, Ophelia?" tanong sa akin ni Manang.
Tumango ako kahit na hindi ako segurado. Inabot ko ang mga kubyertos. Palihim akong ngumiti ng tagumpay kong nagalaw ang mga kamay ko para hawakan ang mga 'yon.
But my small smile immediately faded when I failed to raise it. Kulang pa ata ang lakas sa mga kamay ko.
"Let me help you, cielo mío."
Ng maramdaman ang paglapit niya ay kaagad kong nabitawan ang mga hawak na kubyertos, kasabay ng paglayo ko sa kaniya.
It was too sudden that I unconciously stood up. At dahil doon ay kaagad din akong natumba. Mabuti nalang at nasalo ako ng upuang nasa gilid ko.
Bumalik ang tila nasasaktang ekspresyon sa mukha ni Ephraim. Bumalik siya sa kaniyang. upuan at may sinabi sa babaeng tumulong sa akin kanina. He spoke in Spanish again. Hindi ko man iyon naintindihan kaagad ay nalaman ko ding inutusan niya itong tumulong sakin.
Ililipat na sana nito ang plato ko sa kasalukuyan kong pwesto, pero pinigilan ko siya. Bumalik ako sa dati kong upuan. Doon sa malapit kay Ephraim.
The lady assisted me. Mabilis akong sumulyap kay Ephraim at nahuli ko ang pag-ngiti niya.
Ayaw ko namang maging bastos. Hindi ako takot sakaniya. Sadyang nahihiya lang ako dahil sa mga nagawa ko. Kahit na alam kong epekto iyon ng kung anong gamot na pina-inom sa akin, katawan ko parin iyon.
So technically, ako parin talaga ang gumawa ng mga nakaka-anong galaw na 'yon.
At hindi lang din dahil doon ang pagkahiya at pag-iiwas ko sakaniya. Tuwing tumitingin ako kay Ephraim ay nakukompirma kong parang hindi siya totoong tao.
Sobrang linaw ng light gray niyang mga mata. Makapal ang mga kilay niya, napaka-tangos ng ilong, sobrang kinis ng kaniyang namumulang kutis. May kanipisan ang pang-ibabaw niyang labi habang matambok naman ang pang-ibaba non.
Napayuko ako dahil sa mga naisip. Matambok? Paano ko naisipang gamiton iyon para ilarawan ang isang bahagi ng tao? Uminit ang pisngi ko.
"Are you alright, cielo mío?"
Para siyang gawa ng AI. Mukha siyang hindi totoo!
Umiwas ako ng tingin at ibinalik iyon sa pagkaing nasa plato ko. Laking pasalamat ko dahil nagkaroon na ng lakas ang mga kamay ko para kumain.
"MAGPAHINGA KA muna iha." sabi sa akin ni manang Belle at tinakpan ako ng kumot.
Gusto ko pa sanang maprotesta pero bumalik na ang pagod na naramdaman ko kanina noong bagong gising pa lamang ako.
Pagkatapos kumain ay pinalakad-lakad muna nila ako sa hardin. Napakaganda doon at sariwa ang hangin. Pagkatapos ng kalahating oras ay hinatid na nila ako pabalik dito sa kwarto kung nasaana ko kanina.
Hinawi ko nang kaunti ang kumot at sinilip si Ephraim na nakatayo sa pintuan.
Kanina noong nasa garden kami ay nakatayo lang din siya habang pinapanood ako.
Nakasalubong ang maitim niyang mga kilay habang pinapanood si Manang Belle na inaayos ang kumot ko.
Hanggang sa makalabas si manang ay nakatayo lamang siya doon. Patuloy ko siyang pinanood doon. Ngayon naman ay kalmado na ang ekspresyon niya habang nakatingin aa gawi ko.
Bakit niya ba ako niligtas? Gagawin ba niya sakin ang mga masasamang bagay na sinabi sakin ni Gladys? Mabait ba siya o masama? Matutulungan niya kaya ako?
Sa sobrang dami kong naiisip ay nakaramdam ako ng antok. Bago tuluyang bumigay ang talukap ng mga mata ko ay nakita ko ang paglakad ni Ephraim papalapit sa akin.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama ng umupo siya sa tabi ko. I felt his warm hand tucked a strand of hair behind my ear. Saka ko naramdaman ang bigat niyon sa ibabaw ng ulo ko.
Right before my eyes totally closed to sleep. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. At muli niya akong tinawag sa pangalang iyon na hindi ko maintindihan.
"Sleep tight, cielo mío."