Ophelia
"Wake her up!"
Boses iyon ng hindi pamilyar na lalaki.
I'm cold. Na para bang sinabuyan ng malamig na tubig ang mukha ko.
"Miss gumising ka na."
Napamulat ako ng marinig ang kilalang lengwahe.
"Na-nasaan ako?" paiyak kong tanong.
When my vision cleared, I roamed my eyes around the room. Puro mga babae ang laman ng silid kung nasaan ako ngayon. Lahat sila ay nag-aayos ng sarili.
At mayroong tatlong lalaking may hawak na malalaking armas ang nakaharang sa bukas na pintuan.
Kailangan kong makatakas! Babalik ako sa pamilya ko!
"Hindi ko din alam miss. Pero kailangan mo ng mag-ayos." sagot ng babae sakin habang pinupunasan ang mukha ko.
Gulong-gulo ako sa nangyayari. Parang lumulutang ang isipan ko at naninikip ang dibdib ko sa takot.
"A-anong pangalan mo?" muli kong tanong sakaniya.
Puno ng lungkot ang mga mata niya at mapait ang ngiting ibinigay niya sa akin, "I'm Gladys." sagot niya, "Ikaw?"
"Ophelia." nanginginig kong sagot.
"Seguro'y trabaho din ang pinunta mo sa espanya diba?" mahina ang boses niya.
Tumango ako.
Si Jasmine! Kailangan kong tawagan si Jasmine para humingi ng tulong at makaalis sa lugar na 'to!
"Tumawag tayo ng tulong! May telepono ka ba? May kaibigan ako! Siya ang nagrekomenda sa akin, tutulungan niya tayo!" mahigpit ang kapit ko sa mga braso niya.
Umiling lamang siya at sinenyasan akong hinaan ang boses.
"Nirekomenda din ako ng kaibigan ko dito. Nalaman ko nalang na kasabwat pala siya ng sindikatong 'to." kwento niya.
Natumba ako sa sahig. Hindi pwede. Hindi totoo yan. Imposibleng gagawin sakin ni Jasmine yun!
Kusa nang lumabas ang mga luha sa mga mata ko.
"Wag kang umiyak!" pabulong niyang sigaw. "Mahahalata nila tayo at baka saktan."
Sinunod ko ang pagpapatahan niya sa akin.
Pagkatapos kong tumahan ay tiningnan ko ang sarili. Iba na pala ang suot kong damit. Maiksi ang suot kong palda at tanging bra na lamang ang mayroon ako sa pang-itaas.
"Kailangan nating makatakas dito." pigil iyak kong pagkumbinsi sa kanya.
"Ilang beses ko ng nagawa iyan. Pero panaginip na lamang ang makaalis tayo dito." she replied, feeling hopeless.
After she dried my face ay nagsimula na siyang lagyan ako ng make-up. Wala akong lakas para gumawa ng gulo. Ang epekto ng usok na nalanghap ko ay parang nasa katawan ko parin. Lumulutang parin ang isipan ko.
"Gaano ka na katagal dito?" I asked Gladys.
"Hindi ko alam, pero matagal na. Sinubukan kong magtago kaya nakatagal ako." kwento niya.
"Ano bang gagawin nila satin?" tanong ko ulit habang nagmamasid sa paligid.
Lahat ng babae na naririto ay magaganda ang mga mukha at katawan. Lahat ay naka-ayos at kasing revealing ang mga suot tulod ng sakin.
Parang may ideya na 'ko.
"Ibebenta nila tayo." mapakla niyang sagot.
Kagaya ng mga babae dito ay tila wala naring buhay ang mga mata ni Gladys.