Chapter 6

2 0 0
                                    

Ophelia

Pagkatapos ng mga nakakagulong sinabi ni Ephraim, ay tinawag niya si manang Belle para tulungan akong pumunta sa kwarto ko.

Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Bakit gusto pa niya akong manatili dito? Ano bang kailangan niya sa akin?

Buong gabi kong iniisip ang mga tanong na 'yon. Bago ako makatulog ay saka ko lang naalala ang isang-daang milyon na binayad niya para sa akin. Hindi ba nila nabawi yun? Diba hinuli na nila ang mga sindikato?

Dahil ba sa napakalaking halaga na 'yon kaya hindi ako pwedeng umalis dito?

Ano ba'ng dapat kong gawin para mabayaran yun? Kahit na pagtrabahuhan ko yun buong buhay ko ay hindi ko mababayaran ang ganoong kalaking pera.

Nakatulugan ko ang pag-iisip ng solusyon sa problemang iyon.

NAGDAAN ANG apat na araw nang hindi ko nakikita si Ephraim. Maaga itong umaalis at gabing-gabi na kung umuwi. Ang sabi ni Manang Belle ay masyado itong abala dahil sa malaki nitong negosyo.

Pero sa kabila non ay hindi siya nagmintis ng kahit na isang araw sa pagpunta sa silid ko at halikan ang noo ko kapag umuuwi siya.

I was always half asleep everytime he do it. Kaya hindi ko siya naabutan. Nagsubok din akong gumising ng maaga pero bigo parin ako.

Nag-aalala ako na baka masyado ko ng inaagrabyado ang magandang trato sa akin dito sa bahay niya. Parang prinsesa ang pagtrato nila sa akin at sobrang bait ng mga kasambahay dito.

Kahit ang totoo ay dapat din akong magtrabaho para mabayaran si Ephraim.

Gusto ko siyang makita at makamusta man lang. Kahit yun nalang ang magagawa ko para makabawi sa lahat ng tulong niya saakin.

"Manang, sa tingin nyo kailan uuwi si sir Ephraim?" tanong ko kay Manang habang naghuhugas ng mga plato.

Nag-aalala ang mukha ni manang dahil ayaw niya akong magtrabaho dahil gawain daw nila dapat 'yon. But I insisted, kasi dapat trabahador din ako.

"Naku, Ophelia!" she exclaimed, "Papagalitan talaga ako ni Ephraim kapag nalaman niyang pinagtrabaho kita!" ulit na naman niya, "Tsaka bakit mo ba siya tinatawag na 'sir'?"

"Yun naman po kasi dapat ang itawag ko sakanya." sagot ko, narealize ko iyon nitong mga nakaraang araw, "Malaki po ang utang ko kay sir Ephraim."

"Jusko, iiyak ang batang yun kapag narinig ka niya."

"Po?" hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Hayaan mo na kasi si Natasha dyan, iha." turo niya sa isa nilang kasambahay.

Binitawan ko ang mga hinuhugasang plato. Baka mastress pa si Manang kaya sumuko na lamang ako. Sumunod na lamang ako ng maglakad siya papunta sa garden.

"Ano po kayang pwede kong maging trabaho dito sa mansyon, Manang?" tanong ko, "Kulang ba kayo ng kasambahay?"

Napakalaki ng mansyon at hindi ganoon karami ang mga tauhan. Kaya baka pwede akong mag-apply. Mas mabuti ng malapit ako at baka sabihin ni sir na tatakbuhan ko siya.

"Ano ba yang mga naiisip mo iha? Bisita ka dito." hindi niya sinagot ang tanong ko.

Napalabi ako, "Hindi po ako bisita dito, Manang. Malaking pera po ang kailangan kong bayaran kaya ako hindi pinapa-uwi ni sir Ephraim." I explained.

Umawang ang labi niya sa nadinig, "Hindi ba't nag-usap kayo ni Ephraim noong nakaraan? Ano bang sinabi niya sayo?" kyuryoso niyang tanong.

Uminit ang tenga ko ng maalala ang mga nangyari sa opisina ni Ephraim.

Bid For Maria Ophelia (Overseas Series #1)Where stories live. Discover now