PROLOGUE
Fan...
Hindi ba tawag iyan sa taong humahanga sa isang tanyag na tao?
Humahanga... ang sarap pakinggan, nakaka-inlove. Pero paano kung yung taong hinahangaan mo ay wala man lang kahit kaunting pagtingin sa'yo?
Paano kung simula pa lang ng kwento niyo ay wala na naman? Back to zero na naman at mas lumala pa nga?
Nagkunwari. Naniwala. Nabuko.
Paano kung sa back to zero, hindi ka na makausad sa level one? Kung sa bawat paglapit mo sa spotlight ay mas lalo rin itong lumalayo?
"It's hard to trust someone who once lied to you."
Chasing The Spotlight (Celestial Series #1)
Ako si Reign Dannie Feliciano... hindi ako sinungaling at patutunayan ko 'yan sa'yo!
