Chapter 6: The Man Behind a Mask

29 4 0
                                        

CHAPTER 6 : THE MAN BEHIND A MASK


Nag ikot-ikot pa kami ni Tita Pene. Nandito kami ngayon sa convenience store.

Nakarating kami doon sa section ng mga ice pop. Kukuha na sana ako nang biglang mahawakan ng isang tao yung hawak kong ice pop. Punyeta, nakikipag-unahan ang dami namang stocks.

Ako naman ang nauna makakuha. Tiningnan ko lang siya nang masama, hindi ko rin naman makilala kasi naka-mask siya. Pero hindi ko alam kung bakit parang pamilyar yung titig niya. Hindi ko naman nakikita ang mukha niya pero parang pamilyar talaga, eh.

Hay, ewan!

Hindi ko pa rin inaalis ang hawak ko sa isang plastik ng ice pop. Tiningnan ko lang siya nang masama at ganoon din naman siya. Ang kapal ng apog ng lalaking 'to, ako naman ang nauna!

Walang kumukurap ni isa man sa amin, pero pagkalipas ng ilang segundo, siya na rin ang unang umiwas ng tingin.

Ay, talo!

Tatawa na sana ako para asarin siya, hindi niya naman ako kilala kaya okay lang naman sigurong pikunin siya. Parang bula nalang na naglaho ang ngiti sa mga mukha ko at napalitan ito ng gulat nang makita ko nang buo ang mukha nito.

Oh my goodness! Bakit ganu'n?

Palagi nalang ba kaming ganito magkikita? Palaging hindi man lang ako prepared? Ang epal talaga, hindi man lang ako na inform.

Binitawan ko nalang yung plastik ng ice pop. Edi, kanya na. Siya naman talaga nauna, eh.

Nginitian ko lang siya habang nakangiwi, hindi ko na rin maintindihan ang mga ekspresyon ko kapag si Roujh ang nakikita ko, eh.

Umalis na siya at hindi na kumuha ng ice pop kaya kinuha ko nalang iyon. Kumuha ako ng tatlong plastik saka tinulak na yung cart tapos sumunod ako sa kanya.

"Sungit talaga," bulong ko.

Sunod lang ako nang sunod sa kanya hanggang sa tumigil siya at hinarap ako.

"What's wrong with you, woman?" Seryosong tanong niya.

Init ng dugo niya sa'kin, crush siguro ako nito. Jokes. Buti wala na yung 'young' sa woman niya.

"Woman? Ang baduy. Baby nalang para cute." Pagpapa-cute ko sa kanya.

Ang seryoso lang ng mukha niya. Nakakaiyak, walang effect yung pagpapa-cute ko!

"Dannie!" Agad akong napalingon nang tawagin ako ni Tita. "Ang dami mo nang nailagay, Dannie." Puna niya sa mga nailagay ko sa cart.

Paano ba naman kasi? Halos lahat nalang dito gusto bilhin ni Roujh tapos hindi naman kinukuha, inu-uto na ata ako, eh. Lahat ng kukunin niya, hindi niya naman kinukuha kapag napansing pinapanood ko siya. Kaya ayon ako nalang ang kumukuha at hanggang ngayon isang plastik ng ice pop lang ang nakalagay sa cart niya.

"Uh... Tita, si Roujh po pala," sabi ko kay Tita bago pa siya tumalikod.

Nakita ko rin ang panlalaki ng mga mata ni Roujh, dahil na rin siguro sa biglaang pagpapakilala ko sa kanya kay Tita Pene nang wala man lang permiso niya.

Nginitian naman ni Tita Pene si Roujh. "Sino 'yan?"

"Asawa ko po, Uh... I mean, batchmate ko po." Saad ko sabay kamot sa batok ko.

Bwisit! Bibig mo Dannie walang preno. Kahiya ka talaga. Tumawa lang naman si Tita sa'kin at ngumiti kay Roujh.

Hindi ko alam kung naiinis na ba siya o ano.

"Nice to meet you... batchmate ni Dannie. Uuna na kami, hope to see you again." Saad ni Tita at nginisian naman ako nang nakakaloka.

"Bye!" Pagpapaalam ko sa kanya sabay kaway pa. Inirapan lang din niya ako.

Chasing The Spotlight (UNDER REVISION) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon