Chapter 3: Goose-To Kita

50 13 0
                                        

CHAPTER 3 : GOOSE-TO KITA


"Kuya..." Tawag ko kay Kuya na busy pa rin sa pagbabasa. "Ano pong binabasa mo?"

"Newspaper..." Tugon niya nang hindi man lang lumilingon sa akin.

"Galing magbasa ng Kuya ko ah, paturo naman." Pangungulit ko sa kanya o mas better na pambubwisit.

"You can do that on your own, malaki ka na."

Hindi gumagalaw si Kuya sa kinauupuan niya. Parang naninigas siya doon.

"Eh, sa magaling ka kasing magbasa, Kuya. At saka masipag din," pangungulit ko pa sa kanya.

"Huwag mo akong ginugulo riyan, Dannie..." Sabi ni Kuya at tiningnan ako pero umiwas lang din agad. Glance lang ganu'n.

"Eh, magpapaturo lang naman Kuya e-"

"Shut up." Putol niya sa akin. Luh, galit na haha.

"Sige, turuan mo muna akong magbasa nang pabaliktad ahihi," sabi ko sabay hagikhik, agad naman akong binalingan ni Kuya. Buti naman, kanina pa ako di binabalingan, eh. Ano naman doon sa glance niya gagi.

Umiwas lang ulit ng tingin si Kuya at uminom sa tasa, pero yung tasa...

Sa akin yun! Hala, malalaman ni Kuya yung sikreto ko sa pagtitimpla!

"Hala, Kuy-" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko, bigla nang nabuga ni Kuya yung iniinom niya at umubo-ubo siya

"The fuck, Dannie. Gusto mo ba magka-diabetes?" Tanong ni Kuya, umuubo pa rin.

"Nasobrahan lang po..." Sabi ko sabay kamot sa batok ko.

"Gaano ba karaming asukal ang nilagay mo rito?" Reklamo ni Kuya.

Napangisi lang ako, "Dalawa may kalahating kutsara po."

Tiningnan lang ako ni Kuya nang matalim at iyong nasa likod ko. Well, wala namang ibang tao du'n, si broskie niya lang naman.

Ginawa nun? Nge, kasalanan.

Pekeng umubo si Raven, kinakabahan. "Akyat na muna ako sa taas..."

Dahan-dahan nang naglakad papuntang hagdan si Raven.

Confirmed. May takot talaga ito kay Kuya.

"Malamang, bakit makaka-akyat ka ba sa baba?" Tanong ko.

"Punyeta, pilosopo." Ginawaran niya lang ako nang matalim na tingin.

Sorry, pilosopo lang, ehe.

"Thank you so very very much!" Nakangiting sabi ko, iyong ngiting nang-aasar.

"Baliw kabna beh, pamental na kita..." Nanlalaki ang matang sabi niya.

"Eh, yan kasi hindi nakikinig sa teacher. Sabi kapag may nagsabi sa iyong pilosopo, magpasalamat ka kasi ka-level mo raw iyong mga philosopher. Gayahin mo kasi ako, tamang kinig lang kapag may discussions..." Ngumiti pa ako ng peke sa kanya.

"The fuck, naririnig mo ba ang sarili mo, Dannie? Tse, niwala ka naman." Natalim pa ang tingin na sabi niya at parang hindi pa makapaniwala sa akin.

"Malamang, may tenga," pamimilosopo ko pa sa kanya. Nice pwede na kaya ako maging philosopher?

Baka ito na talaga yung para sa akin.

"Punyeta talaga," naiinis na niyang sabi, mukhang gusto na akong sabunutan. Haha, parang shuta.

"Hahahaha," parang scripted na tawa ko, hindi literal na scripted!

"Sino kaya iyong palaging napapalabas ng teacher dati, kasi ang inga-" Panta-traydor naman niya sa'kin. Ang sarap birahin.

Chasing The Spotlight (UNDER REVISION) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon