Author's Note

48 24 0
                                        

Kumusta, my dwinnies!

Maligayang pagdating sa isang maliit na mundong binuo ng aking imahinasyon kung saan ang puso, pagkakaibigan, at pangarap ay magtatagpo-tagpo. Dito, makikilala ninyo ang mga karakter na magpapaiyak, magpapasaya, at magsasakripisyo kagaya na'tin.

Ang kwentong ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig, kundi sa mga desisyong ginagawa natin kapag natatakot tayong masaktan o makasakit.

Ang mga karakter na inyong makikilala sa paglalakbay na ito ay hindi perpekto. Mayroon silang mga lihim na itinatago, mga salitang hindi masabi, at mga damdaming piniling itanggi. Ang ilan sa kanila ay magmamahal nang tahimik, ang ilan ay masasaktan nang paulit-ulit, at ang ilan ay matututong pumili kahit masakit.

Ang mga pahinang susunod ay hindi agarang sasagot sa lahat ng tanong. Sa halip, inaanyayahan ko kayong maglakbay kasama nila—sa kalituhan, sa pag-asa, at sa mga katotohanang matagal nang hinihintay na maibunyag.

Ito ay kwento ng mga pusong natutong magmahal sa gitna ng mga lihim. At minsan, ang pinakamahirap na laban ay ang pagpili kung sino ang ipaglalaban.

Muli, maligayang pagdating! Nawa'y masiyahan at matuto kayo sa inyong magiging paglalakbay.

- Dwinny 💚

Chasing The Spotlight (UNDER REVISION) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon