CHAPTER 1: BARDAGULAN
Exciting ba ang first day of school? Ako na ang sasagot, hindi po. Sorry, ha. Hindi talaga. As in, literally nothing special.
Ipinaghahanda na ako nina Mama ng mga gamit ko para sa nalalapit na pasukan pero ang ginagawa ko? Heto nakahiga at pagulong-gulong sa kama ko.
"Dannie." Napabalikwas ako nang marinig ang boses ni Papa.
Nginitian lang niya ako. Buti nalang din at hindi niya ako sinermunan dahil nakakalat ang mga gamit ko sa sahig.
"Yes po?" Tugon ko.
"Mag-a-out-of-town nga pala kami ng Mama mo. Kasama rin namin si Deign. Gusto mo raw ba sumama?"
"Ayaw ko po," naboboring lang naman ako. At saka, nakakapagod. Mas gugustuhin ko nalang na matulog.
"Why?" Umupo si Papa sa may tabi ko.
"Tinatamad po kasi ako," sabi ko. Totoo naman, eh.
"Are you sure?" Nanliliit na matang tanong ni Papa na animo'y nagdududa sa excuse ko.
"Yes po." Binigyan ko siya ng sweetest smile ko-yung nawawala ang mata ko.
"Okay, mag-aayos na muna ako ng gamit na dadalhin namin." Tumayo na siya at lalabas na sana nang tawagin ko ulit siya.
"Papa, pwede po ako mag-apartment?" May paawa effect pa ako doon.
"U-huh."
"Dali na po! May malapit naman sa school, kahit kapag isang araw bago magpasukan na ako maglipat," pinagdikit ko na iyong dalawang palad ko.
Grade 12 student na kasi ako, last year ko na sa high school pero hindi pa rin nila ako pinapayagan na humiwalay sa kanila. Mag-co-college na rin naman ako.
Napaka-clingy nila sa'kin!
"I'll think about it." Sinabi nalang ni Papa at lumabas na ng kwarto ko.
Sana naman pumayag si Papa. Palagi naman silang wala dito sa bahay kaya lonely din kami. Palagi ring wala si Deign dito, laging kasama ang mga barkada niya kaya naiiwan talaga ako.
Nag-aaya naman ang mga friends ko pero minsanan lang kasi busy rin sila kahit bakasyon na. Well, they had their own life.
Pero kung ayaw ni Papa, edi huwag. Magtatampo nalang ako ng mga isang taon.
"Dannie, doon ka muna kina Kyle," sabi ni Papa habang kumakain kami.
Napaisip ako du'n, ngayon lang nila naisip ito, ah.
"Huh? Bakit po?"
"Wala. Iiwan ka muna namin doon." Sabi naman ni Mama bago uminom ng usual na iniinom niyang black coffee na nilalagyan niya rin minsan ng ice cube.
"Hay, sige po. Ilang araw lang naman po, di ba?"
"Yes, be good."
"Syempre naman po, good girl kaya ako. Basta Papa, yung sinabi ko kanina ah." Pagpapaalala ko, baka mamaya makalimutan pa niya.
"Pfftt, good girl? Nan-t-trip ka ba?" Tumatawang epal ni Deign.
"Bad trip ka ah, tumigil ka." Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Okay. Pagbalik namin aayusin ko ang lilipatan mo."
"Yes, Papa. Thank youu!" Nag-finger heart pa ako kay Papa bago nginitian ng matamis yung kapatid ko.
May three weeks pa naman bago magsimula ang school, puta ang bilis. Parang kahapon lang, grade 11 pa lang ako pero ilang weeks nalang pasukan na naman at grade 12 na ako! Hindi ako makapaniwala, shucks!
