Chapter 4: Poo-Ta Ka, Raven!

37 9 0
                                        

CHAPTER 4 : POO-TA KA, RAVEN!

Pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa ref. Bwisit naman kasi dahil sa pagkikita namin ni Roujh hindi na tuloy ako makatulog nang maayos.

Bakit kasi ang pogi niya? Ang cute pa ng boses.

Ang sungit nga lang!

"Yuck, amoy laway..." Nilingon ko si Raven na nakatayo sa likod ko.

Badtrip.

"Pwera naman sa'yo, amoy canal." Banat ko sa kanya.

"At least pogi, ikaw mukhang dora." Pang-aasar niya na naman.

"Yuck naman sa'yo, mukha ka kayang tae, gorilya na tae, kinulang sa aruga," pambubully ko sa kanya.

Actually, noong elementary ako, bully talaga ako. At ang madalas kong biktima ay si Raven.

Hindi naman niya siniseryoso kasi puro kalokohan lang naman ang ginagawa ko, pero ilang beses din akong napunta sa guidance dahil sa mga kagagahan ko.

May isang beses pa ngang sinaksak ko ng ballpen yung transferee sa'min. Ewan ko ba, naiinis kasi ako sa kanya noon kahit wala naman siyang ginagawa. Isa pang beses, nilagyan ko naman ng kung anu-anong basura yung bag ni Raven at itinapon pa ito sa basurahan.

Kaya nga parang mas madalas pa akong nasa guidance office kaysa sa classroom noon, eh.

"Tss," masungit na sabi ni Raven sabay irap sa'kin at pumunta na sa kwarto niya.

Ano bang problema nu'n?

Ang labo rin talaga minsan ng lalaking 'to.

Pumunta nalang ako sa may lababo para hugasan ang basong ininuman ko at pumunta na rin sa kwarto ko. Matutulog nalang ulit ako. Na-stress ako, daming nangyayari sa mundo.

Kinuha ko nalang phone ko at sinalampak sa tenga ko ang earpods at pinatugtog yung songs ni Roujh. Nahiga na rin ako sa kama para matulog.

Maya-maya pa'y tumayo ulit ako, hindi talaga ako makatulog kaya sumilip nalang ako sa bintana.

Madilim pa rin talaga, ala-una palang naman kasi ng madaling araw. Marami ring bituin sa langit.

Gustong-gusto ko talaga ang ganitong tanawin. Ewan ko ba, pero kapag tinitingnan ko sila, parang gumagaan nang kaunti yung pakiramdam ko.

Siguro dahil naaalala ko si Roujh.

Well, hindi naman siya yung pinakamaliwanag na bituin sa langit, pero isa siya sa mga bituing hinahanap ko agad kapag tumitingala ako.

At sa tuwing nakikita ko ang mga iyon, parang may kung anong nagsasabing magiging okay din ang lahat.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko nalang siyang naging idol. Basta isang araw, nagising nalang akong humahanga na sa kanya. Talagang naagaw niya rin yung atensyon ko, kahit hindi rin naman talaga siya masyadong sikat. Magaling lang talaga siya at nakakasabay siya sa mga performer na sikat talaga, as in.

Wala pa naman siyang lead role kasi focus talaga siya sa music, singer kasi siya. Marami-rami na rin siyang na-compose na kanta.

Chasing The Spotlight (UNDER REVISION) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon