CHAPTER 7 : KAPAG NAWALA AKO
"Anong nangyari? Bakit ka nakabusangot, Dannie?" Kunot-noong tanong ni Samantha, friend ko rin.
HUMSS din siya. Classmate sila ni Raily.
Nandito kami ngayon sa may bench ng court. Nagpa-practice kasi ng basketball yung mga varsity player kuno nitong school namin. May laro kasi sila next month pero dadayo ata sila sa ibang school.
Junior high palang ay player na sila. Hindi naman maipagkakailang magaling naman talaga sila sa larangan ng basketball.
"Sino ba namang hindi bubusangot? Napalabas ako kanina ni Sir Montero kasi nakatulog ako tapos nadamay ko pa si Roujh at Khai." Pagra-rant ko sa kanya. Parang nagra-rap pa ako nu'n.
"Roujh? Ay oo nga 'no, dito na pala 'yon nag-aaral. Classmate kayo?" Kuryosong tanong ulit ni Samantha.
"Isang subject lang." I pouted.
"Bakit parang dismayado ka pa?" Nakangising tanong naman ni Freya.
"Paanong hindi? Hindi nga ako pinapansin..."
Alam naman iyon ni Khai.
Si Raily naman ay busy lang sa pagbabasa ng libro. Masyado siyang focus sa pag-aaral, simula junior high palang kami ay ganyan na siya... competitive.
Kapag mababa ang nakukuha niyang score, umiiyak siya. Samantalang kami naman na mas mababa pa, masaya na kami basta pasado.
Napalingon kami sa mga nakatipon naming cellphone nang may mag-notification. Nagtinginan kami at sabay-sabay din kaming nagkibit-balikat. Tumayo naman yung isa sa amin at kinuha ang cellphone niya.
"Ang daya, Sam!" Sigaw ni Freya kay Samantha.
Sana all may ka text, kailan naman kasi ako ite-text ni Roujh?! Jok.
"Sorry, hindi kasi ako belong sa inyo. Una na ako, may emergency lang." Pambubwisit ni Sam bago dali-daling kinuha ang gamit niya at umalis na agad.
Nagkibit-balikat nalang kami at pinagpatuloy ang pinag-uusapan namin.
Umuwi na rin kami pagkatapos ng practice ng basketball.
"Hi," bungad ko kay Roujh pagkabukas niya ng pinto ng apartment.
Kanina pa ako nagdo-doorbell at binuksan niya palang ngayon. Inirapan niya ako at sasaraduhan sana yung pinto nang iharang ko ang kamay ko kaya naipit ako.
"Ouch!" Sigaw ko.
Hindi naman talaga ako naipit pero malapit na. Nanlaki ang mga mata niya at binuksan ulit yung pinto.
"Argh, get in." Cold ngunit may halong iritang sabi niya.
Pumasok na agad ako, baka magbago pa ang isip niya.
Hinawakan niya yung kamay ko at tiningnan yung naipit. Medyo namula rin iyon. Kinurot ko kasi para kunwari naipit talaga.
Kumunot ang noo niya nang tingnan niya ito, nakatingin lang siya doon na parang sinusuri samantalang ako titig na titig sa mukha niya.
Ang guwapo niya talaga. No doubt bakit marami akong kaagaw sa kanya. Haha.
Maputi rin siya, pero mukhang mas maputi rin ako sa kanya ng kaunti. Medyo makapal din ang kilay niya.
Kaagad na lumipat ang tingin niya sa'kin. Hindi ko iniwas ang tingin ko kaya nag-eye contact kami. Umiwas din naman siya ng tingin at umirap sabay bitaw sa kamay ko at tumakbo papunta doon sa kitchen, sa may malapit lang sa sala. Kahit siguro nandiyan ka pwede ka pa rin makapanood ng TV, eh.
