Chapter 2: Hotdog

86 21 4
                                        

CHAPTER 2 : HOTDOG


"What the hell did you do huh?!" Sigaw sa'kin ni Kuya.

Nanlalabo pa ang paningin ko pero rinig na rinig ko ang sigaw niya.

Parang ang bigat ng paligid, pero hindi ko alam kung bakit.

"Self defense lang naman iyon, Kuya." Palusot ko sabay ngisi.

Kita ko naman ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit. Ay, na-blush si Kuya kapag nagagalit, ang kyott.

Lumapit sa'kin si Kuya nang nakakunot ang noo.

"Anong self defense?! Hindi mo ba kilala kung sino ang sinuntok mo?"

"Eh siya naman kasi ang nauna!"

"Dannie!" Biglang nag-echo ang boses ni Kuya.

Tumingin ako sa paligid. Nandu'n din si Raven, nakasandal lang sa pader, na para bang nanonood siya ng nakakatawang eksena.

"Grabe ka," sabi niya. "Nanggulo ka na naman ng buhay."

"Hoy! Wala akong ginulo, ah!" Sagot ko.

Bigla akong hinila ni Kuya. "Kung wala, bakit may gulo?!"

"Edi tanong mo kay-"

"Gusto mo bang anitan ko yang kilay mo?" Tanong ni Kuya nang nakangisi.

Pumunta siya sa may mesa sa sala at bumalik ulit sa akin at may dalang pang-anit sa kilay. Yung pang-shave huhu.

Agad naman akong napahawak sa kilay ko sabay takbo papunta sa kwarto ko. Kaya ayoko dito eh, mamamatay ako ng maaga. Nakakatakot si Kuya. Tingin palang, akala mo papatayin ka na.

"Kuya naman eh, ang pangit ko na nga sisirain mo pa kilay ko. Paano ako magugustuhan ng asawa ko niyan?"

Hindi pa ako ready maging katulad ni Mona Lisa. Buti pa 'yon maganda kahit walang kilay, how about me naman?

"Run! Gooo!" Baritonong sigaw ni Kuya, kaya agad na nanlaki ang mata ko sa gulat at napasigaw din.

Relax, Kuya. Baka lumabas lalamunan mo.

Todo sigaw ako at tumakbo agad. Bilis, baka mahuli't mamatay ka nang maaga, marami ka pang misyon sa buhay.

Paano na yung pamilyang maiiwan ko? Yung mga kaibigan ko? Baka malungkot sila, baka umiyak sila, ayoko naman nu'n. At hindi ko pa nakikilala soulmate ko 'no, kaya hindi pa ako pwedeng mamatay.

Higit sa lahat, yung idol ko, hindi pa ako nakakakuha ng autograph niya sa junk food. Kaya hindi pa pwede.

Habang kumakaripas ako nang takbo, agad akong napamulat nang may biglang kumiliti sa ilong ko.

Takte? Gago, ah!

"Laki ng butas ng ilong mo..." Bulong ng isang isinumpang tao.

Tangina?!

Bumungad sa akin ang mukha ng tarantado kong Kuya na nakangisi.

Oh my G?!

Agad akong napahawak sa kilay ko at sa katawan ko sa lahat at... buhay ako!

Inoobserbahan nila ako ngayon, anyari ba?

"Ahmm... bakit kayo... nandito?" Nagtatakang tanong ko.

"Syempre, paanong hindi kami pupunta eh sigaw ka nang sigaw?" Patanong na sabi ni Raven.

"Nagpa-practice lang naman akong kumanta," pagpapalusot ko. Malay mo naman gumana, di ba?

"Kumanta habang tulog?" Tanong na naman ni Raven.

Chasing The Spotlight (UNDER REVISION) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon