Chapter 5: Late Night Talk with Tita

38 4 0
                                        

CHAPTER 5 : LATE NIGHT TALK WITH TITA

"Dannie..." Tawag sa'kin ni Tita Pene.

Umalis na sina Papa. Nakaupo ako ngayon sa sofa at nakabusangot.

"Bakit po?"

"Intindihin mo nalang muna sila, ah. Marami lang talaga silang ginagawa."

"Naiintindihan ko naman po, eh. Sanay na rin naman po kami. Pakiramdam nga po namin na parang nakikisingit lang kami sa oras nila," namumuo na ang luha sa mga mata ko. "Ganoon po ba kahirap na bigyan kami ng kaunting oras man lang? Kahit mga importanteng pangyayari sa buhay namin hindi nila masipot."

Noong family day namin, kaming dalawa lang ni Deign ang magkasama kasi hindi man lang sila dumating. Kahit birthday namin, limot din nila.

"Minsan nga po, hindi ko na alam kung nami-miss ko ba sila o nasanay nalang akong wala sila." Mahinang sabi ko.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pag-comfort sa'kin ni Tita Pene. Minsan ko lang maramdaman 'to, eh. Parang sa kanya ko nga nararamdaman ang yakap ng isang ina.

Sinabi na rin sa'kin ni Tita yung hindi na nasabi sa'kin ni Papa kanina.

"So, since magpapasukan na dagsa na naman ang mga magte-tenant dito. Last week, occupied na lahat ng rooms." Panimula ni Tita.

Kung occupied na lahat, saan ako?

Well, ito rin kasi talaga ang best option na apartment kung gusto mong malapit lang sa school. Malaki rin itong apartment, maraming rooms kaya medyo nakakabigla na occupied na agad. Mukhang nag-unahan na yung mga estudyante.

"Meron nalang na isang room na pwede mong tuluyan, may magiging roommate ka nga lang. Ang kaso lang, ayaw nu'n nang ka-roommate kaya solo niya 'yon."

Hindi naman sa pang-j-judge pero mukhang maarte ang taong 'yun.

"Kaya wala ka nang choice, dito ka nalang sa room ko. May dalawang bedroom naman. Doon ka at dito naman ako." Patuloy ni Tita at tinuro ang kwarto ko at ang sa kanya.

Okay lang naman sa'kin kahit alin na room basta may matutuluyan ako. Mas okay nga kung si Tita ang kasama ko.

Pumasok muna si Tita sa bedroom niya at may binigay sa'kin na isang notebook. Nang tingnan ko, nakasulat doon yung mga kantang sinusulat niya.

"Ano, okay?" Tanong sa'kin ni Tita.

Pinatingnan niya kasi sa akin yung bago niyang sinulat ulit na kanta. Pina-practice niya pa raw iyon.

Binigyan ko si Tita Pene ng thumbs up at ngumiti. "Okay na okay."

Sa akin kasi talaga ni Tita pinapatingnan ang mga bago niyang ginagawang kanta noon bago niya ina-upload online. Magka-vibes talaga kami ni Tita pagdating sa music.

Hindi ko lang sure kung nag-gigigs pa si Tita, may banda kasi sila dati. Hindi ko lang alam kung buo pa sila, matagal din kasi kaming hindi nagkita, eh.

Maya-maya'y naghanda na rin si Tita ng hapunan namin. Pumunta muna ako sa kwarto ko at naligo, ang init kasi, eh. Habang naliligo ako ay kahit ano-ano ang kinakanta ko. Hilig ko kasi talagang kumanta habang naliligo.

Chasing The Spotlight (UNDER REVISION) Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon