Bago tayo magsimula sa paglalakbay, kilalanin muna natin ang mga taong bubuo sa mundong ito.
Hindi sila perpekto. May kanya-kanya silang sugat, lihim, at pangarap. Ang ilan ay magmamahal nang sobra, ang ilan ay matutong bumitaw, at ang ilan ay pipiliing manatili kahit masakit.
Paalala lang, my dwinnies:
Wala akong itinakdang mukha o boses para sa kanila. Malaya kayong bigyan sila ng anyo sa inyong isipan. Maaaring kamukha nila ang taong mahal ninyo, ang taong nanakit sa inyo, o ang sarili ninyong repleksyon sa salamin.
Sapagkat sa huli, ang mga karakter na ito ay hindi lang sila, bahagi rin sila natin. Bahagi sila ng mga kwentong hindi natin masabi, ng mga luhang hindi natin maiyak, at ng mga pangarap na pilit nating inaabot.
Kaya habang binabasa ninyo ang kanilang kwento, huwag kayong matakot na makita ang inyong sarili sa kanila. Ibigay niyo sa kanila ang mukhang gusto niyo. Pakinggan niyo ang boses na nais niyong marinig. Damhin niyo sila dahil baka sa huli, sila pala ang salamin ng inyong sariling kwento.
𝗠𝗔𝗜𝗡 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗔𝗖𝗧𝗘𝗥
𝗥𝗲𝗶𝗴𝗻 𝗗𝗮𝗻𝗻𝗶𝗲 𝗔. 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 - Isang babaeng hindi pang-showbiz ngunit napaka-busilak ng puso. Hindi sigurado sa kanyang daan ngunit determinado. Babaeng hindi katangkaran, maikli ang mga buhok at may bangs. Isang babaeng matapang at palaban-ngunit paano kung dumating siya sa sitwasyon na ipapakita ng tadhana na mahina rin siya? Haharapin niya pa rin ba iyon ng taas noo o tatakbuhan na lamang?
𝗥𝗼𝗱𝗿𝗶𝗲𝗴𝗼 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗮𝗻 "𝑹𝒐𝒖𝒋𝒉" 𝗥. 𝗔𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 - Seryoso at Misteryoso — ang tanging dalawang salita na naglalarawan sa kanya. Isang magaling na mang-aawit at aktor. Para rito, hindi madali ang makisalamuha sa iba. Mahirap alamin kung sino nga ba talaga ang tunay sa iyo, kaya mas minabuti na lamang niya na magkaroon ng distansya sa iba. Ngunit paano kung kahit anong distansya ang gawin niya ay sinusundan pa rin siya nito? Hanggang sa dumating na siya sa puntong kinailangan niyang pumili sa pagitan ng kanyang ina at babaeng minsan niya na ring sinaktan at isinakripisyo? Handa na ba siyang ipaglaban ito o magpapadikta na naman siya sa gusto ng mga tao sa paligid niya?
𝗥𝗲𝗶𝗴𝗵 𝗗𝗲𝗶𝗴𝗻 𝗔. 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 - Isang mapagmahal na kapatid. Mapang-asar man ngunit handa kang protektahan at damayan sa lahat ng bagay o sitwasyon. Ngunit paano kung malaman ng babaeng minamahal niya na higit pa sa relasyong meron sila ang nararamdaman niya rito? Tatanggapin kaya siya ng minamahal niya o kasusuklaman siya nito?
𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗔𝗖𝗧𝗘𝗥𝗦
𝗠𝗶𝗸𝗲 𝗭𝗮𝗰𝗸𝗶𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗖𝗹𝗮𝘅𝘁𝗼𝗻 - Isang kaibigan sa mata ng lahat, ngunit hindi sa mata ng isa. Marami siyang hinanakit na dala na mag-uudyok sa kanya na gawin ang isang bagay na hindi naman siya. Sa huli, ipagpapatuloy pa rin ba niya ang nasimulan o titigilan na ang kahibangang ginawa niya?
𝗞𝗵𝗮𝗶𝘅𝗲𝗿 - Makulit — iyan ang pagkakakilala sa kanya ng lahat, ngunit sa likod noon, mayroon siyang malambot na puso. May lihim na pagtingin sa kaniyang kaibigan, ngunit ano ang magiging aksyon niya kung hindi siya ang nilalaman ng puso nito? Ipaglalaban pa rin ba niya ang nararamdaman o susubukang mahalin ang taong palaging nasa tabi niya para damayan siya?
𝗥𝗮𝗶𝗹𝘆 𝗩𝗹𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗟𝗮𝘃𝗲𝗹𝗹𝗲 - Mabuti at mahinhing babae ngunit sa mga mata niya lahat ng bagay ay kompetensya-yan ang paniniwala niya noon. May mga bagay siyang itinatago sa kanyang mga kaibigan. Ngunit sa huli, matututo na rin ba siyang magbukas sa kanyang mga kaibigan o sasarilihin na lang ang mga ito?
𝗙𝗿𝗲𝘆𝗮 𝗬𝘅𝗲𝘁𝘁𝗲 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝗶𝗹𝘃𝗲𝗿𝗶𝗼 - Masiyahin at palabang babae — iyan ang mga katangian na naging pagkakapareho nila ni Dannie. Ngunit sa kabila nu'n, magiging masaya at palaban pa rin ba siya kapag nalaman niyang ang taong minahal niya ang sumira sa buhay at pamilya ng kanyang kaibigan? Ipaglalaban niya ba ang kaibigan niya o ang pagmamahal niya?
𝗖𝗮𝗹𝘆𝘅 𝗥𝗼𝗵𝗮𝗻 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 - Mapang-asar na pinsan na naging kaibigan at sandalan na rin ni Dannie nang minsan siyang namuhay sa probinsya. Pero paano kung sa paninirahan ni Dannie—kanyang pinsan—magkaroon ng isang pangyayari na hindi nila inaasahan? Paninindigan ba nila ito o tatakbuhan ang mga ito?
𝗛𝗼𝗻𝗲𝘆 𝗕𝗹𝗮𝗶𝗿 𝗙𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 - Maganda ngunit mataray-yan ang pagpapakahulugan sa kanya ng lalaking palagi niyang kasigawan. Sa pagdating ni Dannie, handa ba siyang yakapin ang pagbabago? Handa ba siyang samahan ang lalaking naging parte na nang kanyang buhay at ang babaeng naging kaibigan niya na rin o iiwan silang pasanin mag-isa ang responsibilidad?
𝗣𝗲𝗻𝗲𝗹𝗼𝗽𝗲 𝗦𝘆𝗿𝗷𝗲 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 - Isa rin sa mga mapagkakatiwalaang tao. Kalmado at palangiti, ngunit paano kung sa likod nito ay may itinatago rin siyang isang malaking lihim na makakasakit sa dalawang taong pinaka-mamahal niya? Handa ba siyang harapin ang galit nito o muli siyang mananatili sa maskarang pinagtaguan niya nang mahigit isang dekada?
𝗬𝗼𝘀𝗵𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮𝗶𝗿 𝗥𝗶𝘃𝗲𝗿𝗮 - Isang hindi kilalang lalaki para kay Dannie. Hindi niya lubos maisip na sa loob ng mahigit dalawang dekada ay mayroon palang taong nangangailangan ng pagmamahal niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang dahilan ng mga pangyayari sa nakaraan. Ngunit paano kung bigla niyang malaman ang isang bagay na uupos sa init ng galit na nararamdaman niya? Handa kaya nila itong harapin nang magkakasama o haharapin ito kasama lamang ang kanilang mga sarili?
𝗚𝗶𝘀𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗔𝗰𝗼𝘀𝘁𝗮-𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 - Isang mabuting ina na walang ibang hiling kundi ang kaligtasan at kaligayahan ng kaniyang mga anak. Hindi niya lubos akalain na bibiyayaan siya ng ganoon kagandang regalo sa buong buhay niya. Ngunit paano kung sa sobrang pagmamahal ay dalhin na siya nito sa sitwasyon na kaya niya nang saktan ang taong naging parte na rin ng buhay niya? Handa ba siyang saktan ito o ipaglaban ang taong hindi nabigyan ng pagkakataon na makita ang mga magulang nito?
𝗞𝗲𝗻𝘇𝗶𝗲 𝗛𝗮𝗿𝗿𝗶𝘀𝗵𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 - Isang mapagmahal na ama sa kaniyang dalawang anak. Hindi mo lubos na aakalain na sa likod ng mga ito ay mayroon siyang isang lihim na mas lalong magpapalaki sa isyu ng pamilya. Sa mga oras na ito, handa na ba siyang harapin ang mga ito o tatakasan niya na naman ang mga bagay na bumabagabag sa kanya gabi-gabi?
𝗭𝗮𝗽𝗵𝗮𝗻𝗶𝗮𝗵 𝗭𝗮𝗵𝗿𝗮 𝗥𝗮𝗺𝗶𝗿𝗲𝘇-𝗔𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 - Striktang ina sa kaniyang anak. Hangad niya ang magandang buhay para rito. Ngunit paano kung dumating sa puntong pinili na nitong hindi sumunod sa kanya at dalhin na rin siya sa mga desisyong hindi dapat? Ipagpapatuloy pa rin ba niya iyon o susuportahan na lamang ang nais ng kaniyang anak?
𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘇𝗼 𝗔𝗹𝗰𝗵𝗳𝗿𝗲𝗱 𝗔𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 - Tahimik ngunit mabuting ama sa kaniyang nag-iisang anak. Sa buong buhay niya hindi niya inasahang magkakaroon siya ng isang pamilya dahil buong buhay niya hindi niya naramdamang may nagmamahal sa kanya. Ngunit paano kung sa isang pagkakamali mawala lahat nang inakala niyang mayroon siya? Handa ba siyang harapin ulit ang kaniyang nakaraan o muling magpapalugmok dito?
𝗦𝗜𝗗𝗘 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗔𝗖𝗧𝗘𝗥𝗦
Ezekiel Zyean "Kayean" Gorecho
Solana Darcy Mendoza
Klein Raven Villafuerte
Yhelsha Kaye Arcega
Mandielino Dion Foster
Samantha Scelesthia Salvania
Killian James Delare
Dahlia Kallaine Delare
Zeius Aeiron Ramirez
Stella Zamira Alonar
Ang bawat isa sa kanila ay may kwentong hindi pa nabubunyag. Ang ilan ay magiging sandalan, ang ilan ay magiging sugat, at ang ilan ay magiging dahilan kung bakit pipiliin ni Roujh at Dannie na lumaban o sumuko.
Ito ang kanilang mundo. At ngayon, mundo niyo na rin.
Maligayang paglalakbay, my dwinnies!
Note: Some side characters may only appear briefly, but they have their own stories, and you might see them again in future series.
