CHAPTER 3 - MAKAPAL ANG FACE
KELLY'S POV
Kasalukuyan na akong naka-upo sa upuan ko ngayon. Kalalabas palang namin ng detention room. At meron pang isang subject bago kami maka-uwi. Sa totoo lang, uwing-uwi na talaga ako. Ayoko na dito.
Kanina pa discuss ng discuss si Ma'am pero wala pa rin akong naitindihan. Pero uma-akting akong nakikinig. Mahirap na baka ibalik na naman ako sa detention room. At baka mamalo na naman ng pwet itong si Zack. At makasama ko sa detention. No way! Ayoko ng bumalik sa detention room. Nag-iwan sya ng memorya doon na hinding-hindi ko makakalimutan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang paghalik nya saakin. Geez! Ayoko nang maalala yun. Nakaka-inis ang lugar na yun. Kaya dapat na akong magtino para hindi na ako makabalik doon.
Napa-igtad nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. "Bat ang tahimik mo?" Pabulong nyang tanong saakin dahil kung lalakasan nya ay baka marinig kami ng guro.
"Di mo see? Nakikinig ako, dzuh" mataray kong sagot sakanya.
Tumikhim sya ng mahina. "Wee? Talaga ba? Naku Kelly, kilala na kita. Wala kang pinakikinggan" okay! Sabi na ehh kilala nya ako.
Umayos ako ng upo at kunyare nakikinig kay Ma'am. "Nakikinig ako. Wag kang makulit" inis kong—kunyare—bulong sakanya.
" Usap tayo mamaya ahh"
" Ayoko nga" kaagad kong tanggi. Dahil alam kong hindi lang pag-uusap ang gagawin nya saakin. Naku!
Mula sa peripheral vision ko ay sumubsob sya sa desk nya. "Bakit ayaw mo?"
"Kikitain ko pa mamaya si Rony—"
" Sya na naman? Mas importante pa ba sayo si Rony na yan kesa saakin? Saakin na—kaibigan mo? " Medyo napalakas ang boses nya kaya napatingin sa gawi nya sa Mrs. Aragoza.
" Is there anything problem, Mr. Lee?" Taas kilay na tanong nito. Ang strikta talaga.
Nakita kong umayos ng upo si Zack. "Nothing" malamig nyang sagot saakin.
Nagpatuloy nalang sa pag di-discuss ang guro namin. Wala kaming ibang marinig kundi ang striktang boses lang nya.
-
"Okay, class. Dismiss" anunsyo ni Mrs. Aragoza. Ayy salamat naman at dismissal na. Makaka-uwi na rin ako, finally.
Inayos ko na ang mga gamit ko at nagmamadaling ipasok yun sa bag ko. "Bat ka nagmamadali?" Rinig kong tanong ni Zack sa likod ko.
Sinukbit ko muna ang bag ko bago sya hinarap. "Kikitain ko nga si Rony. Ang kulit ehh"
"Sori? Alam ko ba? " Maang-maangan nyang tanong saakin.
" Hindi. Hindi. " Sarkastik kong sagot sakanya at inirapan sya.
"Uuwi na tayo, Kelly—"
"Kailangan ko pang ipaliwanag sakanya na hindi ako nagloko—at pwede ba Zack?! Tigilan mo na yang kakamanyak mo saakin. Di lang talaga suntok ang aabutin mo saakin—"
" Anong aabutin ko, honey? Aabutin ko ba—I mean aabutin ba natin ang langit? " Nakangising putol nya saakin.
Manyak Alert⚠!
" Alam mo ba na ang gago mo? " Napipikong tanong ko sakanya.
" Hmm? Ang alam ko lang masarap ako" napangisi sya.
" Mukha mo! " Inis kong singhal sakanya.
Tumawa lang sya saakin. " Oh btw honey, pagkatapos mong makipag-usap kay punyetang manloloko mong ex boyfriend ay pupuntahan natin sina Ate at Kuya Zion sa mansion. So, pakibilisan nalang honey, ha..." Sabi nya at tumingin na naman sa dibdib ko. Kaagad kong tinampal ang noo nya. "... Can't wait to lick it, honey" nakangising dagdag nya.
Hindi nalang pisngi ang nang-init saakin ngayon. Kundi pati na rin ang dugo ko. "Ilagay mo naman sa lugar ang kamanyakan mo, Zack. Pwede? "
" Paano? "
" Abugh! Ang gago mo ahh"
" Kahit gago toh, ma—m-ma—aish nevermind. Ge puntahan mo na yung Rony at hihintayin nalang kita sa kotse, honey" sabi nya at ngumisi na naman. Tanggalin ko na kaya ang labi nito para hindi na makangisi? Urgh!
Inirapan ko sya. "Umalis kana" utos ko at naunang lumabas.
Kailangan ko pang puntahan si Rony sa may soccer field. Doon kase kami madalas tumambay. Noong kami pa. Gago naman kase iyong si Zack ehh! Umungol ba daw naman? Ayun tuloy napagkamalan kaming gumawa ng milagro. Huhuness.
Mula sa di kalayuan. Kaagad kong natanaw ang madilim na mukha ni Rony. Aba't? Nagloko din toh! Ang kapal ng mukha nya.
"Bakit ang tagal mo?" Walang emosyong tanong nya saakin.
Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko. " Hoy, Rony. Ikaw ang nagpapunta saakin dito kaya matuto kang maghintay" sagot ko sakanya at inirapan sya.
Naka-pang-ilang-irap-na-ako-ngayong-araw?
Gravey. Di ko na ata mabilang. "Tsk! Si Zack ba ang katalik mo?"
"Yun na naman? Sabing mali—"
" Hindi ako manhid para hindi makaramdam, Kelly. Sa tingin mo ba malaya ang bawat kilos mo noon? Hindi mo lang alam na palage akong nakabantay sayo mula sa malayo. At ang potang Zack na yun ay kahit sinabi mo pang lubayan ka nya. Hindi nya pa rin magawa. So ano, Kelly? Bumigay ka nalang ng ganun-ganun lang? Pera lang ba ang habol mo saaming mga lalake mo—" di ko na sya pinatapos dahil sinampal ko sya ng pagkalakas-lakas dahilan para tumagilid ng kunte ang ulo nya.
"Ang kapal naman ng face mo, pare. Inaamin kong mahirap lang ako—oo hindi ko ikakahiya yun dahil yun ang pinanggalingan ko. Pero yung pera ang habol ko? Grabe ka naamn saakin. Alam mo? Kulang pa? Ipamukha mo pa saakin. Bakit Rony? Sa lahat ba ng date natin, gumastos ka? Ha? Hindi diba? Kaya wala kang karapatang sabihan ko na pera lang ang habol ko. Dahil kung yun ang punterya ko sa mga lalake edi sana matagal na kitang hininga. Tsk! " Putol ko at kusa nalang tumulo ang luha ko.
"K-kelly—"
"A-ayoko na, Rony. This isn't working. Maghiwalay na tayo"
"Kelly—"
" Magsama na kayo ng babae mo. Kapal ng mukha mo"
" Anong pinagsasabi mo? "
" Pakasaya ka. Sana nga lang maging masaya ka"
"Kelly—"
"Bye" kaagad na akong tumakbo papalayo sakanya habang patuloy pa rin sa paglalandas ng mga luha ko pababa.
First time. First time kong pagsalitaan ako ng ganung bagay. Sa tingin ba talaga nya pera ang habol ko? Ha-ha-ha. Ang kapal talaga. Sarap nyang ingudngod sa putikan doon sa bakuran namin. Urgh! Nakaka-inis sya. Walang hiya!!!;