CHAPTER 21 - WOWANIZER
KELLY'S POV
Nasa room na ako ngayon. Kaming dalawa pala ni Daniel. A. K. A. Daniella dahil babae raw sya. Pasalamat ako sakanya dahil matapos sabihin ni Zack ang bagay na yun ay sya ang naging sandalan ko. "Gravey naman pala yung love story nyo, ghorl. Ang saddy seddy naman" di ko alam na chismosa pala ang mga bakla. Pero kailangan ko talaga ng sandalan kaya sinabi ko sakanya ang mga nangyare saamin ni Zack. Except lang doon sa Mommy ni Zack. Baka sabihin ni Dani ehh. Wala pa namang preno ang mga bibig ng bakla. Psh.
Umub-ob ako sa mesa. Sa pinaka-dulo kami umupo. Para daw malayo sa masasamang damo. Char. "Yaan mo na, Dan. Ganyan naman talaga ang pag-ibig"
" Waah ang drama mo, ghorl. Ano bang gusto mong sabihin, ha? Diretsuhin mo nga ako, Miss Kelly Vitale?"
"Love makes sacrifices" Wala sariling sagot ko.
- FLASHBACK -
Nang may maalala ako. Ay kaagad kong kinuha ang bracelet na gawa ko. Hindi lang basta bracelet yun. Dahil couple bracelet. DIY (DO IT YOURSELF). "Ano yan?" Tanong nya nang ma-ilabas ko na ang bracelet.
Ehh? Anduga din pala nitong si Zack noh? Di nya alam ang pangalan nito? Di nya kilala si bracelet? Ipakilala ko kaya? "Bracelet toh, bee"
Pfft. "I know. What I mean is what was that for?" Ayun. Um-english na si Kuya.
" Remembrance bracelet" nakangiting sagot ko sakanya. Bahagya syang lumingon sa daan bago ito pi-nark.
Saka sya humarap saakin. "Bakit kailangan ng remembrance?" Takang tanong nya saakin.
Remembrance. Dahil baka makalimutan mo ako. Baka gawin din ng mommy mo na ilayo ka saakin ng tatlong taon gaya kay Ate Yanna. Naniniguro na ako, bee. Dahil alam kong mangyayare iyon. At iyon ang lubos kong ikinatakot. Natatakot na ako. Kailangan kita. Pero hindi pwede. Sana mabuti tong naging desisyon ko. Sana hindi ka magalit ng husto saakin. Sana hindi mo ako kakalimutan matapos ng desisyon ito. Sana...
Mahal na mahal kita, Zack. At ayokong masira ang relasyon nyo ng ina mo nang dahil lang saakin. Gustuhin ko mang maging selfish. Pero hindi dapat. Kase wala akong laban sa ina mo. Sana maintindihan mo ako. Sana...
- END OF FLASHBACK -
Wala sa sariling kinapa ko ang bracelet na suot ko. Sana hindi parin tinanggal ni Zack ang bracelet nya. Matapos nung sinabi nya kanina..... Sana nasa kanya parin ang bracelet.
Ano kayang reaksyon ni Zack pag nalaman nyang ina nya ang may pakana kung bakit ako nagkaganito? Magagalit kaya sya? Syempre hindi, dahil ina nya yun ehh.
"Waahhh. Kelly tignan mo si fafa Zack..." Bulong saakin ni Dani kaya kaagad akong napa-angat ng tingin at tinignan si Zack.
Na sana pala di ko nalang ginawa. Si Zack may kahalikan. May kakandong na babae. At kung hindi ako nagkakamali sya si Stella ang queen bee. Ramdam kong nagising ang natutulog kong jealous vines. Gusto ko silang sugurin. Pero hindi na pala ako kilala ni Zack. Napangiti ako ng mapait habang nagsisimula ng mamuo ang mga luha ko. Hindi ko na sya magawang lapitan. Siguro hanggang tanaw nalang talaga ako. Ang sakit.
"Mukhang nagigising na ang pagiging wowanizer ni Zack..." Bulong ko sa sarili ko.
" OmyG! Wowanizer pala sya? "Di makapaniwalang tanong nya.
Di pala bulong dahil napalakas ko ata. Napatampal nlang ako sa noo at muling umub-ob sa mesa.
SYNDY'S POV
*Ring* *Ring*
Kaagad kong dimapot ang phone ko mula sa study table ko. Si Miya tumatawag. Ano na naman kaya ang kailangan ng gagang ito?
"Oh bakit? Kilala mo pa pala ako?" Walang ganang tanong ko habang pinirmahan ang mga papeles na nasa harapan ko. Urgh! Panira talaga ng araw itong si Miya. Kita na ngang nag focus ako sa papel dahil kailangan kong mag-isip ng paraan para makapasok sa kompanya ni Zion.
[Couz, I need your help] kinakabahan nyang sagot.
"Ano na naman ba, Miya? Kita na ngang nag-iisip pa ako ng plano para makuha ko si Zion—"
[Couz, si Aliahyanna]
Napatigil ako. " Bakit? "
[Alam na nyang hindi ako buntis. At alam kong sasabihin nya yun kay Zack. Couz, please stop her]
Aliahyanna. "Busy ako" sagot ko at papatayin ko na sana ang tawag nang magsalita ulit sya.
[Couz. Help me. Kapalit naman nito ay magiging atin ang Lee brothers. Pigilan mo si Yanna. Kung kinakailangang patayin mo sya. Para hindi sya makapag sumbong kay Zack. At couz... Magiging sayo na si Zion]
Oo nga noh. Bakit di ko naisip yun? Tama sya. Minsan pala may silbi din itong babaeng toh. Akala ko pa naman puro Zack nalang ang nasa-isip nito.
"Nasaan na ba sya?"
[Hinahanap nya si Zack. Sa school ang punta nya, couz]
"Okay, ako na ang bahala sa warkang yun" nakangising sagot ko.
Ito na ang katapusan mo Khaye. Sa wakas ay masosolo ko na rin si Zack. *Evil Laugh*