CHAPTER 2 - 6 HOURS
KELLY'S POV
Parang bigla akong pinalo ng martilyo sa ulo ko dahilan para mata-uhan ako at napagtanto kung ano talaga ang posisyon namin. Nanlake ang mata ko. Nakadagan nga ako sakanya habang ang dalawang kamay ko ay sumalag sa dibdib nya para hindi madikit ang dibdib ko sakanya. Parang bigla akong nakuryente sa pagitan namin kaya tumayo agad ako. Daig ko pa si The Flash.
Yumuko ako at nilaro-laro ang mga daliri ko. Naramdaman kong na-upo rin sya sa tabi ko. "S-sorry... P-pasensya na *lunok* h-hindi ko s-sinasadya. So-sorry" kanda utal kong paumahin sakanya.
Narinig kong tumikhim sya. " I-it's o-okay" kanda utal nya ring sagot saakin at naramdaman kong umayos sya ng upo.
Wait! Ito ba yung pakiramdam ng salitang awkward? Bakit parang awkward nga? — Bakit daw? Gago ko talaga! Psh!
Ilang oras pa ba ang hihintayin namin para makalabas na kami dito? Ilang oras pa?? Hindi ko na kakayanin pang umupo dito, maghintay dito, nakatunga-tunga dito na kasama ang gagong ito. Baka mamaya ay di lang dibdib ko ang titignan nya. 😑
"Ehem! Ehem! Hey honey" ayan nA!! Umandar na naman sya. Jusq po!!
" Kelly ang pangalan ko, hindi honey" kalmadong sabi ko sakanya.
Tumawa sya ng mahina at nilapit ang mukha nya saakin dahilan para mapa-atras ako. "Mas maganda nga Kelly—pag inu-ungol ko" sagot nya sabay lip bite. Na naman?
Iniwas ko ang tingin ko sakanya. "M-manahimik ka nga jan" kunyare naiinis kong saway. Pero deep inside gusto ko ng ngumiti. Ewan ko ba pero yun talaga ang gusto ko.
Tumawa sya. "Honey, honey, honey. Ano sa tingin mo ang gagawin natin sa 6 hours?" Kahit di ko sya tignan alam kong nakangisi sya saakin.
Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay. "Uupo. Ano pa ba?"
"Oh honey, nagsasayang ka lang ng oras. Dapat sulitin natin ang 6 hours na binigay saatin"
"Gaya ng ano?" Wala sa sariling tanong ko. Biglang nanlake ang mata ko.
Dahan-dahan syang lumapit saakin dahilan para umatras ako sa sulok ng couch. Geez! Wala na akong maatrasan. Napa-igtad ako nang hilahin nya ang kamay ko at pinatayo.
Pinulupot nya ang isang braso nya sa bewang ko habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa pulsuhan ko. "Gaya ng ganito, honey" nakangising bulong nya saakin at pinisil ang bewang ko dahilan para mag-init ang katawan ko.
" Lu-lumayo... ka... n-nga" kanda utal kong utos sakanya.
Ngumisi sya lalo. " Why, honey? Are you scared? "
" H-hindi"
Tumawa sya ng mahina. " Hindi ako nangangain ng tao honey, pero nangangain ako ng..." Pabitin nya kaya napatingin ako sakanya.
Binitawan nya ang kamay kong hinawakan nya at diretsong binaba—what the?!! Sa v-card ko? "Pero dito, honey. Kumakain ako" sabi nya na ikina-init ng pisngi ko, plus katawan ko.
Nag-iwas ako ng tingin at tinabig ang kamay nya na nasa harap ng palda ko. "L-layuan mo n-nga ako, Z-zack" bahid sa boses ko ang pagka-ilang.
Pilupot nya ang isang braso nya sa bewang ko at inilapit sakanya. Hindi ako makagalaw.
Oh jesus! Please someone help me!
"Oh fuck, honey. I can feel your boobs—"
"Ang halay mo! " Bigla nalang nag switch on ang tiger mood ko at inis syang tinulak. Natumba naman sya at nahiga sa sahig.
Rinig ko pa ang malulutong nyang mura bago tumayo. "Honey ang sakit nun ahh" reklamo nya at hinimas-himas ang pwet nya dahil yun ang unang tumama.
Umupo ako sa isang upuan malapit sa pinto. Kailangan ko syang layuan. Mabuti nalang at nakapalda pa ako kaya hindi nya nahawakan nag v-card ko. Naku! Sisirain ko talaga ang kinabukasan nya. Itaga pa nya yan sa bato. Urgh! Nakaka-inis sya. Kahit kailan talaga walang ibang magagawa kundi ang manyakin ako—teka?!! Ngayon ko lang napansin na kapag may dadaang sexy sa harapan nya ay parang wala lang sakanya. Kahit pa halos nakahubad ay parang wala lang talaga sakanya. Pag meron namang nag-papacute sakanya ay di nya pinapansin. Napa-isip tuloy ako. Ako lang ba ang nakikita nyang babae sa paligid? Kase kung makatingin sya saakin ay puno ng pagnanasa, panghahalay, at pagmamaha—an mata nya. Nakaka-inis! Hindi ko magets ang trip nya sa buhay. Ano ba talaga ang gusto nya? At ano ba talaga ang tingin nya saakin? Comforter? Ouchyy. Ang sakit naman nun. Comforter taraga? Hindi ba pwedeng asawa—nevermind. Pero nakakapagtataka pa rin ehh.
Curiosity kills the cat
Sorry brainy, but im not a cat.
"Honey naman!" Rinig kong maktol nya kaya nabalik ako sa realidad. Naka-upo sya sa isang upuan—na kinuha nya siguro doon sa likod—paharap saakin.
Nakanguso sya. "Ano na naman ba?" Inis kong tanong sakanya.
Huminga sya ng malalim at nag-iwas ng tingin. "Bakit ba hindi mo ako sinasagot?"
"Ano namang isasagot ko? "
" Kanina pa ako tanong ng tanong sayo, di ka man lang sumagot"
Sorry? " Ehh? A-ano bang tanong mo? "
" Wala"
" Ha? Sabi mo may tanong ka? Dali na"
" Wala na—"
" Zack! "
" Aish"
" Zack! Isa! Magtatanong ka o magtatanong ka?"
"Nevermind"
"Zack! Dalawa! "
" Wala na nga ehhh"
Aba't. Ayaw talaga?
Inis ko syang tinignan sa mata. Mata sa mata. Umiwas na naman sya ng tingin saakin. "Haay. Zack sige na magtanong kana" mahinahong utos ko sakanya.
Humarap sya saakin gamit ang seryosong tingin nya na sa kaklase lang namin nya pinupukol. Ibig sabihin talaga wala lang ako sakanya? Ouchy naman nun! Urgh! Sakit naman sa puso. Tumagos ata. "Wala nga sabi" medyo naiinis nyang sagot. Pero walang makakapantay sa inis na nararamdaman ko sakanya. Naiinis sya? Mas lalo naman ako! Mas grave pa! Gravey!
Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Zack. Wala. Ba. Talaga?" Madiing tanong ko sa sakaya at hinawakan ang panga nya.
Seryoso pa rin ang tingin nya saakin. "Wala. Nga. Sabi." Madiing sagot nya rin saakin.
Aba't! Ginagaya mo ba ako???!!! "Zack! Magtanong kana habang handa pa akong sumagot. Nakaka-inis ka naman alam mo ba yun ha?! Kanina pa kita pinipilit pero di ka man lang nagpati-anod. Ano ba talaga ang puntang-ina mong tanong—"
Naputol ang sasabihin ko nang halikan nya ako ng mariin dahilan para manlake ang mata ko. I-ito ang f-first kiss ko. A-aaminin kong madami na akong boyfriend pero never pa akong nagpahalik sakanya. Pero sya? Waaaahhhhh!!!