CHAPTER 14 - 2 DAYS WITH YOU
Maaga. Maaga pa sa alas singko akong pumasok sa school. 4:21 AM. Ganun din si Zack. Dahil nung magising ako ay ti-next ko sya na magkikita kami sa school. Pumayag naman sya. Medyo nahirapan nga lang ako.
- FLASHBACK -
Nagising ako mga bandang alas dos ng gabi. Sisimulan ko na ang plano kung iparamdam man lang kay Zack na mahal ko sya. Dahil alam ko na pag hindi ko yun ginawa ay... Baka magsisi ako sa huli.
Kinuha ko ang selpon ko sa ilalim ng unan ko at kaagad na dinial ang number nya. Sana naman gising na sya sa oras na toh.
*Ring* *Ring* *Ring* *Ri—*
[H-hello, Kelly? Na-miss moko?] Inaantok na bungad nya.
Napangiti ako at sumagot ng "Oo. Na-miss kita"
[Wee? Talaga?] Di makapaniwalang tanong nya saakin. Sarap tawanan.
"Oum. Zack..."
[Bakit? Na-miss mo talaga ako?] Kahit sa call lang ito. Alam kong kinikilig na ang lokong toh. Ano kayang itsura nya kiligin?
"Kita tayo sa school. Mga 4 am" sana tatalab.
[Ohh. Seriously? Inaantok pa ako ehh] maktol nya. Err? Sabi na ehh.
"Sige na, bee" pagpilit ko sakanya. At sinabayan pa ng puppy eyes. Kahit di naman nya nakikita.
[*Yawn* Inaantok pa talaga ako] hayy. Isip, isip, Kelly
Aha! "May pupuntahan tayo" sana tatalab na this time.
[Saan naman?] May halong pagka-excite nyang tanong.
"Saan mo gusto?" Nakangiting tanong ko.
[Sa langit ba?] Wews. Pagbigyan natin
"Gusto mo?" Tanong ko. Narinig ko naman ang tili nya. Pero alam kong pinipigilan nya ito.
[Oum] sagot nya. At kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nag lip bite na naman ito.
" Sige kita tayo sa school"
[Kelly?] Tawag nya saakin gamit ang seryosong boses nya. Na ikinataka ko.
" Bakit? " Taka kong tanong sakanya.
[Okay ka lang?]
" Huh?"
[I mean, okay ka lang ba? May sakit kaba?] Ayy putek na toh.
"Pfft. Syempre wala. Ako pa. So ano?"
[Sure ka?]
"Oo nga ehh, kulit"
[Sige hintayin moko sa school. Bye]
" Bye" papatayin ko na sana. Nang magsalita na naman sya.
[Kelly?]
" Oh? " Tanong ko.
[I love you] deritsong sagot nya. Napangiti ako. At ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko. Sasagot na sana ako ng I LOVE YOU TOO nang patayin nya ang tawag.
*Toot* *Toot*
Napa-iling nalang ako bago pumasok sa banyo.
- END OF FLASHBACK -
Sa bench na palageng tambayan namin ay nakita ko Doon si Zack. Nakasuot sya ng hoodie at bahagyang naka-yuko. Inaantok talaga sya. Naawa ako sakanya. Patulugin ko nalang kaya ito?
Lumapit ako sakanya at tumabi sakanya saka sya niyakap patagilid. Medyo nagulat pa sya. Pero kaagad ding nawala iyon. "Kelly, ikaw ba yan?"
Ngumiti ako. "Yes, bee. Ako toh. Inaantok ka pa ba? "
" Oum" sagot nya. Humiwalay ako ng yakap sakanya at umusog ng kunti. Taka naman syang tumingin saakin.
"Ayaw mo ba akong katabi?"
"Hindi naman. Humiga ka muna para makatulog ka"
"You sure? "
" Yes naman" sagot ko kaya naman ay humiga na sya lap ko.
" Bakit bee ang tawag mo saakin?" Kala-unay tanong nya.
Easy. Ez. " Dahil... Honey ang tawag mo saakin. Diba pag walang honey ay walang bee? Kaya yun ang tawag ko sayo"
" Aww. You're so sweet. Okay naman pala ang endearment natin. " Nakangiting sabi nya. At hinawakan ang kaliwang kamay ko. " Wag mokong iwan ahh?" I c-cant promise. Hindi kita magawang ipaglaban.
Ngumiti ako ng mapait sakanya. Alam kong hindi nya iyon makikita dahil sa dilim. "P-pangako" sagot ko kasabay ang pagpatak ng luha ko sa mukha nya.
"Honey, umuulan ba? Siguro sa kotse nalang tayo matutulog—"
"Hindi umuulan. Matulog ka na Zack. Nandito lang ako. At hindi kita iiwan" pagkasabi ko nun ay bigla nalang sya umupo at tinignan ako ng nakangiti.
" Alam mo bang kanina pa kita gustong angkinin?"
"Hindi" natatawang sagot ko. Napa-nguso naman sya. Kaya naman nilapit ko ang mukha ko sakanya at hinalikan sya ng mariin. Napangiti sya bago tumugon sa halik ko.
Sorry, Zack. Isa akong manhid na tao. Duwag na babae. Hindi kita kayang ipaglaban sa mommy mo. Pasensya na. Mahal ko si Tiya. At ayokong makulong sya. Pero mahal din kita. Importante ka saakin. Dahil minahal mo ako nang hindi ko namamalayan. Pero.... Mas mahal ko talaga si Tiya. Kahit na madalas nya akong apihin, bugbugin, sumbatan. Sya parin ang nag-aruga saakin mahigit labing pitong taon. Sorry.
Nang matapos ko syang halikan ay niyakap ko sya kaagad. At doon na sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi maka-likha ng ingay. "You don't know how much happy I am, honey" alam kong masaya ka, Bee. Pero darating ang panahon na masisira ko ang kasiyahan mo. At natatakot ako oras na mangyari iyon. Ako ang dahilan ng kasiyahan mo. At alam kong ako rin ang dahilan ng matinding sakit na mararamdaman mo.
"Zack. Mahal kita" usal ko sa kalagitnaan ng iyak ko. Mabilis nya akong hinarap sakanya at hindi makapaniwalang nakatingin saakin.
"Ma-mahal—mahal mo ako?" Tumango ako. At muli nya akong niyakap. " Is this true? Am I dreaming? "
" Totoo toh, Zack"
" Gusto ko ganito nalang tayo palage. Ayokong may sisira sa pagmamahalan natin, honey. Ayoko. "
Napangiti ako. Alam ko. Pero paano nalang pag nalaman mong.... mong sarili mong ina ang nag-utos saakin na layuan ka? Makaka-laban mo sya? Kaya mo ba sya? "Ako din, Zack"
"Oh honey..."
"Matulog kana, bee" sabi ko sakanya. Ramdam kong umiling sya.
" Ayoko. Baka pag-gising ko ay panaginip lang pala ito. Ayoko"
Ang kulit pala ng bee ko. " Matulog kana. Pangako. Di kita iiwan dito hanggang sa magising ka. "
" Sabihin mo munang mahal moko"
Pfft. Ngayon ko lang nalaman na may pagka childish din pala itong si Zack. " Mahal kita bee, mahal na mahal"
"Darn! I love you too, honey"