20

1.1K 14 1
                                    

CHAPTER 20 - HEARTBREAKS 2

KELLY'S POV


Hindi ko na napigilan ang luha ko. Ang sakit pala ng ganito. Ang sakit pala. Hanggang ngayon ay malamig na tingin parin ang pinupukol nya saakin. "Hindi ko akalain na magaling ka pala sa acting. Pwede ka ng pumasok sa showbiz kung gusto mo" malamig parin nyang saad saakin. Saka nilagay nya sa bulsa ang magkabilang kamay nya. Bumaba ang tingin ko sa bracelet na bigay ko sakanya.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para iwasan ang hagulhol. Mabuti nalang at lumang building itong pwesto namin kaya wala masyadong nakakita. Si bakla ay ayun nanood ng k-drama. "Akalain mo nga naman, Kelly. Yung super close kong best friend na akala ko ay magiging tapat saakin. Pero sya rin pala ang dahilan kung bakit ako nasaktan" ramdam ko ang pait sa boses nya.


" Z-zack... " Tanging usal ko.


"Ang ganda pa naman sana nung endearment natin. Honey-bee" Tumigil kana, Zack. Please.



Nasasaktan na ako. " Nasayang lang pala ang lahat ng efforts kong mag papansin sayo. Ni minsan di mo pala ako napansin"


" Yung mga jokes ko. Aaminin kong sobrang mais pero nagawa mo namang tumawa, hahaha. Palabas lang pala"


" Ang tanga mo talaga, Zack. Haay. Kailan pa ako naging manhid? Bakit hindi ko naramdaman na niloloko na pala ako? "



" Mga masasayang araw. Ay mapapalitan lang din pala ng matinding sakit"



" Hoo! Nasayang lang pala lahat ng tulong ko sayo. Yung iligtas ka mula kay Mr. Lux. Kung wala ako dun. Na rape kana"


- FLASHBACK -


"Anong gagawin ko? Di natuloy ang chuk-chakan namin ni Mr. Lux dahil may tatlong anghel na mukhang ganster na bumaba mula sa langit upang ako'y iligtas. Huhuhu. Wala akong pamasahe" bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga sasakyang dumaan.



Maglalakad na nga lang ako. Err. Pero kailangan ko pang tumawid. Jusq naman. Pero kaya ko toh. Fighting lang.

<_<

>_>

<_<

>_>

Ayan nakatawid na ako. Nilingon ko muna ang lugar na pinagdalhan saakin. Kaso hindi pamilyar saakin—wait?!!!! Pamilyar???? T-teka. Si Z-zack ba yun? Tama! Sya nga!

Nanlake ang mata ko habang nakatingin kay Zack na may dinial sa phone nya. Kala-unay bigla nalang syang nag-angat ng tingin. Kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko at kaagad na tumalikod.

Nakita nya ba ako?

- END OF FLASHBACK -

Waaahh. Ibig sabihin sya talaga yung nakita ko? Hindi ako namalikmata? A-alam nya ang trabaho ko?

"Z-zack..."

"Sayang noh? Hayst. Sana pala hinayaan nalang kita doon kay Mr. Lux. Nag hire pa ako ng tatlong tao para iligtas ka. "

Yung tatlong anghel.

- FLASHBACK -

*BLAAAGGG*


Napatingin si bwesit na parener sa tatlong lalakeng—yung sumipa sa pinto—na nakatayo na. At masama ang tingin sa parener na nasa harap ko.

Di man ako nakapikit ay nasa sahig na si Mr. Lux. Sa sobrang bilis ng pangyayare hindi ko alam kong ano ang ire-react ko.


Wait!! Foreigners din ba sila? Ano? Silang tatlo? Sabay sila? Naku!

"Miss Kelly tara na po sa labas" hanudaw? Wait? Kilala nya ako? Wee? Seryoso? Pero sa labas daw? Kikidnappin nila? Tapos hihingan nila ng pera si mama—opps wala pala ako nyan. Pero hihingan nila ng pera si Tiya? At kung hindi makapagbigay si Tiya at papatayin nila ako? Waahh?? Sana no!!


"S-sino kayo?"


"Hindi na po importante Miss. Ang importante ay lumabas kana dito at ipa-ubaya mo saamin ang lalakeng ito" sagot nung nasa kanan na may hawak na sigarilyo.


Pero ano raw? Oras ko na bang tumakas? Pero parang yun din naman ang sinabi niya ehh kaya ..... Sige. "Okay sabi mo yan ahh"


- END OF FLASHBACK -

Galing sakanya yung tatlong anghel? Gusto kong magtalon-talon sa saya dahil niligtas nya ako. Pero ayokong gawin.

"Pumunta pa talaga kami ng batangas para sayo" tumingala na ako para tignan sya.


Malamig na may halong pait ang mga mata nya. " Siguro oras na para tapusin lahat ng namamagitan saatin"


Waagggg! "Z-za—"

"Puputulin ko na ang pagiging magkaibigan natin... " Putol nya saakin.

" Wag—"

" At... Yung n-nararamdaman ko sayo"


Sunod sunod na nag si labasan ang mga luha ko dahil sa sinabi nya. Walang emosyon nya akong tinignan. "Wag ka ng umasang pupunasan ko pa ang mga luha mo—"



"Zack—"

"—dahil hindi na ulit ako magpapa-uto sa tulad mong—"


" Zack, pakinggan—"


" —paasa—"


" Zack!! " Sigaw ko dahil sa inis.

" Wag ka ng umasa pa, Kelly Vitale. Dahil simula sa araw na toh...."

".... Hindi na kita kilala"

_____________
A/N : Waaahh. Ang sad pala😭

Ang Manyak Kong Boyfriend (Part 2)Where stories live. Discover now