16

863 10 0
                                    

CHAPTER 16 - 2 DAYS WITH YOU 3

Huling araw. Ito na ang pang huling araw ko sa piling ni Zack. Kinakabahan na talaga ako ng bonggang-bongga. Ayoko sa ganito. Pero wala akong magagawa. Dahil ayoko namang makulong si Tiya. Sya na ang ina ko. Ayokong suklian sya ng masama. Dapat bibigyan ko rin sya ng pagmamahal. Bilang isang anak nya.

"San tayo, honey?" Nakangiting tanong saakin ni bee nang ma-ibigay na nya saakin ang ice cream na bili nya. May class kami ngayon. Pero pareho kaming nag ditch. Shh lang kayo. Dapat sulitin ko na ang huling araw na toh. Kasalukuyan na kaming nasa mall. Nang wi-window shopping. Grabe. Nakakapagod pala.

Amusement park. Yan ang kanina ko pa iniisip. "Amusement Park na tayo, bee" abot tengang ngiting sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya saakin at ninakawan ako ng mabilis na halik. Napangiti nalang ako. Saka umiling.

"Bakit dun?" Tanong nya nang makasakay na kami sa kotse nya.

"Gusto ko lang" sagot ko at nginitian sya. Pero kita naman sa mata ko ang paparating na matinding lungkot. Sana hindi nya mahalata.

"Pansin ko lang. Bakit parang naging hyper ka?" Tanong nya saakin habang diretsong nakatingin sa daan.

Bakit ako hyper? K-kase sinulit ko 2 days natin. Huhuhu. "G-gusto ko lang maka-bonding ang bee ko. May problema ba doon, bee? " Tanong ko sakanya at sinilip pa ang mukha nya.

Tumawa sya ng mahina. "Wala naman"

Ang tawa nya. Ang sarap pakinggan. Na sa tingin ko ay di ko na ulit pa maririnig. Natatakot ako. Natatakot ako sa posibleng mangyari pagkatapos ng araw na ito. Sa tingin ko ay hindi ko kakayanin pa. Bakit ba ako napasok sa ganito? Bakit kailangang pang ganito ang mangyare? Buong akala ko madali lang ang pag-ibig. Akala ko pag mahal mo ang isang tao ay gora na. Pero hindi pala, mali pala ang akala ko. Hindi ko alam na may hahadlang pala. May dadating pala para magkasira kami. Hindi ko alam...

Tumungo at sinandal nalang ang ulo ko sa bintana. At nag tingin-tingin sa madadaanan namin. Ayaw kong makita nyang umiiyak ako. Knowing Zack. Super careful nyan. Saakin nga lang. Hehe. Yun ang bagay na nagustuhan ko sakanya. Hindi sa itsura nya ako bumabase. Kundi sa ugali nya. At nakita ko naman iyon sa tatlo o limang taon naming magkaka-ibigan. Hindi ko namalayan na may pag tingin na pala ako sakanya. Pfft. Palihim ko syang minahal. Hindi bilang kaibigan. Kundi bilang sya. Sya, bilang si Zack na mamahalin ko habang buhay. Na hindi na matutupad kailan man.

Nang may maalala ako. Ay kaagad kong kinuha ang bracelet na gawa ko. Hindi lang basta bracelet yun. Dahil couple bracelet. DIY (DO IT YOURSELF). "Ano yan?" Tanong nya nang ma-ilabas ko na ang bracelet.

Ehh? Anduga din pala nitong si Zack noh? Di nya alam ang pangalan nito? Di nya kilala si bracelet? Ipakilala ko kaya? "Bracelet toh, bee"

Pfft. "I know. What I mean is what was that for?" Ayun. Um-english na si Kuya.

" Remembrance bracelet" nakangiting sagot ko sakanya. Bahagya syang lumingon sa daan bago ito pi-nark.

Saka sya humarap saakin. "Bakit kailangan ng remembrance?" Takang tanong nya saakin.

Remembrance. Dahil baka makalimutan mo ako. Baka gawin din ng mommy mo na ilayo ka saakin ng tatlong taon gaya kay Ate Yanna. Naniniguro na ako, bee. Dahil alam kong mangyayare iyon. At iyon ang lubos kong ikinatakot. Natatakot na ako. Kailangan kita. Pero hindi pwede. Sana mabuti tong naging desisyon ko. Sana hindi ka magalit ng husto saakin. Sana hindi mo ako kakalimutan matapos ng desisyon ito. Sana...

Mahal na mahal kita, Zack. At ayokong masira ang relasyon nyo ng ina mo nang dahil lang saakin. Gustuhin ko mang maging selfish. Pero hindi dapat. Kase wala akong laban sa ina mo. Sana maintindihan mo ako. Sana...

Nabalik ako sa realidad nang pitikin nya ang noo ko. "Aww" napahimas ako sa noo ko. Im sure namumula na ito. Sa lakas ba daw naman.

"You're spacing out." Seryosong sabi nya habang naka-kunot ang noo.

Napa-pout ako. " What are you thinking, huh? " Tanong nya pa saakin. Kaya mas lalo akong napa-pout. Pinukol naman nya saakin ang nakakamatay nyang tingin. Kaso nagkakamali sya. Dahil matagal na akong patay. Patay na patay sakanya. Yiieeekss.

"Wala" sagot ko sakanya na mas lalong ikina-kunot ng noo nya.

"I know you very well, Kelly Vitale" sambit nya gamit ang seryosong tono nya.

Mas lalo akong napanguso. Naman ehh. Gusto kong magsaya. Huhu. Ayokong matapos ang araw na ito na galit sya saakin. Huhuhu. "Ini-isip lang kita" nakangiting sagot ko. Tumaas naman ang isang kilay nya. Mukha tuloy syAng professor na bakla.

"Sa mukha mong yun, ako ang iniisip mo?" Ayy putek na ito.

Shutang-namers naman ehh. Huhuhu.

"Oo nga ehh, kulit mo naman" nakangusong sagot ko.

"Seryoso?"

"Oo nga—" di natapos ang sadabihin ko nang bigla nya akong halikan. Walang pa-atubiling tumugon ako.

Hiniling ko sana ganito nalang kami araw-araw. Yung tipong walang problemang pinapasan. Yung palage nalang masaya. Walang halong lungkot. Gusto ko sanang maging happy ending ang love story namin. Pero naging tragic pala. Huhuhu. Hindi pala sya ang prince charming ko. Hindi pala sya ang magiging last boyfriend ko. Hindi pala sya ang maging asawa ko. Hindi pala sya ang maging ama ng mga anak namin. Hindi pala sya ang makakasama ko sa altar. Hindi pala sya ang makakasama ko sa pagtanda ko.

Nakangiting humarap sya saakin. Kaya nginitian ko rin sya at isi-nuot sa kamay nya and bracelet. At yung isa naman ay saakin. "Bee..."

"Hmm?"

"Kahit na anong mangyare, wag na wag mo itong tatanggalin ahh?"

"As you wish, honey"

"Ginawa ko talaga yan. With love"

" Aww you're so sweet"

" Heh! "

" Oops. Don't worry, honey. Hehe. I love you"

" I hate you too"

" Nah. I love you more"

Ang Manyak Kong Boyfriend (Part 2)Where stories live. Discover now