Chapter 1: Letter to Isabella

5 1 0
                                    

Chapter One

Isabella Garces



Apat na buwan. Iyon lang ang kaya kong ibigay sa kanya at mapagbigyan ang kahilingan ng Mamá sa nalalapit na pagdating ng taong matagal ko nang hindi nakikita. Ngunit ito'y kahibangan! Hindi ko nga kayang pilitin ang sarili o turuan dahil hindi ko naman natuturuan ang aking puso. Tanging pagtitiis lamang ang kaya kong ibigay sandaling narito na siya, matatapos rin naman ito.

August 12, 1939

Dear Isabella,

I am not sure how to start this, but I am very sorry for the unfortunate events. Please forgive me and the pain I have caused you and this marriage.

Yours truly,

Edward Frank

"Hindi ba ay ayaw mo sa kanya, Isabella?" Nakangiting tanong ni Delia habang si Maria ay impit na nagtitili sa gilid. Napaka tsismosa talaga ng mga babaeng ito kahit kailan. Nagaabang ang mga ito sa aking sasabihin kahit hindi naman ako apektado sa liham na hawak ko. Napabalik tanaw lang ako sa liham niya dahil sa balitang uuwi siya.

Imbis na sagutin ay mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan saka tinupi at binalik sa kahon ang liham na patuloy na humihingi ng paumanhin ilang taon na. Muli kong pinagmasdan ang aking mga labi bago ko sila hinarap. Bagaman naiinis sa liham dahil may kakaibang hatid iyon na hindi ko maintindihang pakiramdaman ay winaksi ko na lamang upang hindi na madagdagan ang iniisip sa kanya.

Tumikhim si Maria, "Kailan ba ang balik ni Edward?" Tanong niyang muli habang humihithit ng sigarilyo sa gilid. Nakapatong ang mga binti sa kahabaan ng sofa na tila modelo sa ayos ng upo. "Kung ako sa'yo patawarin mo na, Isabella." Suwestyon pa niya saka nagbuga ng usok.

Hinarap ko siya. "Hindi iyon madali sa parte ko. Oo, asawa ko siya pero sa papel lang. Mahal ko pa si Lucio at hindi ko matanggap na hanggang ngayon, buhay pa ang pagmamahal ko sa kanya. Sinubukan kong mahalin si Edward... pero-" umiling ako at hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin nang tumugon muli si Delia.

"Alam naming mahal mo pa si Lucio at alam naming sinubukan mong mahalin si Edward pero ang tanong, sinubukan mo bang alisin diyan sa isip at puso mo pansamantala si Lucio habang sinusubukang mahalin ang asawa mo?" Aniya at umupo sa tabi ko at inabot ang aking kamay upang pisilin ito. Yumuko na lamang ako sa kahihiyan dahil may punto siya. At bakit ako nahiya?!

Tumayo si Maria at tinapon ang upos ng sigarilyo. "Siya! Tayo na at naghihintay na ang sasakyan sa labas." Makatlong beses na aming narinig ang sasakyan sa labas habang kami'y nasa ilalim ng usapin.

Dumungaw si Delia at napa-padyak sa sahig. Ganoon na lamang ang tawa ko nang ako'y dumungaw rin upang makitang si Gregorio na kanyang manliligaw ang natatanaw sa ibaba naghihintay.

"Tawa mo riyan, Isabella." Simangot niya at nagdadabog pa kung kaya't tinawanan pa lalo namin ni Maria.

"Tigilan ni'yo 'yan, Isabella, Maria." Saway pa niya kung kaya't napabungisngis kaming napapatigil habang pababa ng hagdan.

Nawala ang ngiti sa aking labi pagka-bukas ni Delia ng tarangkahan. Naroon pala naghihintay ang taong matagal ko ng hindi nakita noong huli naming pagtatalo. Bumalik ang inis at pagka-suklam sa kanya ngunit nangibabaw parin ang biglaang uwi niya ng hindi ko man lang napaghandaan.

When in JulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon